Sa buong araw na ‘yon kung kailan dumating ang hinihinalang bagong transferee naging usap-usapan na ito, wala naman kasi talagang makalalait sa pisikal nitong anyo dahil talagang napakaganda nito na para bang isang manyikang buhay.
Nagkaroon din ng pangamba ang mga campus crush na babae dahil nga stand-out ang itsura ng babaeng maaring sumira sa mga kasikatan ng mga ito, nagiging ligawin kasi talaga ang mga bagong salta idagdag pa na maganda kasi talaga siya at bawat lakad niya ay napapatitig talaga sa kanya lahat kahit ang mga kababaihan na i-insecure pero deep inside naman talaga napapahanga sila nito.
**
Nakaupo sa isang side ng library si Andrew at sinisipat ang mga larawan na kinuhaan niya na maaring magamit niya sa school newspaper.
Andrew Del Castillo
18 yeas old
Second year college “BS, Biology”
Campus Crush
Single
School Newspaper “Editor “
School DJ
Nangiti siya ng makita ang naka-side view na babae sa fountain, ito ang usap-usapan ngayon. Wala namang bago sa eskwelahan nila kapag may maganda o guwapo na bagong dating. Inayos na niya ang mga larawan dahil mag ta-time na para sa first class nya.
Kapag may bumabati sa kanya ay nginingitian niya, nagkaroon siya ng past relationship pero wala pa talagang tumatagal pero never siyang nauna makipag-break. Ito ang mga nakikipag-hiwalay sa kanya dahil daw busy siya at walang time, hindi siya ang tipo ng lalaking maghahabol kahit pa magaganda ang mga ito, kapag hiniwalayan siya at nakipag-balikan pa wala ng way para tanggapin pa niya ulit sa buhay niya.
Nag do-dorm siya, gusto niya lang, dahil nag-eenjoy siya sa pagiging Dj sa gabi, na sa ibang bansa ang dad niya kaya naman wala rin siyang kasama sa bahay nila kaya mas pinili niyang mag-dorm, pumanaw na rin ang kanyang Ina.
“Andrew!” awtomatikong napalingon si Andrew sa pinagmulan ng boses, pagka- labas niya ng library na naka-base sa fourth floor.
“Hi, magpapasa na ko ng mga napiling poem ha?” Si Janneth, isa sa member ng newspaper team, madalas itong nakatirintas ng isa at may salamin. Pero hindi naman ito mukhang nerd, cute nga ito.
Sinabayan siya nito sa paglalakad dahil classmate naman sila ngayon, sa third floor din ang klase nila kaya hindi nila kailangan magmadali.
“May airing ka mamaya?” Tanong ni Janneth na ang tinutukoy ay ang pagiging Dj ni Andrew pag-gabi.
“Baka wala busy ako mamaya.” Matipid ngunit nakangiti namang tugon ni Andrew.
Pababa na sila ng hagdanan, pababa ng third floor, kada nalang may masasalubong silang mga babae ay nag ha “hi” dito hindi naman kasi ito snob dahil ngumingiti ito o gumaganti ng hi.
“Nabalitaan mo yung tinatawag nilang Aphrodite?” si Janeth na tinignan si Andrew tinitignan niya kung tulad ‘to ng iba na interesado talaga pagdating sa babae.
“Oo, nakita ko pa nga siya.” Naka-ngiting sagot ni Andrew dito.
**
“Nami-miss ko na naman si Vlad, gusto ko na ulit siyang Makita.” Nangalumbaba siya sa mesa nila habang umiinom ng tea.
Ang tita at tito niya ay nasa garden kausap ang Lolo at Lola niya, inaaya siya ng mga ito pero tinatamad siyang maglakad.
Biglang pumasok sa isip niya yung lalaking nag te-take ng picture sa fountain, ang ngiti nito na nakakatunaw ng puso.
“Hindi naman puwedeng mag stock na lang ako kay Vlad, kapatid lang ako para sa kanya.”
“Kailangan ko rin ng new inspiration.”
“Para naman mabura ko na siya kahit pa-paano sa isipan ko at maging normal na ulit ang buhay ko, pero mukhang matatagalan.”
Iniangat niya ang tasa at hinigop iyon. Naninibago pa siyang mabuhay sa mundo ng mga tao, hindi kasi siya nasanay dito.
“May iniisip ka?” Ang Lola niya na nasa likuran na pala niya.
“Wala Lola, nandiyan ka po pala.”
Humila ng upuan sa tapat ni Moonlight ang Lola niya at naupo doon.
“Mag-iingat ka ha, dito maraming magkakagusto sa ‘yo kung sino-sino, kung balak mong magmahal ng isang tao dapat ay kilalanin mo muna siyang mabuti.” Ginagap ng lola niya ang mga kamay niya saka siya nginitian, nangiti rin siya, ibang-iba talaga ang Lolo at Lola niya bakas na rin ang katandaan ng mga ito, ang Granny Priscilla kasi niya batang bata ang itsura paano Vampire kaya naman parang tita lang niya to.
Hindi naman siguro ganoon kahirap mag-adopt sa bagong lugar niya. Narito ang mga Lolo at Lola niya na matagal niyang hindi nakasama. Sigurado naman siya na dadalawin siya ng mga magulang niya at ng Granny Priscilla niya, narito siya hindi lang para i-mend ang pagiging broken hearted niya kundi para na rin siguro maranasan niya ang kalahating katauhan niya, dahil nanalaytay pa rin sa dugo niya ang pagiging isang tao.
May pagkakataon siguro na mangungulila siya sa pamilyang nakalakihan pero hindi niya talaga kayang makita pa si Vlad. Sa ngayon, sobra siyang nasasaktan baka pag bumalik siya magpaka-tanga siya at magkunwari na wala siyang kahit anong narinig.
“Bukas papasok ka na, nakakatuwa na nadito ka kasama namin.” Binigyan siya ng Lola niya ng ngiti na nagbigay sa kanya ng kakaibang saya, welcome na welcome kasi siya kahit pa medyo masama ang ugali nya, aminado naman kasi siya dahil sa kastilyo lahat hanggang sa pagpeprepara ng pampaligo niya ay inihahain pa sa kanya.
“Kung sakali man na mapagalitan ka namin ditto o masaway wag mong iisipin na puro mali ang ginagawa mo gusto lang namin na mas maging maayos ka, gagabayan ka namin. Alam namin na hindi mo gamay ang lugar na to para maging tirahan pero pasasaan pa at masasanay kadin.”
Nakaramdam si Moonlight ng pagtapik sa kanyang balikat, nalingunan niya ang Lolo niya na naka-ngiti. Kapag ganitong mas nararamdaman niya na pinahahalagahan siya mas lalong gusto niyang tumigil sa lugar na ‘to at bakit nga ba hindi niya subukin ang maging tao, paano nga kung isang tao ang para sa kanya.
Pero may isang bagay ang kinatatakutan niya kapag dumating nga ang oras na maging tao siya, iyon ang kabatirang tatanda ito at mamatay ng mas maaga sa kanya. Hindi siya handa sa bagay na ‘yon kaya para sa kanya si Vlad lang ang gusto niya kahit pa tutol naman talaga dito ang Daddy niya pero hindi nito iyon sinasabi, sadya lang narinig niya. Marahil ay gusto nitong maging masaya siya, ‘yon nga lang si Vlad mismo ang ayaw sa kanya.
Tutol si Drifher ang daddy niya dito dahil nga sa biglang pagdating ni Vlad sa lugar na yon walang ala-ala at ang hindi magawa ni Drifher na basahin ang isip nito na lubhang nakapagtataka para sa isang pang-karaniwang Vampire lang, may kakayahan ang kanyang ama na bumasa ng isip sa pamamagitan ng pagtingin sa mata nito kaya naman ng matuklasan na hindi nababasa ang isipan ni Vlad nagkakaroon ng palaisipan ang ama sa pinagmulan nito.
**
“Tingin ko mas maganda talaga na nandito si Moonlight.” Ani Frey na nakahiga sa damuhan sa garden at matamang nakatitig sa sinag ng kalahating buwan.
“Tama ka, mas mabuti na nalayo na siya kay Vlad.” Ani Pandora na nakaupo naman at yakap-yakap ang mga binti at nakatingala din sa buwan.
“Mabuting Vampire naman si Vlad pero tama kasi sila may kakaiba sa kanya, at ang marka sa likuran nya hanggang ngayon ay hindi matukoy ang ibig sabihin ng simbolismo na ‘yon.” Seryosong wika ni Frey.
Hindi na sumagot si Pandora, kahit kasi siya ay hindi pa rin matuklasan ang simbolismo na nasa likuran ni Vlad, ang alam nila ang pagkakaroon ng simbolismo ay nabibilang sa mataas na ranggo ng Vampire's Community at hindi nila maikakaila na talagang malakas si Vlad kaya pinangangalagaan itong mabuti para hasain at maging isang magiting na mamumuno ng isang hukbo ng Vampire Knights.
“Tingin mo ba mapanganib talaga si Vlad? Bata pa lamang ito ay na sa lugar na natin, lumaki silang magkasama ni Moonlight.” Ani Pandora.
“Sa ngayon hindi siya mapanganib, hanggat hindi bumabalik ang ala-ala nya sa pinagmulan nya mananatiling isang malaking tanong ang buhay na meron sya noon. Isa pa, isang mata lang niya ang nagkukulay pula.” Si Frey na nasa balintanaw ang mata ni Vlad, bakit nga kaya isa lang ang mata nitong nagpupula kapag nauuhaw sa dugo?
Batid ni Moonlight ang mga narinig, pasimple siyang lumayo sa mga ito na nanatili sa seryosong pag-uusap.
Ang pag-pula ng isang mata ni Vlad ay hindi normal. Sa tuwing mangyayari iyon pinaalis siya nito o ito ang aalis sa tabi niya at sa mga oras na ‘yon nakakaramdam siya ng takot dito dahil madalas iyon mangyari kapag kabilugan ng buwan.
May ilang pagsu-sulit din siya na mismong si Vlad ang tumulong sa kanya ng walang nakaka-pansin, nabatid iyon ng Daddy niya dahil sa kanya, siya ang nagpapahamak dito. Minsan naiisip niya na kaya hinayaan ng mga ito na mapalapit siya kay Vlad dahil hindi kaya ng Daddy niya na pasukin ang isipan nito kaya sa kanya ito kumukuha ng mga impormasyon.
Nakagat niya ang pang ibabang labi, mabilis siyang umakyat sa kuwarto niya. Siya ang sisira sa buhay ni Vlad, siya ang magpapahamak dito kaya mas kailangan niya itong kalimutan.
**
Pag-pasok ni Moonlight sa W.P.U naka-uniform na siya, naka-lugay ang mahahaba niyang buhok na isinasayaw ng hangin, maraming napapa-tingin sa kanya pero may hinahanap ang mata niya.
Pero nabigo siyang matagpuan iyon.
“Hi miss! I’m Renan.” Nilahad ng nagpakilalang Renan ang kamay nito sa kanya na sa katapat sila ng fountain kung saan inaasahan niyang makikita ang lalaking gusto niyang maging kanya, alangan naman kasi pumili siya ng di papantay sa level ni Vlad.
Tinignan niya ang palad nito, diretso sa mukha at inirapan ito.
Nilagpasan niya ito, narinig niyang kinan-tyawan ito ng mga kasama nitong mga lalaki na hindi siya nag-abalang bilangin.
Muli ay iniangat niya ang papel na sinasabing map daw ng school para madali niyang mahanap ang mga rooms nya, ibinigay iyon sa kanya ng Tita Pandora niya kanina, mula daw iyon sa administration.
Malaki ang eskwelahan, malinis at talagang pang-mayaman.
Na sa 12th Floor ang eskwelahan na ‘yon. Base sa Map, may elevator sa ground floor. May pailan-ilang naglalakas loob na magpakilala sa kanya pero hindi niya pinansin, wala siyang pakialam sa mga ito. Pag-kadating niya sa loob ng building ay nakita nga niya ang elevator na sinasabi sa mapa. May naka-sabay siyang dalawang babae pag-pasok ng elevator,
“Hi! I'm Jerzel. Ang ganda mo naman.” Tila hangang-hanga ito sa kanya.
Mataray niya ‘tong tinitigan pati ang kasama nito na nakangiti ng alanganin sa nakitang reaksyon sa mukha niya.
“Biology din kami at second year kaya mukhang pareho lang tayo ng papasukan.”
Alanganin ang ngiting wika ng kasama nung Jerzel. May course tag kasi sila kaya agad nalaman ng mga ito.
“I'm Rain.”
Nginitian ito ni Moonlight. Nangiti naman ang dalawang babae, akala nila susungitan sila nito kahanga-hanga kasi ang ganda nito kaya naman nakaka-proud sigurong maging kaibigan ‘to.
“Ako si Dale.” Wika ng kasama nitong babae.
Si Jerzel, maiksi ang buhok, maputi kamukha ni Audrey sa “100 year Legacy”.
Si Dale naman ay mahaba ang straight na straight na buhok nito na tila ang lambot-lambot. Maganda ito at maputi hindi magpapahuli ang height nito sa kanya. Nasa 5'5 kasi ang mga ito.
Nakarating na sila sa 3rd Floor.
“Ang ganda nga talaga niya.” Bulong ni Jerzel kay Dale na parehong na sa likuran ng palinga-lingang si Rain at tinitignan ang mga room #.
Napahinto siya sa ikalimang room.
“Dito ka din? Sabi sa ‘yo magkaka-klase tayo.” Tuwang-tuwang wika ni Dale na hinawakan siya sa braso.
Napa-angat ang kilay niya kaya agad itong bumitiw. Inayos niya ang nalukot na Uniform.
Pag-pasok nila sa Room agad nagtinginan ang kanina lamang ay napaka-ingay na room dahil wala pang Professor.
Napako lahat ang atensyon sa kanya. Humanap siya ng upuan na malapit sa bintana. Nakakita naman siya, upuan na ikalawa sa dulo. Napansin niya na dalawa lang ang lalaki sa grupo na yon at puro babae.
“Miss may naka-upo na kasi diyan.” Maarteng wika ng babae sa likuran niya ng makaupo siya, ang mga tao naman ay nanatiling nakatitig sa kanya. Lumingon siya sa likuran at tinitigan ito.
“Tinatanong ko ba ang opinyon mo.” Aniya saka itinaas ang kaliwang kilay at umayos na ng upo.
Bahagyang nagulat ang mga tao, mukhang anghel kasi hindi mo aakalaing magsasalita ng ganoon at talagang mataray ang pagkakabitaw nito ng salita.
“Ano bang pinagmamalaki mo ha!” Tumayo ito at lumigid sa harapan niya at dinuro siya.
“Transferee ka lang dito at ang upuan na ‘yan ay kay Andrew.” Tumango-tango ang mga babae pang nakapaligid sa kanya na nagmamaldita ang mga itsura.
“Wag mo ‘kong duruin!” Tinabig niya ang kamay nito.
“Alam mo miss mukha kang meat balls, Get out of my sight okay?” Walang anumang wika ni Rain saka isinabit ang bag sa likuran ng upuan ng kaklase nito na nasa unahan.
Sa pagkaka-banggit pa lang niya ng Meat balls nagtawanan na ang mga tao kaya lalong namula sa galit ang babae.
“Hayaan mo na siya Kyna.”
Baritono at magandang boses sa likuran nito.
Kumabog ang puso ni Moonlight ng makita ang lalaking nagsalita, hindi siya maaring magkamali ito ang lalaki na may killer smile.
Nakarinig sila ng malakas na hampas sa board kaya nag-pulasan ang mga estudyante at naupo ng maayos. Naroon na ang Professor nila na si Mrs. Edistro sa subject na “Basic Organic Chemistry”. Matapang ang itsura nito kahit maliit lang ito. Nakatungtong ito sa flatform kaya kitang-kita silang lahat.
Si Andrew naman ay umupo sa unahan na nag-iisang available seat, nakalapit na nito ang mga kapwa nito lalaki kaya naman nagngitngit ang mga kababaihan na nakipagbalyahan pa noon para lang makalapit si Andrew.
Bahagyang nawala ang tingin niya kay Andrew ng tawagin ng Teacher ang pangalan niya.
“Rain Moonlight Draven?”
Itinaas niya ang kamay, sinuri siya nito at napangiti.
Sa buong klase nagda-drawing lang siya ng mga bulaklak sa notebook niya, wala pa siya sa mood makinig. Minsan sinusulyapan niya si Andrew na madalas kausap at nakikipagngitian sa lalaking katabi nito na para bang tuwang-tuwa sa pinag-uusapan.
“Ang hilig niyang ngumiti.” nangiti din si Moonlight.
Analytic Geometry and Calculus ang next subject nila. Pero may vacant na 30 minutes. Nilapitan agad siya ni Jezrel at Dale.
“Nagugutom ka ba? Gusto mo ibili ka na lang naming?” Ani Jezrel.
Nangalumbaba si MoonLight at nag-isip, tinatamad nga siyang umalis sa lugar na yon.
“Sige.” Aniya na bubuksan ang bag at kinuha ang Wallet.
Pagbukas nyia ng wallet ay nagulat ang mga ito sa dami ng pera niya, hindi lang pala siya maganda at mukhang mayaman dahil talagang mayaman ito.