NILAPITAN ni Elena ang ina na kasalukuyang nag-i-spray sa mga namumulaklak na nitong red roses sa may hardin. “Mommy,” untag niya rito. Niyapos pa niya ito mula sa tagiliran nito. Ganoon siya kapag naglalambing. Siya na rin ang kusang nagtanggal ng pader na iniharang niya sa pagitan nila ng kanyang mga magulang simula ng malaman niyang pumayag ang mga ito na ipagkasundo siya. Itinigil ni Elvira ang ginagawa at hinaplos ang buhok niya. “Hmmm?” “Sorry for being harsh last time. Nabigla lang ako and the same time nagtatampo.” Iniabot na nito sa kawaksi ang hawak na spray upang harapin siya. Elvira hold her hand tight. “Baby, I’m sorry too. Kahit kami man ng Daddy mo ay wala ring magawa sa disesyon ni mama,” tukoy nito kay Doña Paula, her mother. “Ang Lola Paula mo kasi palaging idinadaing