Chapter 18

1252 Words

DAHIL sa nangyari sa Alager kaya umuwi muna si Elena sa kanilang bahay para magpalamig. Hindi niya nagustuhan ang inakusa sa kanya ni Sire ng gabing iyon kaya hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya rito. Pinuno siya nito masyado dahilan para pati trabaho niya sa kompanya nito ay hindi niya atupagin. Apat na araw siyang hindi nagparamdan dito. Gabi naman ng maisipan niyang bumalik sa penthouse nito sa Fiorano Company. Sa kuwarto agad siya dumeretso. Natigilan siya ng bumungad sa kanya ang isang malaking stuff toy na may nakasulat sa gitna na ‘I’M SORRY’, nakapatong iyon sa may kama. Napakurap-kurap siya sa pag-aakalang baka namamalikmata lang siya. Nilapitan na niya iyon ng hindi iyon mawala sa paningin niya. “Sire?” Hindi niya napigilang sambitin. Kanino pa ba manggagaling iyon?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD