TULALA lang si Elena habang ang pinsan naman niya na si Dridgen ay bumalik na sa kitchen para magluto. Kahit na may tatlong professional chef ang pinsan niya ay mas madalas pa rin ito sa kusina para magluto. Dahil iyon ang passion nito. Kusina ang working place nito. Habang ang kapatid naman nitong si Eldridge ay sa kompanya umiikot ang mundo. Pinakain rin muna siya ni Dridgen bago siya nagpasyang umuwi kinagabihan. “Take care,” paalam pa nito. Hindi na siya nagpahatid pa sa labas ng restaurant. Kaya naman niya ang sarili niya. Malapit na si Elena sa pinagpa-park-an ng kanyang Porsche ng mapansin ang kulay pulang Ferrari na katabi lang ng kanyang kotse. Napahinto tuloy siya ng mapagtanto kung kanino iyong sasakyan. “Baka naman katulad lang,” pagbibigay assurance niya sa sarili kaya n