“GUSTO kita.” Literal na natulala si Elena sa sinabing iyon ni Sire. Gusto siya nito? Walang kaligoy-ligoy nitong sinabi iyon. At hayon, ang puso na naman niya ang unang naapektuhan. Nasa pribadong opisina sila nito. Aasa na sana ang puso niya ng marinig muling magsalita si Sire na seryosong nakatitig sa mukha niya. “Gusto kitang maging secretary. Acting secretary for one month,” pagkaklaro pa nito. Sa inis kaya tinawanan lang ni Elena si Sire. “Puwede ba ‘wag kang magbiro?” “At sino namang may sabi sa iyo na nagbibiro ako?” Tumayo siya sa harap ng glass table nito. “Nagpapatawa ka. Ako kukunin mo bilang acting secretary mo sa loob ng isang buwan?” Muli siyang napatawa. Wala siyang kaalam-alam sa trabaho ng isang secretary tapos siya pa