"PANSIN ko kanina ka pa tulala." Napakislot si Elena ng marinig ang boses ni Sire. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Tiningnan niya ito. Naramdaman agad niya ang hindi normal na pagreregodon sa dibdib niya. Sign ba iyon na higit pa sa gusto ang nararamdaman niya ngayon kay Sire? Hindi niya ikakaila ang munting atraksiyon na naramdaman dito noong una pa lamang. Kapanta-pantasya ito ngunit alam niya sa sarili niya na bawal siyang mahulog sa iba lalo na at hindi na niya hawak ang freedom niya. Soon to be engage na siya. Kapag ipinagpatuloy niya iyon ay tiyak na siya lang ang masasaktan sa huli. Nagbaba siya ng tingin. Naguguluhan lang siya ngayon dahil kinukulit siya ni Yamie kung gusto na ba niya si Sire, nang magkita sila kaninang lunch. "May iniisip lang." "Sino? Si Daizuke? Ngayo