AMARA
ALAS SINGKO pa lang nang umaga gising na ako. Kahit inaantok pa ang diwa ko kailangan kong bumangon para maaga akong makaalis at makapunta na sa mansiyon ni Zach. Ayaw kong maging issue na naman sa kanya kapag na-late ako. Kung alam ko lang sana na siya pala ang may-ari ng mansiyon na iyon. Nungka na ibibigay ko ang serbisyo namin sa kanya kahit gaano pa kalaki ang bayad niya. Hindi ko alam kong paano niya ako nahanap?
“Correction girl, hindi ka hinahanap. Hindi niya alam na ikaw ang may-ari ng ATHARA INTERIOR DESIGN AND HOUSE RENOVATION. Coinsidence lang ang lahat kaya huwag masyadong assuming, huh!” saad ng isang bahagi ng utak ko. Napaismid ako. Tama nga naman, bakit nga ba niya ako hahanapin? Eh, for sure may sarili na siyang pamilya. May mga anak na sila ni Rain. Dati nga hindi niya ako nagawang hanapin. Ngayon pa kaya na limang taon na ang nakalipas.
Iniunat ko ang aking dalawang braso pagkabangon sa higaan. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig baka magising pa ang anak ko. Inaantok pa talaga ako kaya panay ang paghikab ko. Alas dos ng madaling araw bago ako nakatulog dahil sa pagbabantay ng anak kong si Athara. Hindi naman. siya gaano mainit. Ngunit hindi pa rin ako makampanti baka biglang tumaas ang lagnat niya. Dinala ko na siya sa clinic at pina check -up pero sabi ng doktor hindi naman kailangan ma admitt ang anak ko. Binigyan lang ng gamot at kailangan pang obserbahan.
Kapag umabot ng apat araw ang lagnat niya kailangan ko na siyang dalhin sa hospital. Mahirap kapag ganitong may sakit ang anak ko, halos wala akong pahinga. Minomonitor ko ang init at gamot niya. May trauma na kasi ako noong three years old pa lamang siya, nilalagnat at nagka-combulsion. Hindi ko na alam ang gagawin ko no'n. Mabuti na lang at nadala namin kaagad sa hospital.
Mabilis akong pumasok ng banyo at kaagad na tumapat sa shower para magising ang inaantok kong diwa. Nabuhayan kaagad ang aking dugo nang dumantay sa balat ko ang malamig na tubig. Madaliang ligo lang ang aking ginawa dahil magluluto pa ako ng agahan. At papakainin ko pa si Athara. Medyo malayo-layo rin ang tatakbuhin ng aking sasakyan papunta sa bahay ni Zach dahil may kalayuan iyon sa siyudad. Dadaanan ko pa sina Tin at Levy.
Pababa pa lang ako ng hagdan amoy na amoy ko na ang mabangong sinangag. Pagkapasok ko sa loob ng kusina nadatnan ko si Lola Olivia na nagluluto.
“Good morning, La. Bakit maaga kang nagising? Dapat nagpapahinga po muna kayo. Ako na sana ang bahala rito.”
“Naku, apo. Kaya ko pa naman. Alam mo namang manghihina ako kapag wala akong gagawin. Ikaw dapat ang hindi gumigising ng maaga kasi alam kong puyat ka pa sa pagbabantay sa apo ko,” nag-alalang tugon ni lola Olivia. Lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Sobrang thankful ako sa kanya dahil sila ng anak ko ang pinagkukunan ko ng lakas. Sila na lang dalawa ang pamilya ko. At siyempre kasama si Japeth. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya ang tumulong sa akin kung bakit naabot ko kung ano man ang narating ko ngayon.
“Amara, apo. Sige na umupo ka na riyan at ipaghahain kita. Nagluto ako ng paborito mong sinangang at pinangat," matamis ang ngiting pinakawalan ng lola ko. Nanlaki ang mata ko sa aking narinig.
“Wow! Talaga po lola? Alam na alam mo talaga na paborito ko ang pinangat at sinangag.” Para akong batang paslit na napapalakpak. Hinila ko kaagad ang upuan. Napangiti akong inilapit ang aking ilong sa usok mula sa inihaing pagkain ni lola. Hmm...sorbang bango, usok pa lang ulam na!
Namimiss ko ang pagkain ng Pinangat, isa sa mga specialty dishes sa aming mga taga Bicol. Simula bata pa ako kapag nalulungkot ako itong Pinangat ang niluluto sa akin ni Lola. Pinaka main na ingridients nito, freshwater shrimp, gata at dahon ng taro. At masarap talaga kapag si lola ang nagluto dahil maraming garlic ang ilalagay niya.
Busog na busog ako pagkatapos kong kumain. Matagal na rin nang huli akong nakatikim ng Pinangat. Umakyat na ako para magbihis.
“Good morning, Mama,” masayang bati sa akin ng anak ko. Nakangiti ito at hindi mo na makikitang galing ito sa sakit.
“Good morning, baby. Magaling na ba ang baby ko, ha?” Lumapit ako kay Athara at niyakap ng mahigpit.
“Yes, po Mama. Magaling na po ako. Puwede na po tayong mag-play ulit,” bumalik na namang ang pagka hyper nito.
“Yes, baby. We will play. But I need to go to my work first. Behave ka muna rito kay Lola Olivia at ate Cherry mo, ha?” pinagpantay ko ang aming mukha at pinupog ng halik ang kanyang matambok na pisngi.
“Yes, po Mama. Promise, behave po ako rito.” Niyakap ko siya nang mahigpit. Napaka suwerte ko sa aking anak. Napakabait at bata pa lang naiintindihan na niya na kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan niya.
“Thank you and I Iove you baby.” Nanginit ang sulok ng aking mga mata. Naawa ako sa aking anak. Abot kamay na sana nito ang kanyang tunay na ama ngunit hindi pa rin puwede. Kung alam lang nito na nagkita kami ng kanyang ama baka hindi ako titigilan nito kung hindi siya hahayaang makilala ang ama niya. Pero para sa kanya rin naman ang ginagawa ko. May sarili ng pamilya si Zach kaya hindi na niya kailangan ang anak namin.
IIm sorry, anak. Kung hindi kita maaring ipakilala sa ama mo. Natatakot na baka hindi ka niya tatanggapin. Ayaw kong makitang nasasaktan ka anak. Isinasarili ko lamang ito. Hindi pa ito ang tamang panahon. Lihim kong pinahid ang aking mga luha.
“Mama, can I borrow your phone? Tatawagan ko lang si Papa Japeth. I missed him already.”
“Sure baby.”
Nalulungkot akong minamasdan ang anak ko. Maramimg san sa aking isipan. Sana kung hindi lang ako niloko ni Zach. Siguro masaya ngayon ang anak ko. Ipinilig ko ang aking ulo sa aking naiisip. Hindi namin kailangan si Zach sa buhay namin. Limang taon kaming nabuhay ng wala siya. Walang ama ang anak ko. Pero masaya kami at kinakaya ko ang lahat.
Saktong alas siyete nang dumating kami sa mansiyon ni Zach. Nakasunod lang din ang mga materials na gagamitin for renovation.
“Good morning, Mrs. Garcia. Nandiyan po ba si Mr. Monterde?” Sinalubong kami kaagadni Mrs. Garcia.
“Wala po, Sir. Umuwi ng Maynila pero bilin niya sa akin na kung dumating kayo magsimula na kaagad.”