Chapter 04

1421 Words
HINDI lang basta nakaringgan ni Elena ang sinabi ni Sire. Totoong pinapasabay siya nito rito hanggang sa may main road. Binawi niya ang brasong hawak nito. Gusto man niyang tanggapin ay ayaw naman niyang magpaka-obvious sa binata. “Hindi na. Baka magkautang na naman ako sa iyo. Wala akong pambayad.” Akmang tatalikuran niya ito ng wala ng imik pa ng hilahin siya nito sa may kotse nito. Dahil sa laki ng katawan nito at siya naman ay model figure lang kaya madali para kay Sire ang hilahin siya na parang papel. “Get in,” maawtoridad nitong sabi pagkabukas ng pinto sa may passenger side. Two seats lang ang kotse nito. Mabilis na pinalis niya ang luha sa pisngi. Sasakay ba siya? Baka naman nagmamagandang loob lang ito at hindi naman siguro siya sisingilin kung sakali man. Plus, makakasama pa niya ito. Hindi na masama. “Time is gold,” inip na nitong sabi. “Hindi uso ‘yang motto mo rito sa Pinas,” pasaring niya rito bago sumakay na rin. Hindi agad sumakay si Sire dahil may kinausap pa ito sa cellphone nito. Pagkapatong niya ng bag sa kanyang hita ay mabilis na sinuri niya ang loob ng kotse habang prenteng nakaupo. Bukod sa sobrang bango sa loob dahil nanunuot sa ilong niya ang gamit na pabango ni Sire ay ang organize rin. Walang pakalat-kalat na kahit na ano. Pero pagbaling naman niya sa likuran ay may nakita siyang nakapatong doon, isang magazine. Curious na kinuha niya iyon. Isa iyong Time Magazine kung saan ito ang nasa cover. Bubuklatin sana niya iyon ng may kumuhang kamay roon. "Masamang mangialam ng gamit na hindi naman sa iyo," anito na ibinalik sa likod ang magazine. Napairap tuloy siya. Sungit! Napipilan lang siya ng ito pa ang magkabit sa kanya ng seatbelt. Pakiramdam niya ay bumagal ang inog ng mundo sa pagkakalapit nitong iyon sa kanya. Damn his pointed nose and sexy kissable lips. Matapos ikabit ang seatbelt ay wala pa ring imik na pinasibad nito ang sasakyan. “Sa bayan mo na lang ako ibaba,” aniya ng makabawi bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi pa nga siya maka-move on sa una nilang pagkikita heto at pahihirapan siyang lalo na maka-move on sa mga nangyayari. Kinagat-kagat niya ang ibabang-labi. Nagtaka pa siya mayamaya dahil imbis na ibaba siya nito sa mismong bayan ng Sariaya ay nagdere-deretso lang ito sa pagda-drive. “Teka lampas na tayo sa bayan,” apila niya. Napabaling na siya kay Sire ng hindi ito magsalita. “Lampas na tayo,” ulit niya. “Alam ko,” kaswal nitong tugon. Deretso lang ang tingin sa daan. “Eh, bakit hindi mo itigil muna sa tabi?” Paano pa siya makakapag widraw ng cash? Wala siyang kapera-pera tapos baka mamaya ay kung saan pa siya nito ibaba. Hindi puwedeng mangyari iyon dahil ayaw niyang maglakad ng malayo. “Sinasabi ko sa iyo na kahit sino ka pa ay kaya kitang patulan. Kung balak mo na basta na lang akong iwan sa kung saan diyan para gumanti dahil sa gasgas ng mamahalin mong kotse. Puwes pag-isipan mo ng isang milyong beses. May kilala akong mangkukulam,” pananakot pa niya kahit na ang totoo ay wala naman talaga siyang kilalang mangkukulam. “As if I’m scared? Bakit hindi ka na lang magpasalamat na nakasakay ka sa kotse ko at nakasama mo ang isang tulad ko?” Lalong nagpanting ang tainga niya. Oo nga at may parte sa puso niya na natutuwang nakita itong muli pero kailangan niyang makabalik sa Maynila. “Isang tulad mo?” aniya at kunway umasim ang mukha. “Ang yabang mo rin. As if naman big deal sa akin na pinasabay ako ng isang tulad mo rito sa magara mong kotse? Maliit na bagay,” pang-aasar pa niya. “Ah, ganoon hindi big deal sa iyo?” Napatango-tango pa ito. “We’ll see.” Mas pinabilis pa nito ang takbo ng kotse. Dahil wala naman sila halos kasabay sa kalye kaya humarurot talaga ito ng todo. May pinindot pa ito para bumukas ang bubong ng kotse. Palibhasa ay convertible type. Iyong pakiramdam na gusto mong manakal ng tao dahil ang lakas ng trip sa buhay. Daig pa nila ang nasa drag racing. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na paghahampasin ito sa braso. Natatakot siya na baka mabangga sila. “Kung balak mong magpakamatay ‘wag mo akong idamay!” Sigaw niya. “Akala ko ba hindi big deal sa iyo na katulad ko ang kasama mo?” “Buwisit na buwisit na ako kaya please lang, ‘wag ka ng dumagdag pa! Ipapakulam talaga kita!” Nakangisi pa ito ng bawasan ang speed ng kotse. “Really? Oh, I’m scared.” “Pakibaba sa tabi!” “Sad to say, Miss, pero may mas importante akong hinahabol at this very moment kaya hindi ako puwedeng huminto sa pagda-drive para lang sa gusto mo.” Ano ba’ng kabaliwan ang sinasabi nito? Kailangan pa niyang bumalik sa Alabang dahil bukas ay may appointment siya na kailangang daluhan. Kahit na gusto pa niya itong mas matitigan ng matagal ay hindi niya puwedeng isawalang bahala ang appointment niya. “Kung nagbibiro ka puwes hindi nakakatuwa.” “Katulad nga ng sinabi mo kanina ay mag-a-apply ka pa lang naman ng trabaho. Walang big deal doon.” Nahawakan niya ng mahigpit ang bag. “Hihinto ka lang naman saglit sa tabi. At saka ano naman kung mag-a-apply lang ako? ‘Wag mong nila-lang ‘yon. Trabaho pa rin ‘yon.” Hindi na ito nagsalita kaya naaasar siyang lalo rito. Dapat pala hindi na lang siya sumabay sa kotse nito. Kainis. Masyado siyang nagpadala sa kaguwapuhan nito at sa kagustuhang makasama ito. Hanggang sa lampasan nila ang pinaka arko ng Pagbilao City. Bagay na nagpatameme sa kanya. Nasa Pagbilao City na siya ngayon. Napalunok siya. Nakalimutan tuloy niya ang inis kay Sire. Ang Monterey Mall na nadaanan nila ay halos kasing laki ng Mall Of Asia. Titira talaga siya sa lugar na iyon once na magkaroon siya ng sariling pamilya. Pagbilao City is the best place to live with family. Natigilan siya sa naisip and out of nowhere ay bigla na namang sumagi sa isip niya ang fix marriage. Mapupurnada pa yata ang pangarap ko. Dahil nilamon na ng isipin tungkol sa fix marriage kaya naman hindi niya halos napansin na paliko na sila sa Valle Encantado Village. Nagtataka tuloy na napatingin siya kay Sire. It was her first time na mapasok ang isa sa exclusive village na iyon sa bansa sa kadahilanang wala naman siyang kakilala roon. Katulad sa Ayala Alabang Village ay napakahigpit din ng security roon. Si Sire naman ay nanatili lang na tahimik. Seryoso lang ang guwapong mukha habang nagda-drive. Tahimik pa rin si Elena ng pumasok sila sa pinaka Phase III ng VEV. Puro mansiyon din ang mga nakatayo roong bahay. Nang makarating sila sa dulong bahagi ng Phase III ng village na iyon ay iniliko nito ang sasakyan papasok sa may guard house. Leisure Club, basa niya sa isipan sa nakasulat na karatula sa bungad ng guard house. Lihim siyang na-curious sa lugar na pupuntahan nila. Dumaan muna sila sa guard for some inspection then allow them to enter the Leisure Club. Binagtas nila ang kahabaan ng forest trail. Nanatili lang siyang tahimik at walang kibo. Pero bakas sa mukha niya ang paghanga sa nakikitang ganda ng lugar na dinaraanan nila. May nag-i-exist palang ganitong lugar sa bansa. “I’m sure hindi mo na ako ipapakulam,” makahulugang sabi ni Sire habang siya ay amaze na nakatanaw sa labas ng bintana. Saka lang niya binalingan si Sire. “Anong lugar ba ito?” “’Wag mo ng alamin. Ayoko ring mag-explain.” Napataas ang isa niyang kilay sa sinagot nito. Ang lugar na iyon ay animo undiscover place na halatang hindi rin alam ng iba na nag-i-exist iyon sa mundo, maliban na lang kung mararating mo mismo. At dahil mas marami siyang inilaan na taon sa France kaya hindi na rin niya mas na-explore pa ang mga lugar sa Pilipinas. Ilang tourist destination lang ang alam niya. At kahit na may ideya siya sa Pagbilao City ay wala naman siyang alam sa itinatagong lugar na iyon ng Pagbilao. Ibinaling na lang niyang muli sa labas ng bintana ang tingin. Kung nasaang lugar man siya ay sigurado namang safe siya roon. Maging kay Sire ay ramdam niya ang kapanatagan ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD