NANIGAS lalo si Elena ng maramdamang may malambot na kung ano na lumapat sa labi niya. Labi ni Sire! Dalawang ulit iyong lumapat hanggang sa ipasya niyang magmulat na. Kunware ay napaubo pa siya. Well, best actress siya. Bonus na siguro ‘yung mahalikan siya ni Sire. First kiss ko. Parang gusto tuloy niyang magpakalunod uli. Kahit na simpleng halik lang iyon dahil mouth to mouth resuscitation lang ang ginawa nito ay hindi niyon mababago ang katotohanang naglapat ang mga labi nila. Parang gusto niyang tumawa ng tumawa dangan nga lamang at baka ito pa mismo ang maghagis sa kanya kapag nalaman nitong nagkukunwari lang siyang nalunod. But seriously it is closed enough para malunod kanina. Nakahinga naman ng maluwag ang basang-basa ring si Sire ng makitang okay na siya. Slow motion pa kunwar