Chapter 1
“HAPPY 17TH ANNIVERSARRY MOMMY DADDY!” Masayang bati ko sa mga magulang ko.
By the way I’m Rain Moonlight Draven, 18 years old. Prinsesa ng Vampire Community, nag-iisang anak ng The Last pureblood Vampire na si Drifher Draven, siyempre ngayon hindi na siya last dalawa na kami.
I'm studying at Draven's Vampire Univeristy, na sa loob ito ng sarili naming mundo hiwalay sa mga tao. Ang daddy ko ang Hari sa mundong ito at siyempre bilang isang hari nakatira kami sa isang kastilyo at ako ang pinakamaganda sa buong Vampires community. I'm not joking. Obviously, kami rin ang may-ari ng University "DRAVEN".
My Granny Priscilla tells me na maihahalintulad ako kay Aphrodite, but I believe I'm more beautiful than her. I don't know if Aphrodite really exist or she's a fictional character, whatever I just believe that I'm the most.
Nag-aaral kami katulad ng mga normal na tao, kasama sa curriculum namin ang pagtuturo ng tamang pagkontrol ng mga kakayahan namin bilang bampira, sa graduation day namin malalaman kung anong level ng Vampire kami nabibilang.
Simula ng magpakasal si daddy at mommy, nagkaroon ng Law na bawal pumatay ng tao kapag sinisipsipan ng dugo. Mapaparusahan ang lalabag, ipapakain sa mga Lycantrophe (Werewolf) o kaya ay bibitayin. Ganoon katindi ang batas, walang dapat lumabag dahil ang utos ng hari ay hindi dapat mabali.
Walang bagay na hindi ko makukuha kung gugustuhin ko, walang makakaapi sa ‘kin dahil babasagin ko ang mukha nila! Sabi nila maldita ako at may mga nagsasabi din na dahil pureblood ako kaya ganito ako umakto, inggit lang sila kasi hindi sila pureblood!
I'm here in our castle with my human grandparents, when it comes to them I try my best to look like an angel where in fact I’m their daredevil granddaughter.
Spoiled brat! pero MA-GAN-DA ako!
Selfish! pero MA-GAN-DA ako!
Medyo matangkad ako mana kay Daddy! 5'7 in height. Brown wavy hair, pinkish skin, heartshape-like face, perfect nose, with pair of emerald eyes in short MA-GAN-DA-A-KO!
Definitely, I'm perfect!
**
After some chikahan sa kanila at konting pa-sosyal nagtungo na ako sa likuran ng kastilyo sa hardin, may tugtugan na sa loob kaya naman talagang nagkakasayahan na ang lahat.
Im waiting for someone…
My one and only Vlad, the love of my Life.
Nangingibabaw ang kagwapuhan niya sa lahat kaya nga mas tumitindi ang pag-ibig ko sa kanya. Hindi lang iyon, pagdating sa lakas magaling talaga siya. Nangunguna siya sa palakasan at matalino din. Hindi pa man kami nakapagtatapos sinasabi na ni Tito Frey na mapapabilang si Vlad sa Level B na maaring mag lead sa isang hukbo ng Vampire Knight someday, maraming humahanga sa kanya bukod sa ‘kin, maraming gustong kumuha ng atensyon nya kaya naman nagagalit ako sa mga Vampires na gusto siya, mga echusera mukha naman mga froglets!
I'm confident na magiging kami.
Sure na sure ako na ako lang naman ang pinakamaganda at mas deserving sa kanya, I'm the Pureblood Princess sino ba naman ang tatanggi doon? Siyempre ang magiging asawa ko ang magiging Hari kung hindi magkakaroon ng anak na lalaki si Daddy.
Natatanaw ko na agad siya, paparating na siya kahit nasa malayo siya alam ko ang built-in ng katawan niya. Bahagya kong inayos ang buhok ko at ngumiti ng mahinhin, masyado kasi akong ngiting-ngiti dapat di naman ako magmukhang obvious na hinihintay ko siya. Napasimangot ako, kasama na naman kasi niya yung classmate/ bestfriend na mang-aagaw na babaeng si Phyrica.
“May hinihintay ka ba princess?” Nakangiting sabi sakin ni Vlad ng makalapit sila sa ‘kin, nginitian naman ako ni Phyrica pero di ko siya nginitian duh! Hindi ako plastic no.Tama ba kasi na mag bestfriend ang lalaki at babae? Kung alam ko lang, may motibo si Phyrica sa Vlad ko.
“I'm waiting for you!” ngiting sabi ko, pinarinig ko talaga kay Phyrica na si Vlad ang hinihintay ko.
Yung totoo? Pinapakita ko na talagang gustong gusto ko siya ewan ba bakit ang tagal nyang ma-feel. Manhid!
“Alis muna ako ha, may hinahanap din ako.” Sabi ni Phyrica, thanks naman at napansin niyang istorbo sya.
Nginitian ako ni Vlad, serious type ito, very committed kapag may mission, kahit nag-aaral pa si Vlad naka ready na ito bilang General ng isang grupo ng mga Vampire na nakikipag laban para sa safety ng Castle at ibang human if ever na hinaharm sila ng isang Vampire.
Sabay kaming pumasok sa loob ng kastilyo.
Nakangiti si Lola Priscilla sa akin pati si Daddy. Alam kasi nila ang nararamdaman ko para kay Vlad, matagal ko na siyang gusto, halos sabay kaming lumaki at siya ang tumayong knight in shining armor ko.
Si mommy ay busy sa kuwarto kausap sila lolo at lola na matagal ding hindi nagkita, mamaya lang bababa nadin ang mga iyon. Medyo maselan kasi ang pagbubuntis ni mommy ngayon.
May sayawan ng mga oras na 'yon dahil nga anniversary ng mga magulang ko.
“Can I dance with you My Princess? Paganda ka ng paganda hindi na ba titigil ang pag ganda mo?” Wika ni Vlad na nakangiti na nagpakilig sa ‘kin, sabi na gusto nya din ako bakit kasi ayaw pang sabihin ready na nga ako mag ala Julieth sakaling tutulan kami ng lahat.
“Hindi naman ako tatanggi.” Sabi ko sa kanya na ngiting ngiti din, wala akong pakialam kung anong isipin niya basta feel ko the feeling is mutual.
Buong gabi kaming magkasama, nagtatawanan, sa kanya lang ako tumatawa ng ganito. Marami na sigurong naiinis sa pagiging taklesa ko, maarte at kung ano-ano pang negative comments pero wala akong magagawa this is Me.
Madalas pagalitan ako ni Mommy, pero todo support naman sa mga ginagawa ko si Granny kaya minsan hindi ko mapigilang mainis kay mommy. Si Granny talaga ang kakampi ko, si Daddy naman ngingiti lang iyon pero kapag si mommy nagsalita hindi na ‘yon aapila.
Hindi ko na feel na tao ako.
Dito ako lumaki kasama ang mga Vampires, nabuhay kagaya ng mga Vampires, pero may pagkakataon na pumupunta kami sa lugar ng mga tao para dalawin sila Lola at Lolo.
I don't want to live like a human, I want to live like this, where everyone see me as a Princess and respect me as a Pureblood.
This is the place where I belong.
Wala naman akong problema sa parents ko they both love each other so much, may pagka selosa lang si mommy sa guwapo kasi ni Daddy madami pading papansin . As I know magkakaroon na ako ng kapatid. Ang tagal bago ako nasundan dahil nakunsumisyon sila sakin. Kahit pa sabihin na isa akong Draven hindi maikakaila na pinapairal ang fairness sa school. Madalas na bigyan ako ng mga notes na mga nagagawa ko #1 na ang pag gawa ko ng apoy kapag nagagalit na nagiging resulta ng pagkasira ng experiment nila.
Mainipin ako, mabilis mairita, gusto ko si Vlad lang ang nakikita ko, ayoko siyang napapalapit sa ibang babae kasi pag nakita kong may umeepal sa kanya for sure mamarkahan ko ang babaeng ‘yon bilang one of my enemy.
Ang dami ko ng nasabi about me, but this man besides me ay "L-O-V-E" ko talaga. I want him to be my forever, kung magkakaroon kami ng mga anak for sure na sobrang guwapo at ganda siyempre saan pa ba magmamana kundi sa magulang na mala-Diyos at Diyosa sa Greek Mythology.
