Habang umiiyak si Moonlight sa loob ng kuwarto nito naka-tayo si Drifher at nagbabantay sa pintuan ng kuwarto ng anak, nag-aalala siya dito. Hinila ni Frey ang isang mahabang upuan malapit sa kuwarto ni Moonlight.
“Upo ka master oh.” Sabi nito kay Driefher na nakatayo malapit sa nakasaradong pintuan ni Moonlight.
Nauna ng umupo si Frey na may hawak hawak na bowl na may lamang cookies. Naupo naman si Drifher ng makarinig sila ng may nabasag.
“Isa.” Sabi ni Frey na binibilang ang nababasag sa kuwarto ni Moonlight, bata pa lang ito ay nagbabasag na kapag nagagalit.
Kumuha naman si Drifher ng Cookies na kinakain ni Frey, saka kinagat. Napasimangot ito.
“Dalawa, tatlo!” Sabi ni Frey na talagang binibilang ang pagbabasag ni Moonlight at tila ba sarap na sarap pa sa kinakain nitong cookies.
“Anong meron?” Si MoonShine na nakiupo sa gitna ng dalawa.
“Ayon broken hearted ang anak mo at binabasag na ang lahat.” sagot ni Drifher sa asawa at nginitian pa ito. Kahit ilang taon na silang mag-asawa parang lagi parin silang bago.
“Ha?!” gulat na bulalas ni Moonshine. Akmang tatayo na ito para puntahan ang anak nang hawakan ito sa braso ni Drifher para pigilan.
“Hayaan mo muna, mas gusto niyang mapag-isa.” Ani Drifher.
Hindi na tumayo si Moonshine kahit pa nag-aalala siya sa anak alam naman niyang malakas ito pagdating sa mga problema, baka mas maramdaman lang nito ang sakit kung kakausapin pa niya, kusa naman itong magsasalita.
Kumuha nalang siya ng cookies kay Frey.
Pagkagat ni Moonshine sa cookies, dumilim ang mukha nito.
“Tila sarap na sarap kayo wala naman pa lang lasa.” Si Moonshine na pinilit na lang kainin ang maliit na natira sa kinagat na cookies.
“Oh? kala ko sira lang panlasa ko, kasi tignan mo si Frey sarap na sarap kaya naki-join na ‘ko.” Si Drifher kay Moonshine.
Ngumiti ng alanganin si Frey.
“Kanino mo ba nakuha yan?” Takang tanong ni Moonshine dito.
Inginuso ni Frey ang diretsong direksyon, sabay napatingin ang mag-asawa sa inginuso ni Frey.
Nakatayo doon si Pandora na tila naiinis at kuyom na kuyom ang mga palad dahil malamang sa malamang narinig nito ang panlalait nila sa cookies.
Sabay napalunok ang mag asawa.
“Sabi ko kasi sa ‘yo Drifher matuto kang mag toothbrush ang sarap sarap kaya, pahingi pa nga.” si Moonshine na alanganin na, ang taray pa naman ni Pandora baka sabunutan siya nito at iumpog sa pader.
“Ako pa sinisi mo ikaw lang may sabi ng walang lasa sarap na sarap nga kami ni Frey.” Si Drifher na natatawa sa nangyayari.
“Pandy, wait!” Tawag ni Frey ng makitang papaalis na si Pandora, hinabol niya ito. Nagkangitian silang mag asawa at binantayan na labg sa labas ang anak nilang nagbabasag.
“Okay lang kaya si Moonlight?” Si Moonshine na hindi na napigil tumayo at itutulak ang pintuan, hinayaan na ito ni Drifher baka nga mas kailangan ito ng anak nila.
Itinulak ni Moonshine ang pintuan, sa tagal nilang naninirahan ni Drifher sa kastilyo naging madali narin sa kanya na buksan ang mabigat na pintuan. Agad din namang sumara ang pintuan pagkapasok niya, nakita niya ang mga basag basag na mga gamit nito pati ang bedsheet nito tila napagtripan ihagis kasama ang unan, habang ito patuloy na umiiyak at nakaupo sa lapag ng kama nakatalikod ito kaya maaaring hindi siya napansin.
“Anak, Moonlight.” Napatingin ito sa direksyon niya at nakaramdam siya ng kirot ng makita ang namamaga nitong mga mata, naranasan din niyang masaktan noon at alam niya gaano ‘yon kasakit. Hindi napigil ni Moonshine na lapitan ito agad kahit pa nagkalat ang mga basag na gamit nito.
Niyakap niya ito, niyakap din siya nito.
