"DON'T do this to me, Lola Paula, please. Alam niyo namang lahat na nasa tamang edad na ako para gawin pa ang gusto ninyo. Dad,” baling niya sa ama. Still hoping na makiusap din ito sa kanyang lola. “Please, don’t do this to me. Ayokong makasal na lang ng basta-basta. Alam ko na nasa pamilya na natin ito pero hindi po ba puwedeng baguhin? Kaligayahan ko po ang nakasalalay dito.”
Nasa study room silang apat ng kanyang lola, mommy at daddy. Kasasabi lang ng kanyang lola na nakatakda siyang magpakasal sa apo ng kaibigan nito. Ni hindi nito binabanggit kung sinong kaibigan nito. Nakatakda ang fix marriage na iyon hindi dahil konektado sa negosyo kundi dahil kailangang may maikasal sa kanilang pamilya sa taong iyon na kagustuhan ni Doña Paula.
“I’m sorry, Elena, pero final na ang desisyon ng lola mo at iyon ang masusunod.”
Napatayo na siya sa sinabing iyon ng kanyang ama. Hindi na niya kaya pa dahil kaunti na lang at sasabog na ang dibdib niya. Pinigil niyang maiyak sa harapan ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya.
“No,” mariin niyang sabi. “May karapatan din naman ho akong magdesisyon para sa sarili ko. Lola naman, bakit ako pa? Please stop this.” Nang walang makuhang sagot sa mga ito ay mapait siyang napangiti, “Uuwi na ho ako.”
“Stay here,” maawtoridad na sabi ni Doña Paula. “Katulad mo, mariin din itong tinanggihan ng pinsan mo. Pero sinisigurado ko sa iyo Elena na hindi mo ito matatanggihan. Like it or not you’re in a fix marriage and that’s final.”
“Akala ko po ba malinaw na sa inyong lahat na mahal ko ang freedom ko? Tapos mapupunta rin pala sa ganito? Marrying the man na kahit minsan ay hindi ko man lang nakita o nakilala? Sana nararamdaman niyo ngayon ‘yung nararamdaman kong sakit.”
“Para sa ikabubuti mo naman ito anak. Hindi ka naman mapupunta sa masamang lalaki,” anang mommy niya.
“Mommy, naririnig mo po ba ‘yang sinasabi mo? Kinuha ninyo yung kalayaan ko na mamili ng taong makakasama sa habang buhay and worst sapilitan itong pinagagawa ninyo sa akin. Sa tingin niyo po ba masaya ako na matali sa lalaking hindi ko naman mahal? Lola, sana naisip niyo po muna bago kayo nagdesisyon ng sarili niyo. Iba na ang panahon ngayon, hindi na katulad noon na sunod-sunuran lang ang mga tao. Daig niyo pa ang isang wicked witch na isinusumpa ako at...”
Isang sampal ang dumapo sa pisngi niya dahilan para matahimik siya. Tigalgal tuloy siya sa ginawang iyon ng kanyang ama.
“Don't talk with your grandma like that Elena! I'll give you an ultimatum this time. Mag-resign ka na sa pagmo-modelo mo ngayong linggo na ito. I’ll give you one week to settle that thing. At kapag hindi mo iyon ginawa, don’t wait us to do such move para doon,” pagkasabi niyon ay tumayo na rin ang kanyang ama at lumabas na ng study room.
“Good night,” ani Doña Paula na lumabas na rin ng naturang silid habang taas ang noo.
Naiwan siya at ang ina. Hindi siya makapaniwala na aabot sa ganito. ‘Yung pinaghirapan niyang career mauuwi na sa wala. At ngayon wala siyang kawala sa desisyon ng mga ito lalo na ng kanyang lola.
Nilapitan siya ng ina at hinagod ang kanyang likuran. “Elena, magpahinga ka na muna.”
Umiling siya. “Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito,” nanginginig niyang sabi.
“Para sa ikabubuti mo naman ito, hija.”
“No, mommy. Maski kayo pumayag rin. Bakit ganyan ka-eager si Lola Paula na may maikasal sa amin ngayong taon kung labas naman dito ang negosyo ng pamilya? For what?” The last time na nagkaroon ng fix marriage sa pamilya nila ay noong panahon pa na muntik ng malugi ang kompanya ng lola nila kaya ipinakasal nito ang panganay na anak na lalaki, ang ama nina Eldridge. Pero unlike sa iba naging maayos naman ang pagsasama ng mga ito. “Pinagkaisahan niyo akong lahat,” nagdaramdam pa rin niyang sumbat.
“I’m sorry, Elena. Kahit ako wala rin akong magawa sa gusto ng ina. Magpahinga ka na.” Iyon lang at pagkahalik nito sa kanyang pisngi ay lumabas na rin ito.
Naiwan siyang tulala habang hawak ang nasampal na pisngi. Iyon ang unang pagkakataon na lumapat ang palad ng ama niya sa kanyang pisngi. Nang mag-unahang bumagsak ang mga luha niya ay saka lang siya nakaramdam ng panghihina. Kaya naman para siyang nauupos na kandila na napaupong muli sa kinauupuan kanina. Tahimik lang siyang umiyak hanggang sa mapahagulhol na siya. Iyong pakiramdam na gusto niyang magwala at ipagtatapon lahat ng libro na nasa silid na iyon. She totally hated her life now. It’s useless.
“Damn this life!”