Kahit maraming nagkakagusto sa kanya nararamdaman ko ang importansya ko sa kanya, over-protective siya at hindi ako pinababayaan, kapag siya ang nangaral sa ‘kin gusto ko agad-agad kong nagegets at nasisink-in ganoon talaga ang tama ko sa kanya.
**
Masaya akong nagising matapos ang gabing iyon. Super happy dahil nakasama ko ng matagal kagabi ang minamahal ko, bihira kasi ang oras na matagal kaming nagkakasama dahil pinapahalagahan nila ang kaligtasan ko dahil maari daw na maraming magtangka sa buhay ko.
Habang naliligo ay iniisip ko pa ang mga tawanan namin, ang hilig nya kasing magkuwento ng nakakatawa kahit minsan tingin ko hindi naman totoo at pinatatawa nya lang talaga ako, masaya lang kasi nga mahal ko sya.
Pampa-tanggal stress talaga sya sakin.
Mahal ko talaga siya.
Tumingin ako sa salamin, sinipat sipat ko ang sarili ko.
Sa kuwarto lang nila Mommy may salamin at sa kuwarto ko. Kaming pamilya lang kasi ang may repleksyon sa salamin then lahat na ng Vampire ay wala na. Kahit na isa akong Vampire, I live with faith and fear to GOD.
After 1 hour tapos na kong maligo then nagbihis na ko ng uniform at inipitan ang buhok ko para hindi maging sagabal for the whole day.
Nakarinig ako ng katok.
“Rain! Hinihintay ka ni Vlad, bilisan mo.” Boses ni Mommy.
Super smile na humarap ulit ako sa salamin bago nagmamadaling lumabas, kahit hindi na ako maglagay ng kung ano-ano maganda na ko.
“Bye Mommy!” Kiniss ko sya sa cheeks bago ko tumakbo pababa, excited lang ang peg.
“Bye Granny!” Kiniss ko din siya sa cheeks na nakaupo na naman sa trono nya sa baba ng bulwagan.
Maagang nawawala si Daddy tuwing umaga. Hindi kami nagkikita bihira, namamahala kasi ito ng mga mission at parang madalas laging may meeting sa bulwagan ng pagpupulong.
Sa labas ng kastilyo naroon nga si Vlad. Nakatalikod at nakatingin sa bulaklak ng mga rosas na tinanim ni Mommy at still buhay padin, matinik iyon kaya medyo ilag ang mga Vampire maliban kay Vlad na like na like ang roses kasi daw pulang pula.
“Tara na!” Sabi ko kay Vlad at hinawakan ko ang braso nya.
“Late na tayo ng 10 minutes!” Nakangiting sabi nito saka kami naglaho ng sabay sa lugar na ‘yon.
Actually, ability niya lang ang maglaho. Hindi ko pa kasi ‘yon kaya at nakaka stress kasi hanggang ngayon hindi ko magawa ang paglilipat ng isip ko sa isang lugar para makarating doon. Sabi ni Daddy, tao kasi si mommy kaya baka mahirap para sa ‘kin i-adopt ang mga ganoon na kakayahan.
Last year na ni Vlad ngayon at ga-graduate na. Ako ay 2 years pa. So, ang main goal ko ay maging kami bago siya maka-graduate mahihirapan na kasi akong makita siya kapag may mission siya o wala ng kaganapan sa kastilyo. Pero kung magiging kami bago ‘yon may dahilan para magkita kami, kasi kami nga.
Pag-dating namin sa gate ng school naroon na si Phyrica, naghihintay. Magka-klase kasi sila. Hindi ko siya pinansin.
“Bye Vlad!” Sabi ko, then tumuloy na ko sa pag pasok ng gate.
Sa tuwing maglalakad ako maraming mata na nakatingin sa ‘kin, walang nagtangkang magtapat ng pag-ibig sa ‘kin. Sabi ni Vlad, siguro daw ay dahil ang tingin ng mga ito ay hindi sila nababagay sa kagandahan ko. Si Vlad lang din naman ang gusto ko at gugustuhin ko.