“Mommy! ang sakit ng nararamdaman ko sobra.” Humihikbing sabi ni Moonlight.
“Ganyan talaga anak, baka may iba kasing nakalaan sa ‘yo” Mahinahong wika ni Moonshine na hinahaplos ang buhok nito.
“Mommy ayoko na dito, gusto ko na muna kila Lola ang sakit sakit ayoko pati siyang makita sinaktan niya ko ng sobra”
“Ha? pero anak, hindi papayag ang granny at daddy mo, mapanganib para sa ‘yo ang lugar na ‘yon.”
“So hahayaan niyo nalang akong nasasaktan?” Lalo lang nag tuloy-tuloy ang mga luha nito. Huminga ng malalim si Moonshine.
“Gaano ka katagal don? Para naman masabi namin sa school mo kailan ka babalik. ” Si Moonshine na hinahaplos ang buhok nito, lumaki talagang medyo abusada ‘tong anak niya.
“Ayoko nang bumalik doon, sa mundo ng mga tao nalang ako mag-aaral.” Desididong wika ni Moonlight. Masasaktan lang kasi siya ng husto kung hahayaan niya ang sarili na makita pa si Vlad.
“Please Mommy? Baka mabaliw lang ako dito, gusto ko ng tanggalin siya sa puso ko pero parang ang hirap hirap lalo kapag nakita ko pa siya ulit.” Lalo pa siyang umiyak para makumbinsi ang Ina.
“Sige na, doon ka na muna magpahinga sa kwarto namin ng Daddy mo lilinisin muna ‘tong kwarto mo, tapos pag-uusapan natin yan mamaya ha?" Si Moonshine sa anak, as usual nanalo na naman ito at tingin nga niya mas makakabuti ‘yon.
“Please Mommy?” Nakikiusap ang mga mata nito, hindi na naka-angal si Moonshine at tumango.
**
Sa hapag habang kumakain na parang normal ang pamilya ng mga Pureblood na kinabibilangan nila Drifher, Priscilla at Moonshine. Nagtaka silang tatlo ng makita ang mga maletang dala-dala ni Frey pababa.
“Agad-agad Moonlight?!” Gulat na bulalas ni Moonshine ng makita ang maleta nitong naka-ayos na at ibinababa na ni Frey mula sa kuwarto ni Moonlight.
Ang naghihintay sa hapag na si Drifher at Granny Priscilla nito ay nabigla din sa mga gamit na ibinababa.
“Anong nangyayari?” Tanong ni Priscilla sa apo na pababa, nangunot ang makinis na noo ni Priscilla habang minamasdan itong bumababa.
“I want to live like a normal human, I’m not belong here anymore Granny” Si Moonlight nang makababa na ng hagdanan, posturang-postura ito at talagang sa ugali nito maiisip agad na ito ang papalit sa pagka-banidosa ng lola nitong si Priscilla, dahil si Moonshine ay simple lang at hindi ganito katigas ang ulo noon.
“Tito Frey, let's go! Ihatid mo na ‘ko kila Lola.” Sigaw ni Moonlight kay Frey.
“Moonlight!” Madiing wika ni Moonshine na napatayo sa pagkakaupo at nilapitan ang anak.
“Pumayag ka na Mommy, babalik din ako.” Si Moonlight na walang balak magpapigil.
“Princess, hindi ka puwede doon.” Si Priscilla na tumayo na din, nanatili parin itong bata sa kabila ng edad nito.
“Lola, please! Tito Frey ang tagal!” Reklamo ni MoonLight kay Frey na nakatunganga lang sa kanila. Hindi kasi nito malaman kung ihahatid o hindi si Moonlight.
“May bukas pa naman Moonlight, gabing-gabi na sa mga Lola mo para pumunta ka pa.” Seryosong sabi ni Drifher.
“Hmp! I want to go now!” Si Moonlight na hindi makasigaw kahit gusto niyang isigaw ‘yon kasi naman natatakot siya sa daddy niya.
Ang tigas talaga ng ulo nito.
“So, I need money, expensive car and latest cellphone model!” Si Moonlight sa tatlo.
“Tito Frey!” Lumapit na si Frey, tumingin ito palipat-lipat kay Moonshine at Priscilla pati kay Drifher na hindi nag-abalang makitayo sa dalawang babae.
“Frey bantayan mo ‘yang si Moonlight doon.” Si Drifher na napapailing nalang sa tigas ng ulo nito, sana nga naging lalaki nalang si Moonlight ng nauupakan niya.
“Ha?!” Gulat na tugon ni Frey.
“Isama mo na si Pandora para masaya” Nakangising sabi ni Drifher na kumain ng magisa. Nangiti naman ng husto si Frey.
Exciting 'to. Sa isip isip ni Frey.
“Pasusunurin ko na lang si Pandora.” wika ni Priscilla na kahit ito ay sinusukuan ang pagiging mapilit ng apo.
Pakiramdam naman ni Moonshine ay binabarena ang ulo niya sa sobrang tigas ng ulo ni Moonlight.
**
Nakarating sila sa Mansion ng Lolo at Lola niya. Mansion na. 5 years ago ng maisipan nila Moonshine at Drifher na ipaayos ang bahay kahit pa tumanggi ang dalawang matanda.
“Lo! La!” Malakas na sigaw ni Moonlight.
“Moonlight puwede naman mag-doorbell.” Pinindot ni Frey ang button na nakita.
“Hmp! Gusto ko patawag, bakit ba tito Frey.”
Lumabas naman ang Lola niya na tila sinisipat pa kung sino ang naroon.
“La! Si Moonlight ‘to!” ngiting-ngiting kaway ni Moonlight sa lola na tila nagulat.
“Moonlight?!” Mabilis itong lumapit at binukas ang gate.
“Tito Frey, let's go inside!”
Tito, tito pa tong batang to inalila lang naman ako.
“Tito Frey you’re so tagal!” Si Moonlight na naka-akbay na sa Lola nito papasok.
**
“Anong oras na apo bakit ngayon oras ka pa pumunta?” Wika ng Lola nito ng maka-upo sila sa sofa, nanatili naman si Frey na nakatayo at iniikot ang paningin.
“Dito po ako mag-aaral, okay po Lola?”
“Ha?” Halatang nagulat ito, paparating naman ang lolo nito na pababa ng hagdanan at nagulat ng makita siya.
“Hi Lo!"
“Nagtanan ba kayong dalawa?”
“Ho?!” Sabay na tugon ni Moonlight at Frey.
“Bakit ka ba sumugod ng ganitong oras?” Pag iiba ng lola niya.
“La, Lo. Bukas na lang. Gusto ko na matulog! Bukas mag mall ako para naman maangkop ang pananamit ‘ko at mga gamit na din pag-pasok ko sa school.”
"Tito Frey, paki akyat na yang mga gamit ko.”
“Yes madam!”
“Pasensya na ho sa istorbo may dinaramdam lang yan.” Bulong ni Frey sa lola nito na nakaupo pa din samantalang si Moonlight ay paakyat na.
**
Tatlong oras na siyang nakahiga pero hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Vlad, mahirap pala talaga masaktan.
Naiiyak na naman siya, hindi niya kasi talaga matanggap.
“Rain, Rain! Kalimutan mo muna siya. Human ka ngayon, human.” Pagkukumbinsi niya sa sarili.
“Hay! Ang tagal ko siyang inalagaan sa puso ko tapos sasaktan niya lang ako ng ganito? Mas nagandahan ba siya don sa teacher na yon?! Dapat di nalang kami sabay lumaki baka hindi pa naging kapatid ang tingin niya sa ‘kin! Magsisisi ka Vlad!”
“Pero namimiss ko siya.”
“Gusto ko na ulit bumalik sa kastilyo.”
“No! No! pigilin mo ang sarili mo Rain Moonlight Draven!”
“Hindi na muna kayo dapat magkita hanggat hindi ka pa nakaka-move on sa kanya!”
“Ang ganda ganda mong tanga!”
Minasdan niya ang kwarto niya, ibang iba yon kaysa sa kastilyo na kinalakhan nya. Maganda pero may mga disenyo na talagang malayo ang pagkakaiba.
“Totoo ba to? Magiging tao ako?”
“Matagalan ko kaya?” Nangiti siya ng may maisip
“Tama, may mga alam ako sa pag-gamit ng tubig at apoy paglalaruan ko sila kapag nainis ako.”
“Ie-enjoy ko muna ang sarili ko.”
“Malayo…”
“Malayo…”
“Malayo kay Vlad!”
“Ang assuming mo kasi Rain ayan tuloy nasaktan ka!” Ilang beses pa niyang kinausap ang sarili saka nakatulog.
Unang pag ibig, Unang pagka sawi.
May pag-ibig kaya siyang matagpuan sa pagiging tao o mananatiling si Vlad pa din ang lalamanin ng puso nya? Ang napakatanga niyang puso! Mahal na mahal niya si Vlad pero inaatake siya ng pride kaya naman gusto niyang magalit dito, ang tanga nitong tanggihan ang kagandahan niya!