Chapter nine

1151 Words
CHAPTER 9 ZACH “Mabuti dumating na kayo, Senyorito,” salubong na saad sa aking ni Aling Melinda. Siya ang iniwanan ko kay Amara dahil kinakailangan kong bumalik ng Maynila, may emergency meeting ang board ng kompanya at may iilang papeles din akong kailangan pirmahan. Tila ginawa ko ng bakuran ang Cebu dahil sa ilang araw na akong nagpabalik-balik mula Maynila to Cebu. Pero this past few weeks hindi ako nakabalik dito kaagad dahil hindi ko pa kayang iwan ang kompanya. May kinakailangan pa akong tapusin at resolbahin. Nagkaroon ng kaunting problema ang itinatayong bagong projects sa Marikina. Nagback out ang nanalo sa bidding, I don’t know what's they're reason. “Bakit may problema ba, Manang habang wala ako?” Kababa ko lang ng sasakyan. “Eh, kasi si Senyorita Amara. Ilang araw na po niyang hindi kinakain ang mga inihanda ko sa kanya. Mas mabuti pa raw na mamatay na siya kung hindi lang niya makakasama ang kanyang pamilya. Madalas rin po siyang nagwawala.” Buhat sa aking narinig kaagad kong inilapag ang aking mga bitbit na kagamitan at nagmamadaling tinungo ang ikalawang palapag. Ngunit malayo pa lamang ako sa silid ni nakinalalagyan ko kay Amara, I already hear her voice. “Zach! Aling Melinda! Pakawalan ninyo ako rito. Maawa kayo sa akin! Gusto ko ng umuwi sa amin!” sigaw nito sa loob ng silid. Malakas nitong kinakalampag ang pintuan. Naalarma ako nang marinig ko na may nabasag sa loob. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanya. “Sweety! What happened? Ano’ng nangyari diyan sa loob?” puno ng pag-aalala kong tawag sa kanya. Ngunit wala akong nakuha na ano mang kasagutan. “Manang! Manang Melinda! Give me the key, Faster!" malakas kong tawag kay Aling Melinda. Nakalimutan kong hingin kanina dahil sa pagmamadali kong makita ulit ang babaeng mahal ko. “Se-senyorito, bakit may nangyari ba?” humahangos nitong tanong sa akin. Maging si Aling Melinda ay kinakabahan na rin. “Hold on, sweety!” My heart won't stop beating so fast until I finally open the door. “A-AMARA!” nag-aalang saad ko nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang basag na picture frame at lampshade na nagkalat sa sahig. Kaagad na hinahanap ng mga mata ko si Amara. Natagpuan ko siyang nakasandal sa pader at nanghihinang nakaupo sa sahig habang tumatangis. Tila ako nabunutan ng tinik, akala ko may nangyaring masama sa kanya. Pero hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty. My guilt consumed me, habang nakikita ko siyang nahihirapan. Naghihirap din ang aking kalooban. I don't want to did this to her, pero wala na akong ibang naisip na paraan to take her back. Masakit sa akin na makikita siyang nasasaktan, umiiyak. Pero kapag naiisip ko na magkasama muli siya ng kanyang lalaki. It makes me insane. Mababaliw ako kakaisip kung ano ang mangyari kapag magkasama na naman sila ng lalaki niya. I would go crazy thinking about how her man feast on her body. I might be selfish, binawi ko lang ang unang naging akin. I only get back what is mine kahit ang kapalit nito ay kamumuhian niya ako. Mas mabuti ng ganito magalit siya sa akin pero nakikita at nakakasama ko naman siya. I slowly walk towards her, at walang babalang niyakap ko siya nang mahigpit. Sinuri ko ang kanyang katawan baka nasugatan ito. But I felt relieve dahil hindi ito nasasaktan. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ilang araw ko lang siyang hindi nasilayan ngunit sobra na akong nangungulila sa kanya. “I missed you, sweety," I whispered. Dahan-dahan itong lumingon sa akin. I can see her face clearly. Her eyes was swollen, makailang ulit akong napalunok sa aking sariling laway. Mas lalo akong magi-guilty sa paraan nang pagkakatitig niya sa akin. Tila may sariling utak ang mga kamay ko. Kusa na lamang iyong umangat at marahang hinaplos ang kanyang makinis na pisngi. “Za-Zach, hayaan mo na ako. Kahit hindi na lang para sa akin. Kahiit para sa anak ko lang. Ha-handa kong gawin lahat nang gusto mo. Kung sa tingin mo may kasalanan ako sa iyo. Handa kong tanggapin ang kaparusahan ibibigay mo. Hu-huwag lang ganito. Ku-kung gusto mo luluhod ako para lang pakawalan mo ako,” she said between her sob. Puno ng pagsusumamo itong nakatingin sa akin. Kumulas ito sa pagakakayakap ko at dahan-dahang lumuhod sa aking harapan. Napatingala ako sa kisame. Marahas ang buntong hingang pinakawalan dahil sa bigat na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko nagtatalo ang awa at takot na baka muli na naman itong lumayo. Napahilamos ako sa aking dalawang kamay bago ibinalik ang paningin kay Amara. “Za-Zach!” nagkandautal-utal nitong tawag sa akin. Habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang masaganang luha. “Sige papayag ako na makita ang anak mo.” I said. Biglang nagliwanag ang mukha nito dahil sa aking sinabi. “But in one condition," dugtong ko pa. “A-ano’ng kondisyon? Sabihin mo, gagawin ko.” Ganyan ba talaga niya kamahal ang lalaking 'yon? Handa niya gawin lahat para lang makasama ito? Muling nanumbalik ang sakit na nararamdaman ko sa ginawang pang-iwan niya sa akin. Maging si lola Olivia galit na galit sa akin dahil sa pag-aakalang sinaktan ko siya gayong ako ang naman ang ipinagpalit at iniwan. “Leave your man and go with me. Kayo ng anak mo. Handa ko siyang tanggapin kahit bunga siya ng iyong kataksilan. Aakuin ko ang pagiging ama niya, ituturing ko na akin. Basta sumama ka lang sa akin.” I directly look in her eyes while saying those words. Sinadya kong gawin iyon para makita ko kung ano ang kanyang magiging reaction sa alok ko sa kanya. A line appeared between her brows. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip pero mas lalong kumabog ang dibdib ko. ’ “You're crazy! Napaka selfish mo! Hindi mo man lang iniisip ang nararamdaman ng ibang tao sa iyong paligid! Ano pa’t may Rain ka na? Bakit mo pa ako pinag-aksayahang oras?” nagsimulang nagtaas baba ang kanyang dibdib. “Ano ba talaga ang pakay mo sa akin? Bakit hindi mo na lang ako diritsahin? Hindi ’yong dinadaan mo ako sa ganito. Matagal na tayo tapos, bakit ginugulo mo pa rin ang buhay ko? Why you just can't set me free? Com’on, Zach! Move on!” She shouted. her eyes become furrous. Ang paggalaw ng litid sa kanyang leeg senyales kung gaano ito kagalit. “You're right! I’m insane because I hate you but my heart keep be—” hindi ko natuloy ang nais kong sabihin dahil binara na niya ako. “Sa pagakakatanda ko wala akong ginawang masama sa iyo para kamuhian mo ng ganito. Para ikulong mo ako sa pamamahay mo! Wala akong kasalanan sa iyo! I clenching my fist of what i have heard. Hanggang kailan pa niya itatanggi ang pagkakamali niya? Kasalanan niya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD