chapter five/2

1772 Words
AMARA “Hoy! Ano bang nginingiti-ngiti mo r’yan? Kanina ka pa nagmumukhang timang, best. At teka lang, ha. Bakit ang blooming mo ngayon? Siguro may boy friend ka na, ano? Amara magsasabi ka sa akin ng totoo?” Napasimangot ako sa sinabi ni Felicity sa akin. Kahit kailan panira talaga ng moment ang babaeng 'to. “Tumahimik ka nga r’yan. Ang ingay mo, best,” reklamo ko sa kaniya na hindi hinihiwalay ang tingin ko sa screen ng aking cellphone. Ka-text ko ngayon ang mahal ko. “Sweety, don’t forget to eat your lunch. Magagalit ako sa iyo kapag nagpapagutom ka. What do you want? Pupuntahan na lang kita mamaya para sabay na tayong mananghalian,” basa ko sa text ni Zach. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kaniya. “Huwag na mahal, mapagod ka lang. Sa bahay na lang tayo sabay kumain. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam.” Kaagad kong pinindot ang sent button. Maaga kaming makakauwi ngayon dahil wala ang aming professor sa last subject namin. Balak ko kasing magluto dahil first monthsary naming dalawa. Muling tumunog ang notification message ko kaya binuksan ko kaagad ang minsahe galing kay Zach. "Wow! Sweety pinasasabik mo naman ako. Excited na akong kainin ka. Ay, este...ang luto mo.” reply nito sa akin. Nilagyan pa ng tongue's out emoji. Napailing-iling na lang ako sa kalokohan nito. Kahit wala siya rito sa aking harapan uminit pa rin ang mukha ko. Paano napakahilig kasi ng lalaking iyon. Halos gabi-gabi na lang akong inaangkin. Aminin ko natakot ako noong una na baka magbunga ang aming ginagawa pero laging pinaalala sa akin ni Zach na wala akong dapat ipag-alala dahil handa siyang panagutan ako. And besides gusto na raw niyang magkaroon ng anak. At para hindi na raw ako makawala sa kaniya. Hindi ko maiwasang mangamba sa pagbabalik ni Rain pero sa araw-araw na laging ipinadama sa akin ni Zach kung gaano niya ako kamahal at ka importante sa kaniya. “Sino ba ’yang ka-text mo at para kang sinisilaban ang puwit diyan sa sobrang kilig? Naku, Amara, ha. Naglihim ka na sa akin.” Tumulis ang ngusong saad ni Felicity. Si Felicity ang tanging kaibigan ko sa University. Katulad ko rin siya.Isang working student kaya kami-kami lang din ang magkakasundo. ************** ALAS DOS pa lang ng hapon nakauwi na ako sa condo. Inihanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Para bago mag-alas sais sisimulan ko ng lutuin ang paboritong ulam ng mahal ko. Alas siyete ang dating niya pero ngayon pa lang excited na akong yakapin siya ulit. Sa totoo lang mawalay lang ako saglit sa kaniya ma-missed ko na siya kaagad. Masyado na akong nasanay sa presensiya ni Zach. Mabilis ang takbo ng oras at nagsimula na akong nagluto. Napangiti ako nang naamoy at nalasahan ko ang niluto kong bicol express at kaldereta. Perfect! Sakto lang ang templa. Alam kong magugustuhan ito ni Zach dahil borito niya ito lahat. Ngayon pa lang nakikita ko na ang mukha niya kapag natikman niya ang masarap kong luto. Sinipat ko ang hugis bilog na wall clock na nakasabit sa dingding dito sa kusina. Ilang minuto na lang at darating na si Zach. Iniwan ko muna saglit ang aking niluto at kaagad nagtungo sa banyo para maligo. Bulaklaking dress ang napili kong isuot. V-neck cut ito at hanggang tuhod ang haba. Naglagay na rin ako ng liptint at pulbo. Napangiti ako nang pagmasdan ko ang aking sarili. Excited na akong umuwi ang mahal ko. Muli akong nagpunta sa kusina at kaagad inayos ang mesa. May twenty minutes pang natitira. Naghintay na muna ako sa living room. Napagdiskitahan kong buksan ang tv. Maaga pa ang gabi kaya wala pa ang inaabangan kong teleserye kaya balita na lang muna ang panoorin ko. Naupo ako sa sofa habang titig na titig sa tv. Ewan ko ba bigla na lamang bumilis ang t***k ng aking puso. “Para sa showbiz news report. Rain Marie Cortez, sikat na International model, muling nagbalik sa bansa. Narito si Tina Panganiban para sa karagdagang detalyi,” saad ng shownewscast!eccaster at nag-flashed sa screen ang maganda at nakangiting mukha ni Rain. “Miss Rain, ano ba ang dahilan bakit iniwan mo ang iyong magandang career sa USA at mas piniling bumalik dito sa Pilipinas?” tanong ng reporter sa kaniya. Halos hinidi ako huminga habang nanghihintay ng kasagutan ni Rain. Curious ako ano ba talaga ang tunay niyang dahilan bakit bumalik pa siya rito sa Pilipinas. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito bago sinagot ang tanong ng reporter. “I hope you will understand. It’s a personal reason and I can’t discuss here in television.” “Ah, Miss Rain, totoo ba na kaya ka umuwi rito sa Pilipinas para mag-settle down sa iyong long time boy friend na Si Zach Montero?” follow-up question ng isang reporter. Halata ang kilig nito habang nagtatanong. Nahigit ko ang aking hininga. Ano'ng mag-settle down? Hindi ba nila alam na matagal ng hiwalay si Zach at Rain? Isang mabining halakhak ang pinakawalan nito. Hindi ko magawang kumurap man lang habang hinihintay ang sagot ni Rain. “I don't know where did you get that rumor. Pero as of now, hindi ko pa kayo mabibigayan ng detail about that. Let’s wait and see.” Ano ang pinagsasabi ng babaeng ’yon? Bakit hindi na lang niya diritsahin ang mga reporter na wala na sila ni Zach! Pinakalma ko ang aking sarili. Bahala na kung ano ang sasabihin ng Rain na 'yon. Basta ang mahalaga masaya kami ni Zach. Kampante at naniniwala ako kay Zach kaysa sa sinasabi ng mga reporter. Na pabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng aking cellphone. Nakaidlip pala ako. Sinilip ko kung ano'ng oras na ba. Alas otso na ng gabi, maliksi akong tumayo para hanapin si Zach pero nalibot ko na ang buong bahay hindi ko ito nakitam Bakit kaya wala pa siya? Alam niyang magluluto ako ng dinner namin. Nagsimula ng nanubig ang aking mga mata. Never pang nangyari na hindi umuwi ng maaga si Zach kapag may usapan kami. At kung may importanti talaga siyang gagawin magpapaalam naman ito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at mag-alala. Baka may nangyari ng masama sa mahal ko. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. “Pumunta ka rito sa GB tower. Room 123 may surprisa akong inihanda sa iyo.” Nanlumo ako sa aking nabasa. Akala ko pa naman dito kami kakain. Nag-effort pa naman ang magluto. “I’m waiting for you.” Napabuntong hininga na lang ako sa huling mensahi nito.Wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan niya. Hinablot ko ang aking kulay itim na sling bag at nagmamadaling bumaba ng gusali. Hindi na ako nag-abala pang magbihis dahil okay naman itong suot ko. Nahihintay akong ng taxi nang may biglang humintong sasakyan sa tapat ko. “Hey, Amara. Saan ka pupunta gabi na.” Si Japeth pala ang driver ng sasakyan. “Nag-text kasi si Zach sa akin. Pinapunta niya ako sa GB tower.” “Ah, ganoon ba. Mabuti pa sumakay ka na, ihahatid na lang kita.” Noong una nag-alangan akong sumakay nag-aalala kasi ako na baka malama ni Zach na siya ang naghatud sa akin. Pero pagkakaalam ko okay naman sila pagkatapos nang nangyari sa condo. Mabuti na rin at nagmagandang loob itong si Japeth baka matatagalan pa akong makasakay. Ilang minuto ang itinakbo ng sasakyan ni Japeth nang narating namin ang naturang gusali. “Maraming salamat, Japeth. Sa paghatid sa akin.” “Sus, maliit na bagay, Amara. Sige na puntahan mo na ang lover boy mo baka mag-tantrums na naman ’yon kapag nakita tayong magkasama,” wika ni Japeth na ikinatawa namin pareho. Nagpaalam na ako kay Japeth at pumasok na sa loob ng gusali. At dumiritso na sa reception area. “Miss, ano'ng floor ang room 123? Pinapunta ako ni Zach Montero.” “Nasa 20th floor po, Ma'am.” Nasa elevator pa lang ako halos hindi na mapuknat ang ngiti sa aking labi. Hindi man natuloy ang dinner namin sa bahay pero excited ako sa sinasabing niyang surprisa. Bumukas ang elevator pagdating sa dalawampung palapag. Hindi ako nahirapang maghanap sa room 123 dahil tatlong pintuan mula sa elevator nakita ko ahad ito. Pero hindi ko alam bakit kakaiba ang t***k ng aking puso habang inihakbang ko ang aking mga paa papalit sa silid. Siguro dahil sobrang excitement kaya ako nagkaganito. Nanginig kong itinaas at kamakatok ng tatlong beses pero walang sumasagot. “Huh!” mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pinihit ang door knob. Napagdesisyonan kong pumasok na lang, mabuti at hindi ito na ka-lock. “Ma–” hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil mas nag-uunahan ng nagsilaglagan ang aking mga luba dahil sa aking nakikita. Mabilis kong naitakip ang aking mga kamay sa aking bibig upang hindi ako mapahikbi. Nanghihina akong kumapit sa hamba ng pintuan dahil nanlambot ang aking mga tuhod. Ngunit sinikap kong makaalis sa lugar na iyon. Hilam ang luha ang aking mga mata tumakbo sa papasok sa elevator. “Amara! What happened? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko magawang sumagot sa tanong sa akin ni Japeth. Dahil hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapalahaw ng iyak. Para akong isang batang paslit na naglupasay sa sahig dahil sa labis na sakit ng aking nararamdaman. Inalalayan ako ni Japeth patayo. Hindi ko alam kung paano kami nakabalik sa kaniyang sasakyan. Inabot niya ang water bottle sa akin at ipainom ako ng tubig. ”Ano ba ang nangyari? Akala ko ba magkikita kayo ni Zach?” may halong pag-alala ang tinig nito. “Si-si Rain at Za-zach, nakita kong magkasama sila sa loob ng silid. Hubo’t hubad magkayakap sa isa’t-isa,” nauutal kong kuwento kay Japeth. Habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang aking mga luha. “What the hell! Gago ’yon, ah! Just wait me here at ako na ang bahala sa kanila.” Akmang labas si Japeth pero kaagad ko siyang pinigilan. “Hindi na, Japeth. Huwag mo na silang guluhin pa. Sa ngayon gusto kong makalayo kay Zach. Ayaw kong umuwi sa condo niya.” Ito ang tamang desisyon na gagawin ko. Para saan pa at umuwi pa ako. Ipagtatabuyan lang naman niya ako dahil nagkabalikan na sila ni Rain. Hihintayin ko pa ba na mangyari 'yan? Hindi na, naawa na ako sa sarili ko. “If that’s what you want. Tutulungan kita, puwede kang tumira sa isa kong condo.” Hindi na ako nag-atubiling sumama pa kay Japeth. Saka ko na lang iisipin kung saan ako makahanap ng trabaho ang importanti sa ngayon hindi na ako makikita pa ni Zach.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD