bc

REVENGE OF THE REAL WIFE ( Tagalog)

book_age18+
26.6K
FOLLOW
154.7K
READ
revenge
possessive
sex
mistress
drama
tragedy
bxg
cheating
affair
wife
like
intro-logo
Blurb

Gawa ng isang aksidente na nangyari sa araw rin ng kanilang kasal ay na-comatose ang bride na si Ashlene. Nanatili siyang tulog ng ilang buwan, dahilan para kumuha si Jonathan ng private nurse. Ang hindi alam ni Jonathan ay ang desisyon niya na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa buhay nila na mag-asawa.

Nagkagusto si JL kay Jonathan, ang kapatid ng private nurse. Ginawa lahat ni JL para maagaw si Jonathan sa natutulog nitong asawa. Kaya naman nang nagising si Ashlene ay wala na si Jonathan sa piling nito.

---

Kung ikaw ang mistress, kaya mo bang agawin ang asawa ng isang babaeng comatose tulad ng ginawa ni JL?

At kung ikaw ang real wife, kaya mo rin bang gayahin ang mukha ng kabit ng asawa mo tulad ng ginawa ni Ashlene makaganti ka lamang?

.

.

.

*** PHYSICAL BOOK is now available on IMMAC Printing and Publishing House. Order your copy now****

chap-preview
Free preview
PART 1
“Suddenly, our married life was ruined when another woman appeared, seeking to usurp my position as the legal wife.” -Ashlene Zamora Villasera ********* “I love you so much, Ashlene. Ang saya-saya ko dahil finally ay nasa sa iyo na ang aking apelyido,” paglalambing ni Jonathan sa asawa niya. He held one hand of Ashlene, locked it in both his hands, and then gave her a bittersweet smile. Sa kanyang loob-loob ay muli siyang nangangako na kahit na ano ang mangyari ay magiging mabuti siyang asawa para kay Ashlene, na ito lamang ang mamahalin niyang babae habambuhay. Kanina lang kasi sila ikinasal ni Ashlene sa halos dalawang taon rin nilang pagiging mag-live-in partner. Bago kasi sila nagpasya na magpakasal ay naisip muna nila noon na magsama at tingnan kung sila ba ay compatible talaga para sa isa’t isa o hindi pala. At ngayon, heto na sila, papunta na sa kanilang wedding reception sakay ng kanilang wedding car. Mas buo na ang paniniwala nila na ang kanilang relasyon ay magiging habambuhay na. Sa wakas ay tapos na ang kanilang kasal na noon pa nila gusto na mangyari. Lagi lang nila hindi itinutuloy dahil may takot pa sila noon na baka hindi mag-work ang kanilang pagsasama. Gayunman, hindi nila pinagsisisihan kahit natagalan pa ang kasal nila dahil ngayon ay wala na silang pangamba. They are now certain that they are truly destined for each other, ready to engage in a lifetime commitment. “I love you even more, Jonathan.” Ashlene snuggled happily to her husband. Inihilig niya ang kanyang ulo sa matipunong dibdib ni Jonathan. Kung masaya si Jonathan ay higit pang masaya si Ashlene. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa. At katulad ng mga babaeng ikinasal sa lalaking kanyang mahal ay hindi rin mailarawan ang kasiyahang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Actually, pakiramdam nga niya ay nasa alapaap pa rin siya magpahanggang ngayon. At the church a little while ago, she and many of the guests cried endlessly. Grabe ang saya niya kanina. Tama nga ang sabi-sabi na ang pinakamasayang araw sa buhay ng isang babae ay ang araw na ikasal siya sa lalaking pinakamamahal niya. Napatunayan niya iyon kanina. Mayamaya ay tumigil ang kanilang wedding car dahil nagkulay pula ang traffic light. Ashlene felt his husband kiss the top of her head. She lifted her gaze, and upon seeing her handsome husband’s face, she smiled sweetly. She even saw her husband mouth ‘I love you’ to her and then planted a kiss on her forehead. Ang sweet talaga ng kanyang asawa. “Tatandaan mo palagi, Hon, na mahal na mahal kita. Kahit pa mawala ako ay ikaw lang, wala nang iba pa,” naglalambing na sabi naman niya. Naging kasabay niyon ang pag-andar ng kanilang wedding car dahil nagkulay berde na ang traffic light. At kasabay din niyon ang bigla-biglang pagsulpot ng isang truck na bumangga sa kanila. In a split second, a horrible sound shocked the place and changed everything in their newly-wed life. “Clear!” the doctor shouted before putting the defibrillators on Ashlene's chest. He was trying his best to revive Ashlene. Si Ashlene, siya ang napuruhan sa nangyaring aksidente kanina lamang. Halos hindi na nga makilala ito dahil sa dami ng dugo gawa ng tinamong sugat ng mukha nito. Kasabay rin n’yon ay ang panggagamot din sa sugatang si Jonathan sa kabilang banda ng Emergency Room. Luckily, hours later, Jonathan was no longer in critical condition, even though he remained unconscious. Hindi tulad ng driver ng kanilang wedding car na dead on arrival. “A-Ashlene...” At nang nagkamalay na siya ay ang pangalan agad ng kanyang asawa ang tinawag niya. Bukas-sarado siya sa kanyang mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag. “Diyos ko!” Nataranta naman si Mrs. Susan Villasera. Agad niyang niyakap si Jonathan nang makitang gising na nga nang tuluyan ito sa halos dalawang araw rin nitong pagkakawalang malay tao. “Thank God at nagising ka na, Son,” she howled while shedding tears. Jonathan, who was still weak, roamed his eyes around. He was puzzled about where they were and wondered why he felt pain almost all over his body. Pero nang ipinaalala na sa kanya ng isipan ang nangyari; iyong truck, iyong banggaan, iyong nakakatakot na tunog ng salpukan, gradually, Jonathan’s eyes widened in a sudden fear he felt. “M-Mom?!” Humiwalay sa yakap si Aling Susan. “How are you, Son? Anong nararamdaman mo?” Abruptly, Jonathan held his mother’s hand. “Mom, where’s my wife? Bakit wala siya rito? Ayos lang ba siya?” tapos ay sunod-sunod niyang tanong. His panicky voice filled the private hospital’s room. Subalit iyak lamang ang isinagot ni Aling Susan sa kanya, na siyang nagpakaba pa nang husto dibdib niya. “Where’s Ashlene, Mom?” tanong niya pa. He forced himself to sit down, but he winced when he felt a pain in his head. He groped his head and realized it was bandaged. “Pakiusap humiga ka lang, Anak. Ang mga sugat mo,” atubiling pigil sa kanya ng ina. “Mom, please answer me. Nasaan ang asawa ko?” sumamo niya pa rin. He doesn’t mind all his pain. Ang mahalaga lamang sa kanya ngayon ay malaman kung ano ang kalagayan ng kanyang asawa. Sapagkat ang kanyang naaalala ay sa banda ni Ashlene at ng driver sumalpok ang truck. “I’m sorry, but your wife is comatose, Son. Nasa ICU pa rin siya ngayon,” nakakalungkot na nga na sagot sa kanya ng Mommy niya habang humihikbi. Sa narinig, pakiramdam ni Jonathan ay na-paralyze siya ng ilang sandali. He was shocked and terrified. And after seconds crept passed, he cried his heart out and shook his head incredulously. Hindi maaari na nasa kritikal na kondisyon ang kanyang pinakamamahal na asawa. No! It can’t be! “Magpakatatag ka, Son,” alo sa kanya ng ina. “Sabihin mo sa ‘kin na nagbibiro ka lang, Mom,” pakiusap niya sa ina. “Totoo, Son,” ngunit ay sabi nito. He felt like he had lost his strength again. Humihiyaw ang kanyang isipan. Hindi maaari ito! Kakakasal lang nila ni Ashlene! Dapat ay masaya sila ngayon at hindi ganito! “Don’t worry, Son, dahil matatag ang asawa mo. Naniniwala ako na makaka-survive si Ashlene katulad mo. Ipagdasal na lang natin na bukas o isang araw ay gigising din siya upang magkasama kayo ulit.” His mother caressed his back wholeheartedly. “Wait, tatawagin ko ‘yong doktor.” “No, Mom, gusto ko nang makita ang asawa ko. Where’s the ICU?” but he protested and aggressively removed all the tiny tubes attached to his body. “Huwag mong gawin yan, Son!” hysterical na pakiusap ni Aling Susan. Hindi niya pinansin ang ina. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa kahit na napapangiwi siya dahil sa mga hapding nararamdaman, lalo na nang hinila niya ang karayom ng dextrose sa kanyang kamay. Kailangan niyang puntahan ang kanyang asawa. Baka hinahanap na siya ni Ashlene. Baka tinatawag na siya nito. “Son, tama na. Iyang mga sugat mo,” pakiusap ng ninenerbyos niyang ina. “Nurse! Doc!” at sigaw na nito nang hindi talaga siya nagpapapigil. “Mom, please dalhin mo ako kay Ashlene. I want to see my wife,” he insisted. Umalis na siya sa kama. Hindi siya nakinig. Hindi siya nagpapigil. Wala na siyang pakialam sa kanyang sarili. Natigilan lamang siya nang nakaramdam siya ng sakit sa kanyang mga paa nang kanyang subukan na ilakad. Napahawak siya sa pader at nakangiwing nasapo ang kanyang ulo. Hanggang sa nahilo na siya at bumagsak sa sahig. “Diyos ko, Anak!” Agad na umalalay ang ina sa kanya. “Sinabi ko na, hindi mo kaya. Huwag kasing matigas ang ulo mo. Kagigising mo lang at mahina ka pa kaya huwag mong pilitin ang sarili mo. Wala ka namang dapat ipag-alala dahil nandoon naman ang Mama Marcelina mo na nagbabantay sa asawa mo. If you want, let’s visit her tomorrow, huwag lang muna ngayon.” “Hindi, Mom, mas kailangan ako ng asawa ko sa mga oras na ‘to,” giit pa rin niya. Pinilit niya ulit tumayo. Unfortunately, wala naman siyang nagawa sa huli dahil may pilay pala ang kanyang isang binti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
45.7K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
220.0K
bc

The ex-girlfriend

read
141.3K
bc

My Husband's Mistress

read
300.7K
bc

Fight for my son's right

read
149.5K
bc

The Ex-wife

read
216.2K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook