chapter five/3

1192 Words
FIVE YEARS LATER AMARA HINDI AKO MAPAKALI, maya't maya ang ginawa kong pagpunas ng basang bimpo sa katawan ng anak ko. Mabuti na lang at bumaba na ang lagnat nito. Hindi na ako masyadong mag-aalala. Napalingon ako sa mesa kung saan nakapatong ang aking cellphone dahil kanina pa ito nag-vibrate. Nagpatayo muna ako ng kamay bago ko sinagot. “Miss Amara, we have problem to our client. Iyong mansiyon sa Balamban Heights,” bungad sa akin ni Mary. Siya ang secretary ko. Naka-leave ako ngayon dahil may sakit ang anak ko. Si Mary muna ang bahala sa lahat. “Ano bang nangyari? Before ako nag-leave nagkaintindihan na kami ni Mrs. Garcia. She already agreed na si Tin at Levy muna ang gagawa. Besides, I already instructed them kung ano dapat nilang gagawin.” “Eh, hindi naman po si Mrs. Gracia ang nagreklamo, Miss Amara. 'Yon po ’yung nakabili ng mansiyon.” “What? I thought everything was clear.” I have sighed heavily. “Okay, get all her concerns and please make sure na maayos natin 'yan,” hindi puwede na mawala ang client na 'to dahil malaki ang kikitaing pera namin. May mga benificiaries mga batang may sakit na umaasa sa bayad ng mga kliyenti ko. “Eh, ’yon na nga po, Miss Amara. Gusto ng may-ari na ikaw mismo ang kakausap sa kaniya. He have many complaints about our personnel.” Napahilot ako sa aking sentido sa aking narinig. Bakit ba ang arti ng tao na iyon. Hindi ko kilala ang tunay na may-ari ng bahay dahil si Mrs. Gracia ang nakipag negotiate sa akin. Ano ba ang problema niya? Magagaling naman ang mga tauhan ko. “Alright, bukas babalik na ako r’yan. Mary, please set an appoints to the owner of the house. And keep in touch on me,” “Yes, Miss Amara. Copy po.” “Thank you, Mary.” Pagkatapos nang tawag ni Mary. Inilapag ko ang aking cellphone sa ibabaw sa bedside table. Tumayo ako, pinatay ang aircon dito sa silid baka maginaw ang baby ko. At pinaandar ang electric fan. Umupo akong muli sa gilid ng kama kung saan mahimbing na natutulog ang anak kong si Athara. Ilang araw na rin akong walang masyadong tulog sa pagbabantay sa kaniya. Pero ngayon bumaba na ang kaniyang lagnat makahinga na ako ng maayos. Kapag ganitong may sakit ang anak ko mapaliban talaga ako sa trabaho dahil ayaw niyang magpaalaga sa iba gusto ni Athara na ako ang mag-aalaga sa kaniya. Siguro dadalhin ko na lang sila Olivia at ang anak ko sa pagbalik ko sa siyudad. Dahan-dahan kong ginanap ang kaniyang munting palad at pagkatapos dinala sa aking labi. Puno ng pagmamahal kong tinitigan ang ang kaniyang maamong mukha. Hindi ko maiwasang maalala ang kaniyang ama. Parang girl version lang ito ni Zach. Kuhang-kuha niya ang malago at medyo may pagkakulot na buhok. Pati ang hugis ng ilong, mata at bibig. Kung susumahin carbon copy ito ni Zach. Ang unfair lang ako ang nagpakahirap na magbuntis pero wala man lang naman ito sa akin. I shooked my head, bakit ko pa inaalala ang walang kuwenta niyang ama. Masaya na ako ngayon kasama ang lola Olivia at anak ko. Aayaw ko ng maalala ang masakit na pinagdaanan ko. Limang taon na ang nakalipas at masasabi kong may napatunayan na ako lalo na at naitaguyod ko ng maayos ang anak ko na walang tulong mula kay Zach. Malaking pasasalamat ko kay Japeth dahil hindi niya ako iniiwan sa panahong down ako. Lalo na noong nalaman kong nagdadalang tao ako kay Amara.Takot na tako ako no’n, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Mabuti na lang at hindi ako pinabayaan nito. Pagkatapos nang nasaksihan ko ang kataksilan ni Zach. Hindi na ako umuwi sa condo nito at sumama ako kay Japeth. Hindi ko gaanong kakilala dati si Japeth but I have no choice gusto ko lang makalayo sa taong nanakit sa akin. After a month nalaman kong buntis ako. Halos gumuho ang mundo ko no'n. Naawa ako kay Lola Olivia, hindi ko natupad ang ipinangako sa kaniya. Natatakot ako na baka hindi ako matatanggap ni lola. Japeth decided to brought me here in Cebu at pinatira sa kaniyang rest sa isa pinakamagandang Isla ng Cebu. Ang Bantayan Island. Sariwa ang hangin at mga pagkain kaya malusog kong isinilang si baby Amara. Wala akong alam sa pag-aalaga ng sanggol. Mabuti na lang at nakuha namin si Lola Olivia. Humingi ako ng tawad sa kaniya. Ngunit napakabait ng lola ko dahil hindi man lang nagawang magalit sa katangahang ginawa ko. Gusto ni Japeth na kumuha ng maid para may katulong kami pero tinanggihan ko na iyom dahil sobra-sobra na ang tulong na naibigay nito sa amin. Pagkatapos kong manganak, I pursued my dreams, nag-aral ako ng interior designer. Ito ang hilig ko noon pa man. Dati nagsimula lang ako sa maliit na kliyente pero kalaunan maraming kumukuha sa akin dahil nagugustuhan nila ang serbisyo ko. Hanggang sa nagkaroon na ako ng opisina at nag-hired staffs. Dahil sa maraming naka line up sa akin hindi ko na kakayanin iyon mag-isa. At nakapagpatayo na rin ako ng Hard ware para madali para sa akin ang pag-supply ng mga materials na gagamitin. At ngayon may limang branches na ang itinayo kong hardware at ang lahat ng ito bunga sa aking pagsusumikap para sa aking anak at kay lola Olivia. At siyempre laking pasasalamat ko sa ating poong Maykapal at kay Japeth na laging sumusuporta sa akin. Speaking of Japeth, ilang months na rin ang nakalipas hindi pa siya bumalik. Ngunit naiintindihan ko naman siya dahil alam kong busy ito sa kaniyang sariling kompanya. Ngunit ang anak kong si Amara miss na miss na nito ang daddy Japeth niya. Kahit laging naman silang nag-uusap sa video call madalas pa rin nitong hinahanap kapag bagong gising ito. They're best buddies, spoiled ito ni Japeth. Kung minsan mapapagalitan ko silang pareho dahil sa napaka pilyo nilang dalawa. I must thankful enough kay Japeth dahil pinaramdam niya sa anak ko na magkaroon ng ama. Nakita ko kung gaano niya kamahal si Athara. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na matakot. Matalinong bata ang anak ko. She's five years old madali lang sa kaniya ang mag-observe. Sa ngayon hindi pa siya naghanap sa kaniya tunay na ama. Pero paano kung darating ang panahon na hahanapin ng anak ko si Zach? Ayaw kong dumating sa punto na makikihati ang anak ko sa pagmamahal ni Zach sa kaniyang pamilya. Hindi ako papayag na masasaktan ang anak ko dahil sa kaniyang ama. Tiyak akong na nagpakasal na sila ni Rain at may mga anak na ngayon. Ni, hindi ko nga alam kung matatanggap ba niya ang anak namin. Napahawak ako sa aking dibdib, may kung ano kumurot sa aking puso dahil sa isiping 'yun. Aaminin ko hindi ko pa rin siya nakakalimutan, nasasaktan pa rin ako sa tuwing naalala ko kung paano niya akong ginawang tanga. Siya ang unang lalaki na minahal at pinagkatiwalaan ko, pero siya rin ang kauna-unahang taong nanakit sa akinm. Ngunit kung ano man ang nararamdaman ko ngayon alam kong hindi ito pagmamahal kundi galit at poot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD