BAGO tuluyang bumaba sa kotse si Elena ay mabilis muna niyang isinuot ang dalang dark shade na palaging nasa loob ng bag niya. Mahirap na at baka ma-issue pa siya na may kasamang lalaki at makarating sa pamilya niya. Hindi naman sa ikinahihiya niyang kasama si Sire, nag-iingat lang siya para sa sariling kapakanan. Natatakot siyang may makakilala sa kanya na kakilala rin ng mga magulang niya. “As if naman may papansin sa iyo?” Panira talaga ito kahit na kailan. “Paki mo ba sa trip ko?” nakaismid pa niyang sabi bago akmang magpapatiuna sa paglalakad ng hilahin na naman siya nito sa kamay. “This way,” anito. Mali pala ang tatahakin niyang daan kung nagkataon. Hindi siya nagpahalata na napahiya ng bawiin ang kamay mula rito. Tahimik rin na naglakad siya kasabay nito. Hindi na siya nagtata