Chapter 3

1955 Words
White Pearl University NEXT DAY: Nang araw na ‘yon nanibago siya sa kuwartong nabungaran, huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. One day palang o wala pa ngang one day gusto na niyang bumalik sa Kastilyo. Pero mas lalo lang siyang masasaktan, hindi pa niya kayang harapin si Vlad.  Pagka-tapos niyang maligo nag-tyaga muna siyang isuot ang mga lumang damit ng mommy niya, pumili siya ng pinaka maganda sa paningin nya. Nakita nga niya ang isang fitted dress na floral pink na sexy na sexy siya tignan, medyo maiksi dahil matangkad siya kumapra sa mommy niya kaya naman kalahati lang ng hita niya ang natakpan niyon. Pag-tungo niya sa hapag kainan nakaupo na roon ang Lolo at Lola niya kasama ang tito Frey niya na nakiki-join pa sa pagkain. Hindi pa mga nagsisimula ang mga ito na kumain, marahil ay hinihintay siya. "Goodmorning princess." Masayang bati ng Lolo niya sa kanya. Nginitian nya ito pati ang Lola nya. Humalik muna siya sa mga ito bago umupo sa katapat ni Frey na upuan. Nagdasal muna sila bago kumain ng almusal. "Bakit ganyan ang suot mo? May pupuntahan ka ba?" tanong ng lola niya ng matapos na ang kanilang pagkain, nagliligpit na ito ng mga pinagkainan nila sa mesa. “La, bakit kayo ang nagliligpit wala bang gagawa niyan?” Takang tanong ni Rain na hindi naman tumulong nagtanong lang. “Hindi na namin ‘yon kailangan apo."   ** “Kamusta na si Vlad Tita?” Hindi napigilang tanong ni Moonlight kay Pandora habang sabay silang naliligo, hindi naman sila nagkakahiyaan dahil pareho silang babae at close na close. Nagsa-shower si Pandora habang ito ay nakababad sa bath thub. “Wala siya ngayon, nasa pagsusulit sila.” Ang pagsusulit na tinutukoy nito ay ang pakikipaglaban ng mga ito sa magagaling na Vampire at sa mga iyon nakasalalay ang magiging marka ng mga ito. Hindi na naman mapigilan ni MoonLight ang malungkot kaya nilublob nya ang sarili sa tubig ng bath thub. Itong batang ‘to mas inuna pang kamustahin ang lalaki kesa sa mga magulang niya na napapraning na sa kastilyo. Sa isip-isip ni Pandora. “Bilisan mo na diyan, aalis pa tayo” Si Pandora.   **   WHITE PEARL UNIVERSITY    Napakalaki ng gate, tila may pagkakahawig ito sa pintuan pagpasok sa komunidad ng mga Vampire. Bukas na bukas iyon kaya tanaw na tanaw ang isang Sirena na may hawak hawak na banga na nagsisilbing fountain na malaki sa gitnang bahagi ng Unibersidad. Napapahinto ang mga nakakakita kay Rain, siyempre starstruck ang ganda ba naman niya sabi nga niya isa siyang Diyosa. Sa simpleng fitted plain red strapless dress na suot niya na below the knee lalo pang nag stand-out ang mapuputi at makikinis niyang kutis. Wala siyang pinahid sa kanyang mukha na anuman dahil natural ng maputi ang kulay niya at mapupulang labi. Hinayaan lang niya ang buhok na nakalugay. Kahit ang ganda ni Pandora ay di napapansin kung ito ang kasama dahil napapako na agad ang atensyon kay Rain. “Maganda dito ha.” Wika ni Rain habang naglalakad sila, hindi nya alintana ang mga tao sa paligid niya na nakatitig sa kanya dahil pinagsasawa pa niya ang paningin sa pagtitig sa magandang eskwelahan. Hanggang sa mapahinto ang tingin niya sa isang lalaki na nag te-take ng picture sa rebulto ng Sirena. Nakatagilid ito pero tila nakaramdam siya ng mabilis na pagtibok ng puso niya, naramdaman yata nito ang tingin niya kaya napalingon ito sa direksyon niya at ngumiti ito. Ngiting nakamamatay. Lumabas ang malalim na dimples nito. Ang gwapo niya. Si Moonlight sa sarili nang makita ang isang lalaking bumihag agad sa malandi niyang puso. Nahila na ko ni Tita pandora kaya nasira ang magical moment ko, mukhang magiging maganda ang buhay tao ko sa lalaking ‘yon. Hindi ako sumama sa loob ng office, hinayaan ko si Tita. Palinga-linga ako sa third floor baka sakaling makita ko ulit ang lalaking may killer smile, pero hindi ko na siya makita. Hindi lahat sa eskwelahan na ‘yon ay tao may mga ilan din Vampires at nararamdaman niya ‘yon, kayang kaya niyang matukoy ang isang Vampire pero malabong matukoy siya ng mga ito bilang Vampire. Nakaramdam siya ng pagkainip kay Pandora kaya tumungo siya sa loob ng office.     ** “Hindi na talaga puwede, magkakaroon lang siya ng mga failing grades kung papasok pa siya dahil late na talaga siya.” Wika ng lalaking nasa edad 50 na nakaupo ng sa mesa nito at tumatayong Dean ng eskwelahan. “Okay lang, marami kaming pambayad kahit isang daang beses siyang bumagsak, basta papasukin niyo siya ditto.” Naiiritang wika ni Pandora sa Dean. “Hanggat maari kasi ayaw namin magkaroon ng mga failing grades ang mga estudyante namin, pili ang mga nakakapasok ditto.” Paliwanag nito.  “Hindi ako bobo para magkaroon ng failing grades.” Inis na wika ni Moonlight na pumasok na ng tuluy-tuloy sa office. Tila nagulat ito sa nakita, akala mo nakakita ng anghel na bumaba, may buntot nga lang. Tumikhim ito.  “Sige pagbibigyan ko kita, pero kapag mabababa ang mga exams at quizzes mo hindi ka na magtutuloy. Next semester na.” Ang Dean na tinitignan si Moonlight mula paa hanggang ulo. Ang daming satsat papayag din pala, hindi pwedeng lumipat ako lalo pa may prospect ako na magpapasaya sa ‘kin sa eskwelahan na ‘to. Cute dimples, kahit pa malayo ito kitang kita ko na guwapo siya, kahit ang tindig niya maganda, hindi ito magpapahuli kay Vlad.  So, next kailangan ko ng friends! Human Life nga 'di ba? Ang ganda nang eskwelahan, hindi ko pinagpapansin ang mga lalaking kumakausap sa ‘kin, even small talk hindi ako interesado. Haler? They don't deserve my attention! Bago kami lumabas ng shool na ‘yon, pinuntahan ko ang kanina ay kinukuhaan ng litrato ng lalaking may killer smile. Yon yung fountain, tinignan ko may mga barya. “Para saan?” Takang tanong ni Pandora ng makita rin ang mga barya at nakita pa nila na isang babae ang naghulog ng barya na pumikit at mataimtim na nanalangin. “WISHES DO COME TRUE HERE.” Iyon ang nakasulat sa banga ng Sirena. “Halika na Rain.” Tinatawag na ko ni Tita na bahagya ng naka-layo sa ‘kin, binigyan ko pa ng huling sulyap ang sirena. Kung hihilingin ko na mapasakin si Vlad ibibigay kaya niya? Kahit punuin ko siya ng barya keri lang basta magiging akin si Vlad! I'm insane! I have my new prospect and he will be my man! Swear! “Tito Frey! Mag hanap ka ng makakatulong, okay na ang apat. Aalis muna ako La, Lo, mamimili lang ako ng gamit ko.” Si Moonlight, napaka bossy talaga nito ng lumaki. “Ikaw lang mag isa?” Tanong ni Frey.  “No, sasama ka Tito. Alangan ako magdala non lahat duhhh!” “Ano ba ang uunahin ko maghanap o sumama?” “Siyempre ang samahan ako kasi ngayon na ngayon na ‘yon naku naman tito! Let's go.” Hay anak ba talaga ‘to ni MoonShine at Master Drifher? Parang anak siya ng lola niya manang-mana! Naiiling nalang ang Lolo at Lola nya sa ugali niya. “Kaya ganyan ‘yan, lumaki sa layaw at kapag gusto bigay agad.” Wika ng Lola nito na abala na sa pag-uurong ng wala na ang apo at si Frey.  “Hayaan muna natin, pasasaan pa at matuturuan din natin ‘yan. Bakit nga ba nandito si Rain? Dati ayaw non pupunta dito inip na inip.” Takang wika ng Lolo nito na nakatayo malapit sa asawa habang humihigop ng kape. “Hindi ko rin alam, mamaya aalamin ko. Mukhang may mabigat na dahilan pero okay nga nakakatuwa at nandito siya, nakakalungkot na kasi kapag tayo na lang dalawa sa malaking bahay na to.”   **   Pag-baba ni Rain ng taxi, nakatingin agad lahat ng mga tao sa labas ng mall. Parang saglit na tumigil ang mga mundo nito para lang titigan at masipat ang kagandahan ni Rain na marahang naglalakad, hindi man lang nagpakita ni kaunting ngiti, taas noo pa na parang isang super star ang peg. Sanay na siyang tinitigan sa D.V.U palang, ano pa kaya sa lugar ng mga tao? Siyempre Diyosa na siya sa paningin ng mga ito. Kumpara sa komunidad ng mga Vampire, mas maingay ang lugar na to. “Ang ganda niya sobra!” “Para siyang diwata!” “Sobrang ganda naman niya.” Ilan sa mga comment na narinig niya, si Frey naman ay sampung hakbang ang layo dito kaka-kindat sa mga babae na kinikilig naman. Si Frey ay patuloy na sumunod-sunod kay Rain, halos ikutin nila ang buong lugar para lang mabili nito ang mga mamahaling damit na fitted at huhubog talaga ang katawan nito, bawat daanan nila talagang di mapigilang titigan ito. May mga pagkakataon na sumasagi sa isip niya si Vlad pero kailangan niyang tiisin, wala itong gusto sa kanya at kung kapatid lang ang tingin nito sa kanya hinding hindi talaga siya nito magugustuhan kahit kailan at kung hindi pa niya ‘to kakalimutan baka magpakamatay siya oras na malaman niyang mag-aasawa na ito ng iba. Matagal niyang inasam na maging sila, magkaroon ng pamilya, mataas ang pangarap ni Vlad at alam niya na kayang kaya nitong abutin ang lahat. Si Vlad ay isang ulila, walang sinuman ang nakakakilala dito ng matagpuan ito sa kagubatan ng kanilang komunidad.  Isang malaking tanong ang pagdating nito doon. Ang kumupkop dito ay ang isa sa mga kilalang mandirigma, kaya marahil dito nito nakuha ang kagustuhang makamit at maging mataas ang level na Vampire.  Mismong si Vlad ay wala ng natatandaan sa nakaraan niya noong matagpuan ito tatlong taon bago siya isilang. Si Phyrica na kasa-kasama nito ay pamangkin ng umampon dito kaya talagang naging close, maganda si Phyrica, seryoso ito sa pag-aaral kahit pa madalas niya itong sungitan ay hindi ito nagpapakita ng anumang kagaspangan ng ugali sa kanya kaya lalo siyang naiinis dahil nagmumukha siyang maldita . “Saan ka ba mag-aaral?” Tanong ni Frey ng matapos silang mamili ng napakarami at ngayon naman ay nasa bookstore sila, humahanap kasi si Rain ng libro na mapaglilibangan. “Hmmm, wala akong alam. Pero gusto ko yung pinaka-sosyal.” Sagot ni Rain na binitbit na ang limang libro papunta sa cashier. “Bumili ka na ng cellphone mo, kaysa kung ano-ano pa dinaraanan natin.” Si Frey na sandamakmak na ang dalang paperbag. “Oo nga! Nakalimutan ko tito, thanks!” Pagdating ni Tita Pandora paki balikan yung request kong Car ha.” Grabe na! Alila pala ganap ko sa batang 'to!   **   “WHITE PEARL UNIVERSITY?" Si Moonlight ng banggitin ni Frey ang eskwelahan na nababagay sa kanya. Tumangutango si Frey na nage-explore sa binili nitong sariling cellphone, dalawa pa nga para kay Pandora ang isa. Nasa Veranda sila at nagmimirienda. “Kaso malayo sa lugar na ‘to.” “It's ok may Car naman ako diba.” Pinag hanap kasi siya nito ng magandang eskwelahan at may nakita nga siyang malaking unibersidad na siguradong papasa sa gusto nito. “Sa W.P.U ka mag aaral ma’am?” Extra ng bago nilang maid na abala sa pagdidilig ng mga pananim na bulaklak malapit sa kanila. “Oh, bakit?” Si Rain. “Maganda doon Ma’am, doon nag-aral yung dati kong amo ko kaso nag-dorm na siya.” “Dorm?” “Opo ma’am, madalas nag dodorm ang mga estudyante doon.” “Mag do-dorm ako.” Si Moonlight na gustong makiuso. “HINDI PWEDE!” Sabay na wika ni Frey at Pandora. Naroon na pala si Pandora kararating lang at naglalakad palapit sa kanila. Sumimangot si Moonlight. “Hi Tita!” masiglang bati ni Rain dito. “Ngiting-ngiti ka ah, pati kami naging tao na ngayon dahil sayo” ani Pandora.  “Hmp! Samahan mo ko mag enroll ha? Ayoko ng kasama si Tito Frey ang reklamador niya sobra nakakainis, hmp!” Nilingon pa ni Moonlight si Frey at inirapan. “Ano? Pandy, pigilan mo ko natutuyuan na ko ng dugo sa batang to!” Si Frey na tinataasan na ng presyon kay Moonlight. “O.A mo umalis ka nga diyan ng makaupo ako.” Si Pandora kay Frey, isa rin si Pandora sa kumukunsinti kay Moonlight kaya nagagaya ang mga ugali.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD