MATAPOS magpasa ng resignation letter ni Elena sa kanyang manager ay wala siyang ibang ginawa maghapon kundi ang magkulong sa kanyang kuwarto. Pakiramdam niya ay may nawalang isang importanteng bahagi sa kanyang pagkatao. Siguro naman masaya na ang mga magulang niya dahil ginawa na niya ang gusto ng kanyang ama na iwan ang modeling career niya. Dahil na rin sa sama ng loob kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapansin ang mga magulang. Kinabukasan naman ay naisipang mag-road trip ni Elena tutal wala naman siyang gagawin. Hanggang sa maisipan niyang dalawin ang pinsan na si Dridgen, ang older brother ni Eldridge at siyang dahilan kung bakit nasadlak siya sa fix marriage na tinanggihan nito. Pinuntahan niya ang restaurant nito sa Makati. Pero sa malas ay wala ito roon may pinuntaha