Chapter five

1511 Words
AMARA NAGISING AKO dahil sa may humahalik sa labi ko. Ayaw ko pa sanang gumusing dahil maganda ang panaginip ko pero naalala ko na baka magalit si sir Zach sa akin. Ngunit ang guwapong mukha nito ang nabungaran ko nang imulat ko ang aking mga mata. Matamis itong nakangiti sa akin. Bahagya kong ikinusot ang aking mga mata. Ano’ng ginagawa niya rito? Nanlaki ang mata ko nang ginawaran ako ng halik sa aking labi. At shocks! Hindi naman pala panaginip ang nangyari sa amin. “Good morning, sweety. Breakfast in bed,” malambing nitong saad sa akin. Mas lalong nanlaki ng mata ko. Umaga na ba? Ganoon ba kahaba ang tulog ko hindi man lang ako nagising. Pero pakiramdam ko hapong-hapo pa rin ako. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ako dahil sa hapdi ng aking bandang gitna. Makailang beses akong inangkin ni Zach. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Napangiwi ako dahil sa sakit ng buong kong katawan nang akmang bumangon ako. Grabe! Para akong binugbog ng sampung tambay sa kanto. Mabilis namang inilagay sa bedside table ang hawak ni Sir Zach na food tray at kaagad akong inaalalayan. Pinasandal ang aking likod sa headboard ng kama. Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang aming paningin. Nahihiya ako, naalala ko pa kung paano niya kinain ang bibingka ko. At ang malaki niyang suman na pumasok sa akin. Oh, my gosh. Muli naman akong napaiyak dahil nawala na ang bagay na pinakainiingat-ingatan ko. Kabilin-bilinan pa naman sa akin ni lola Olivia na ingatan ko ang aking p********e pero ngayon wala na. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kaniya pati kay Donya Feli. Naisuko ko na ang aking bandera sa amo kong masungit, pero hastler sa pasarapan. “Hey, what happened? May masakit ba sa iyo?” puno ng pag-alalang tanong nito sa akin. Ngunit mabilis akong umiling. Hindi naman ang sakit ang iniiyakan ko. Kundi ang karupukan ko, nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin. Tila hinaplos naman ang aking puso sa ginawa ni Sir Zach sa akin. Pinahid nito ang aking mga luhang namilisbis sa aking pisngi. At pagkatapos niyakap ako nang mahigpit. Na tila ba binigyan ako ng assurance sa kaniyang mga bisig na wala akong dapat ipag-alala. “Don’t worry, sweety. Huwag kang matakot. Hindi kita pabayaan, kung gusto mo umuwi tayo ng Bicol at pakasalan kita bukas na bukas din. Ganyan kita ka mahal, Amara.” Hindi ko mapigilang mapalo ang kaniyang braso. Kasal? Agad-agad? Diyos ko ano na lang sabihin ni Donya Feli. Ang pagkakaalam nga no'n hindi ako gustong makasama ng kaniyang apo. Tapos ngayon uuwi kami para magpakasal. Baka isipin ng Donya na pinikot ko itong apo niya. “Naku, huwag naman po, Si–” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mariin akong hinalikan sa labi. Kaya sinamaan ko siya ng tingin sa kaniyang ginawa. Masyadong namimihasa na ang lalaking ito. “Until now, you called me Sir? Girlfriend kita at boyfriend mo ako. You call me what do you want huwag lang Sir.” nasaad pa nito. “I-ikaw boyfriend ko? Eh, hindi ka nga nanligaw sa akin," nakanguso kong saad sa kaniya. “So kailangan pa ba ng ligaw-ligaw na 'yan. May nangyari na nga sa atin, sweety? And besides umamin na ako sa aking nararamdaman sa iyo. At sa tingin mo ba papakawalan pa kita gayong may pinanghahawakan na ako? Not anymore, sweety. Starting today you're mine, mine alone. No one can take you away from me.” puno ng finality ang tinig nito habang seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako sa aking narinig. Seryoso ba talaga siya? Ang isang Zach Montero na in love sa kagaya kong katulong lang. “Seryoso po ba talaga ’yan?" paninigurado ko sa kaniya. Ngunit piningot nito ang aking ilong. “Do you look I'm kidding, ha, sweety? Baka gusto mong ulitin pa natin ang ginawa natin kagabi para masabi mong seryoso ako sa’yo?” May pilyong ngiti ang nakapinta sa labi nito kaya mabilis akong umiling. Baka totohanin ang banta nito. Hindi pa nga ako nakabawi ng lakas. Baka lumpo ang kalalabasan ko niyan. “Oo, na. Naniniwala na ako sa'yo.” “Tumawag na ako sa principals office to let them know na hindi ka makakapasok ngayon," saad nito habang sinusubuan ako. Napaawang ang labi ko sa narinig. “Ha, bakit hindi? May exam kami ngayon.” Akmang babangon akong pero muli akong nahiga dahil sa masakit ang buo kong katawan hanggang ngayon nawalan pa rin ng lakas ang aking mga tuhod. “See, tapos tanongin mo kung bakit hindi kita papasukin. Sweety, dito ka na lang muna, take a rest. Ako na ang bahala sa lahat. Hindi na rin ako papasok sa office para maalagaan kita.” “Hmmp, pala desisyon ka naman, eh. Kaya ko naman bumangon. Maya-maya lang okay na rin ako." Noon pa man hindi ko talaga gusto ang lumiban sa klase baka may mga lessons akong ma-miss. Nakakainis ang isang ito. Poke’t boyfriend ko na raw ito. Siya na ang magdesisyon para sa sarili ko. “Pero hindi mo na ako kailangan samahan dito. Kaya ko naman ang sarili ko.” saad ko na lang. Wala pa rin akong nagawa dahil desisyon niyang manatili sa bahay. Tinawagan na lamang niya ang kaniyang secretary para ipadala ang mga importanting documents para sa perma niya. Nahihiya ako sa kaniya na embes trabaho ko ang alagaan siya pero naging baliktad ako na ang inaalagaan niya. Hindi ako halos pinapakilos nito pati pagpuntang banyo inaalalayan ako. Pero sa totoo lang napuno ng kagalakan ang puso ko dahil batid ko na totoo ang ipinapakitang pagmamahal niya sa akin. Too early to conclude, basta ang mahalaga masaya ako ngayon sa ginagawa sa akin ni Zach. Pagkatapos naming maghapunan. Nandito kami sa living room nanonood ng movies. Sa buong araw naming magkasama napakalambing nito sa akin. Pati sa pagligo siya ang nagligo sa akin. Bumili pa siya ng ointment para sa kunting sugat sa bibingka ko. Nakakahiya man bumukaka ulit sa kaniyang harapan pero hindi ako makakatanggi sa mapupungay nitong mga matang nakatunghay sa akin. Hindi ko akalain na ang masungit kong boss m weay tinatagong ka sweetan sa kaniyang katawan. “May inaasahan ka bang bisita?” naitanong ko sa kaniya nang biglang may nag-doorbell. “Nothing, pero baka ang pizza man na iyan. Nag-order ako para sa movie marathon natin, sweety. You stay here muna, ako na ang magbubukas ng pinto.” Itinaas nito ang ulo kong nakaunan sa kaniyang hita. Kumindat sabay halik sa labi bago ito tumayo. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas hindi pa nakabalik si Zach. Bumangon ako para sundan siya. Nangunot ang noo ko dahil sa tila nagpipigil ng galit si Zach sa kaniyang kausap na babae. Napakaganda nito sa suot na fitted black dress na pinarehas ng itim an boots. Nakalugay ang mahaba at brown nitong buhok. “Babe, I’m sorry. I know malaki ang kasalanan ko sa pang-iwan sa iyo. Pero nandito na ako, hindi na ako aalis. Na-realize ko na hindi ko pala kayang tuluyan kang mawala sa buhay ko.” Biglang niyakap nito si Zach at humagulhol ito. Napahawak naman ako sa akin dibdib dahil tila naninikip ito. Biglang na lang tumulo ang masagana kong luha. Siya pala si Rain, hindi ko man kilala ang mukha niya pero hindi lingid sa kaalaman ko na ang babae ang dating nobya nito. Hindi ko maiwasang matakot. Ano’ng laban ko sa isang Rain Marie Cortez, napakaganda, sikat na International model at ang babaeng unang minahal ni Zach. Samantalang ako, isang hamak na katulong lang. Napakalayo ko sa kaniya. Napahawak ako sa divider dahil sa nanlalambot ang aking mga tuhod. Ngunit hindi sinasadyang natabing ko ang vase dahilan na bumagsak ito sa sahig at nabasag. Nanlalabo man nag aking paningin ngunit nakita ko ang mabilis na tinulak ni Zach ang babae at mabilis akong dinaluhan. Nanginginig man ang aking kamay ngunit sinikap kong damputin ang mga basag na vase na nagkalat sa sahig. Ngunit may mga brasong humila sa braso ko sa akin patayo at mahigpit akong niyakap. “Amara!” puno ng pag-alalang sambit nito sa aking pangalan. Hindi ko magawang sumagot dahil patuloy lang ako sa pagtangis. “Who is she?” narinig kong tanong nang babae. Nakalapit na pala ito sa amin. “She’s my girlfriend and soon to be my wife.” “No, a-are yo-you kidding right, babe? Alam ko kung gaano mo ako ka mahal. Kaya hindi ako maniniwala na basta mo na lang ako ipagpapalit at makakalimutan.” Nagsimulang gumaralgal ang tinig nito. “Do you think na handa akong maghintay kung kailan ka babalik? One year is too long, marami ang naganap at nagbago. Lalo na ang pagmamahal ko sa iyo. Nawala kasabay nang pag-alis mo!” “Kaya umalis ka na, Rain. Wala ka ng babalikan pa. May iba na akong mahal!” dagdag pa ni Zach. Walang nagawa si Rain at nagdadabog na umalis ngunit bago pa man ito tuluyang lumabas nakita ang talim ng kaniyang tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD