PART 5

649 Words
"How’s your day off yesterday?” tanong agad ni Jonathan sa kanya pagkapasok na pagkapasok ni Marjorie sa kusina. Medyo nagulat pa ang dalagang nurse dahil akala niya ay pumasok na ang amo niya sa trabaho, pero hindi pa pala dahil nandoon pa pala ito sa kusina at kumakain na mag-isa. Hindi na siya namalayan ng kanyang Kuya Jonathan na umuwi kagabi kaya nagtatanong ito. Nakita niya ito na nakatulog sa tabi ng asawa nito nang silipin niya ang kanyang pasyente kaya hindi na rin niya ginising. At buti na lang nakapagluto na siya kanina bago niya inasikaso si Ate Ashlene niya. Nakakahiya sana. “Okay lang naman po, Kuya,” nakangiting sagot niya. Inilagay niya ang maliit na palanggana sa lababo na ginamit niyang pinampunas kay Ashlene. Umaga, tanghali, at gabi niya matiyagang pinupunasan ang kanyang pasyente upang hindi magka-bedsores. “Mabuti naman kung gano’n. Anyway, have you eaten? Come, join me.” “Mamaya na po, Kuya. Babalik pa ako kay Ate Ashlene. Hindi pa kasi ako tapos sa ginagawa ko.” “Okay, pero pagkatapos ay kumain ka na, ha?” “Opo, Kuya.” Tumayo na si Jonathan. Tapos nang kumain. Ito pa ang naglagay sa plato nito sa lababo. Talaga namang napaka-humble ng kanyang amo. “By the way, I might be late getting home later. May dadaluhan kasi akong party. Ikaw na ang bahala kay Ate Ashelene mo, okay?” “Sige po. No problem po, Kuya.” ******** "May lakad ka na naman, Anak?” pansin ni Aling Maribel sa bihis na bihis na panganay niyang anak. “Opo, 'Nay. Sasamahan ko po si Flower. Birthday raw po kasi ng boyfriend niyang mayaman,” sagot ni JL sa ina. At parang hindi siya nakukuntento sa hitsura kahit ang ganda-ganda na’t ang sexy na. Panay ang ikot pa rin niya sa salamin. Si Flower ay high school best friend niya. Tuwang-tuwa nga si Flower nang malaman nitong umuwi na siya rito sa Pilipinas mula Hong Kong. Kaya naman panay na ang gimik nila mula nang magkita sila. Si Flower ang lagi niyang kasa-kasama sa galaan sa ilang araw na naririto siya sa Pilipinas. At ngayon ay niyaya na naman siya na dumalo doon sa birthday party ng boyfriend nitong businessman daw. Para raw makilala naman daw na niya at para raw makabingwit din siya ng mayamang dyowa. Madami rin daw kasing dadalong mga kapwa businessman ni Gomer sa birthday party na idadaos sa isang sikat na bar sa Makati. “Ganoon ba? Baka uuwi ka na naman na lasing, ah?” “’Nay, naman...” Nakalabi at nakangiting nilingon niya ang ina. “Nag-aalala lang ako sa ‘yo. Simula umuwi ka ay panay ang labas mo at kapag umuwi naman ay amoy alak lagi. Ni hindi ka na nga rin napirmi rito sa bahay, eh.” Lumapit siya sa ina at niyakap patagilid. “Nag-i-enjoy lang ako, ‘Nay, kasi walang ganitong buhay sa Hong Kong,” at pagdadahilan niya habang tinitingnan niya ang repleksyon nilang dalawa sa salamin. Napabuntong-hininga si Aling Maribel. Sabagay naiintindihan nito ang panganay na anak. Kumbaga ngayon lang naman talaga nagdalaga si JL dahil pinasan na nito noon ang pagpapaaral kay Marjorie. Maaga kasing namatay ang asawa ng ginang. Mga bata palang ang magkapatid. “Pero sana, Anak, ay ingatan mo ang iyong sarili. Delikado sa labas. Baka kung anong mangyari sa ‘yo kapag nalalasing ka,” saad na lang ng ginang kasabay nang paghawak ng braso ng anak at tinapik-tapik. “Oo naman, ‘Nay. Ako pa ba?” may paglalambing na tugon ni JL sabay halik sa pisngi ng ina. Talaga namang iniingatan niya ang kanyang sarili dahil inilalaan lang niya ito ngayon sa isang lalaki. Isang lalaki na dahilan kung bakit lagi siyang naglalabas ng bahay. Umaasa pa rin kasi siya na minsan pa ay muling magkakasalubong ang landas nila ng lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD