Chapter 03

1371 Words
NAG-AALMUSAL ang kanyang pamilya nang ipasya ng umalis ni Elena. Hindi siya sasabay pabalik ng Alabang sa mga magulang niya. Sa ngayon ay gusto niyang mapag-isa. Kahit nga mag-almusal ay hindi niya ginawa. Literal na ipinakita niya sa mga ito ang pagkawalang gana niya. “Mauna na po akong umalis,” pormal niyang paalam. “Sumabay kana sa amin, Elena,” anang mommy niya. “No need. Kaya ko pong umuwi. Alis na po ako.” Nang tumalikod siya ay hindi na siya nagpakalingon-lingon pa. She’s wearing a stripe long sleeve polo na umabot sa hips niya na kulay white and blue. Nakatupi ang manggas niyon hanggang sa kanyang siko. Naka-short lang siya na kulay black kaya lantad ang long legs niya and a pair of white converse sa paa. Ang dala niyang bag pack ay hindi naman ganoon kabigat. Hinayaan lang din niya na nakalugay ang buhok. Paglabas niya ng ancestral house ay dumiretso na siya sa may main gate. Hindi naman kalayuan ang labasan mula sa bahay ng kanyang lola. Kayang-kaya niyang lakarin. Dahil medyo bundok type kaya palusong ang nilalakaran niyang daan. Malapit lang ang naturang lugar sa may Mt. Banahaw kaya may kalamigan ang klema. First time niyang magko-commute pauwi and it’s kinda exciting para sa kanya. Palibhasa palagi siyang sakay sa kotse. Ngunit bigla ang pagtigil niya sa paglalakad ng biglang may maalala. “Oh, no. Wala akong cash na dala.” Napakagat labi siya. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ay malayo-layo na rin ang nalakad niya. Dala naman niya ang ATM card niya ngunit may kalayuan naman ang bayan sa mismong lugar na kinaroroonan niya. “Malapit nga pala rito ang Pagbilao City,” napangiti siya bigla sa naisip. Kung may dadaang Taxi sa may main highway ay puwede siyang magpahatid na lang sa Pagbilao City dahil isang bayan lang ang pagitan ng Sariaya at Pagbilao. Pero kung walang dadaan ay makakabalik siya sa bahay ng kanyang abuela upang humingi ng pera sa kanyang ama. Binilisan niya lalo ang paglalakad. Dahil na rin sa sama ng loob sa mundo kaya hindi niya napansin ang bato na natapakan. Hindi man ganoon kalaki ngunit natapilok pa rin siya. Sa inis kaya nasipa niya ng malakas ang pobreng bato. Kitang-kita niya ng tumama ang bato sa may likod ng pulang sasakyan na saktong lumampas sa kanya. Para pa iyong pamilyar sa kanya dahil isa iyong sport car na kulay pula. Akala niya ay hindi iyon napansin ng driver kaya dumeretso lang siya sa paglalakad hanggang sa hindi kalayuan ay biglang huminto sa gitna ng kalye ang naturang kotse. Hindi iyon umalis doon hanggang sa maabutan niya ang sasakyan. Bigla siyang kinabahan dahil na-sense niya na alam yata ng driver na natamaan niya ang kotse nito. Dumagundong bigla ang t***k ng puso niya ng makitang may munting gasgas sa may malapit sa tambutso ng kotse. Nakadisgrasya na naman siya ng sasakyan sa pangalawang pagkakataon. Nang maalala ang sasakyan ni Sire ay biglang nasuri niya ang kotse. It was a Ferrari car too. Napatingin agad siya sa may pinto ng driver side at nakita niya na naroon pa rin ang munting gasgas. Kinilabutan siya bigla. Confirm, alam na niya kung sino ang may ari niyon at hindi nga siya nagkamali dahil bigla ang pagbukas ng pinto ng kotse at bumaba ang matikas na bulto ng lalaki. Napalunok siya kasabay ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Ilang araw na ang lumipas and yet, hindi pa rin maalis sa sistema niya ang binata. Ang napakaguwapong mukha na iyon... Mabilis na kinalma niya ang nagreregodon na dibdib at nagkunwaring hindi ito kilala. Hindi niya inaasahan na makikita itong muli. At sa pangalawang pagkakataon ay sa ganoong paraan pa. She's ready to exit ng mabilis nitong hamigin ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis. “Not so fast,” maawtoridad nitong sabi. Napapiksi tuloy siya. “T-Teka...” Walang imik na hinila siya nito papunta sa may likod ng kotse. Mabilis nitong nakita ang gasgas. “Trip mo ba talagang sirain ang kotse ko? The last time sa Tagaytay, pati ba naman dito sa Sariaya?” Hindi niya magawang sulyapan man lang si Sire. Believe na siya rito dahil nagawa pa rin nitong maalala ang mukha niya. Ganoon ba talaga kahirap kalimutan ang kagandahan niya? “Hindi ko naman alam na daraan ang kotse mo.” “Then what? Magso-sorry ka? No thanks.” Lakas loob na sinalubong niya ang tingin nito. Lihim siyang napalunok. Parang may nakita siyang kung anong kislap sa mata nitong matamang nakatitig sa kanya. Kung ano iyon ay hindi niya mabigyang pangalan. Bagaman at mababakas pa rin ang tila pagkayamot sa guwapo nitong mukha. Hindi tuloy siya makaisip ng palusot. “Kung maniningil ka ng damage. Sorry pero wala akong pera. Pabalik pa lang ako sa Maynila para maghanap uli ng matinong trabaho. At saka hindi ko naman talaga sinasadya. Wala kang mahihita sa akin ngayon.” Palusot niya. Tinantiya nito ang sinabi niya. “Akala ko ba ay may trabaho ka sa isang restaurant sa Tagaytay?” “H-Ha. Ah. Oo, kaso nag-resign na ako maliit kasi ‘yung sahod. Province rate lang kaya sa Maynila na lang ako para Manila rate.” Nang subukan niyang hilahin ang braso mula rito ay binitawan naman nito. “Kaya promise wala kang masisingil sa akin para sa damage na ‘yan. Kung puwede utang na lang muna. Next time na ang bayad. Mag-iipon muna ako.” Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Hindi niya mabasa ang nasa likod ng guwapo ngunit seryoso nitong mukha. But the way he laid his expressive eyes on her, animo tinutunaw siya niyon. “Bakit parang duda ka sa sinabi ko?” Kunway tanong niya at pilit iwinaksi ang pag-assume na baka nagagandahan ito sa kanya. “Next time ang bayad kapag nagasgasan mo uli ‘yang kotse ko?” sarkastiko pa nitong tanong. Nainis na siya. Dagdag pa ito sa problema niya. “Eh, anong magagawa ko kung wala nga akong pera ngayon? Bakit ba ang arte mo? Maliit na gasgas lang ‘yan at hindi ka naman siguro mamamatay agad-agad niyan.” “Just to inform you, Miss, na hindi pipitsuging kotse ‘yang nagasgasan mo. Hindi sana big deal kung mumurahin lang.” Kinalma niya ang sarili. “Alam kong Ferrari ‘yang mahal mo na latest model na kotse. ‘Di ba, naturingang mamahalin nga pero isang talsik lang ng bato gasgas agad. Ano ba ‘yan? Kumbaga sa alahas para siyang fake.” Hindi niya napigilan na pang-iinis dito. “Baka naman isang sipa ko lang diyan, eh, yupi agad?” “Tapos ka na?” Imbis na maasar ito ay siya pa lalo ang nag-init ang ulo dahil sa walang karea-reaksiyon na pagmumukha nito. “Ah, ewan ko sa iyo. Kung hindi ka marunong magpasensiya sa taong humihingi ng patawad sa iyo. Magsama kayo ng Ferrari mo. Wala akong pambayad sa iyo period!” Pagkasabi niyon ay nilampasan na niya ito. Humihingal pa siya na animo’y galing sa pagtakbo. Naiinis siya rito. Imbis na palampasin ang nangyari ay ginagawa pang big deal. Bigla na lang ang pag-iinit ng mga mata niya. Pakiramdam kasi niya ay aping-api siya sa mga panahon na ito. Walang taong masasandalan, walang maiyakan man lang at walang malabasan ng sama ng loob. Maski ang sarili niyang pamilya ay hindi niya kakampi. Wala siyang kakampi ngayon kundi ang sarili niya. Tapos dumagdag pa si Sire na hindi marunong magpatawad. Kinagat niya ang ibabang labi. Ang malas-malas ng pakiramdam niya. “Kung bakit kasi naimbento pa ang fix marriage na ‘yan,” inis na pinahid niya ang luhang naglandasan sa pisngi niya. Akala niya ubos na kagabi ang luha niya hindi pa pala. Hindi siya natinag sa paglalakad kahit na businahan siya ni Sire. Tatlong beses iyon dahil hindi siya humihinto sa patuloy na paglalakad. Until someone grab her arm. Napahinto tuloy siya at hindi naiwasang mapalingon agad. Natigilan si Sire ng makitang hilam sa luha ang mukha niya. Siguro akala nito ay dahil iyon sa nangyari kanina. He sigh. “Okay. You’re forgiven. Sumabay ka na sa akin papunta sa may highway.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD