PABAGSAK na inilapag ng isang staff ni Sire ang mga folders sa harapan ni Elena. Hindi maiwasan ang pagsasalubong ng mga kilay niya. “Bakit dito mo dinala iyan?” nagtataka pa niyang tanong. Tumaas ang kilay nito. “Bilang secretary ni boss, ikaw ang magla-last check kung okay ba ang pagkakasunod-sunod ng mga files na iyan. After that dalhin mo sa office ni boss.” “P-Pero—” “Secretary ka kaya dapat alam mo iyang ginagawa mo,” mataray pa nitong sabi. Tinalikuran na siya ng mahadirang babae, na kung sino man ito ay wala siyang pakialam. Ang issue niya ngayon ay kung bakit siya ang gagawa niyon? Malinaw ang usapan nila ni Sire kung ano lang ang gagawin niya bilang acting secretary nito. Nagpupuyos tuloy ang dibdib niya ng tumayo. Unang araw niya sa trabaho ngunit binu-buwisit agad siya ng