Parang hindi sila nagsasawang titigan ako sa araw araw pero walang kumakausap sa akin the way na kausapin ako ni Vlad.
Tumakbo na ako dahil late na ‘ko, madalas na ireklamo sa ‘kin ang pagiging late ko pero okay lang. Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin kong malate at makasama si Vlad sa paglalakad kahit ilang oras pa at ilang sermon ang kapalit non, okay lang basta si Vlad. Pumasok agad ako sa loob, head high!
Kahit kasi mainis sila sa ‘kin di nila ko mapapalis sa school na to no, amin to.
Dumiretso na ko sa upuan ko sa likuran, iyon ang pinili ko dahil kapag nag eensayo sila Vlad, sa lugar na yon ang mga ito matatanaw sa duluhang bintana.
Doon ko lang napansin na iba na ang guro namin ng araw na yon.
Maganda ito, kung ganda ang pag-uusapan talagang meron ito, tila kaedad ko lamang siya. Ang galing niyang mapanatili ng ganoon ang itsura niya dahil kasi sa law na hindi pagpatay nagiging mahirap para sa matatanda kapag napabayaan na nila ang sarili nila na ibalik na ulit ang dating ganda. Sa loob ng 2 hours na klase bored na bored ako, may pagka-tamad talaga ako. Paano ba naman kasi marami padin akong hindi kayang gawin as a Vampire at naiinip na ko dahil gusto ko agad matuto para kapag pumunta ako sa mundo ng mga tao ay kaya ko ng mag-isa.
Natapos na din ang klase, nauna pa nga akong lumabas ng room. Wala akong pakialam sa kanya, pa-cute lang siya ng pa-cute as if naman may panama siya sakin!
Hindi agad ako pumunta kay Vlad, may kaso pa kasi ako kaya kailangan kong makipag-usap sa office ng administration.
Kaso ko? As usual nakipag-away sa mga malditang kung makatingin, ayoko ng tinititigan ako lalo kapag wala ako sa mood. Nakakainis din na pinagtatawanan nila ko, alam ko na dahil yun sa mga hindi ko kayang gawin. Iniisip nila Pureblood ako pero ang level ng kakayahan ko pang class E. Mukha nila!
Matapos kong makipag-usap na high blood lang sa ‘kin ang mga tao sa office, hmp!
Mana ako kay Granny, ayaw kasi ni Granny na nagpapatalo ako at lagi niyang sinasabi na wala ng mas gaganda pa sakin kaya ito Confident!
Lumabas na ‘ko ng office, pupunta na sana ako sa room ni Vlad pero nakita ko siya sa baba sa isang puno at may kausap. Iyon ang teacher namin kanina, hmp! So, mula sa second floor mabilis akong bumaba papunta kay Vlad, nakatalikod ito sa ‘kin at busy sa pakikipagtawanan sa malanding teacher hmp! Hindi nila ko napansin.
“Maganda talaga siya, siguro gustong gusto mo siya.”
Natatawang sabi ng malditang teacher, dapat dito pinaalis na. Makipaglandian ba sa estudyante.
“Si Rain? Yeah, she's really beautiful, she's physically perfect.” Sabi ni Vlad na ikinangiti ko ng sobra pero agad din nawala ng magsalita ulit ito.
“Pero kapatid lang ang tingin ko sa kanya.”
Nang marinig ‘ko iyon nakaramdam ako ng panlalamig, dahan dahan akong umalis. Hindi ako maka-iyak, wala akong balak ipakita sa iba ang precious tears ko. Naka-salubong ko si Phyrica pero hindi ko siya pinansin.
Tumakbo na ‘ko paalis sa lugar na iyon, pakiramdam ko hindi ko na mapipigil ang luha na gusto ng bumagsak mula sa mga mata ko.
Masyado akong umasa na gusto niya rin ako kaya ngayon nasasaktan ako, ano bang kulang sa ‘kin at ayaw niya sakin? Kapatid lang pala! Kung ibato ko sa kanya ‘tong heels ko? Anong type niya, yung malaking booby ng teacher na ‘yon? Ang assuming mo kasi Moonlgiht, ayan! Pinaasa mo ko Vlad!
“MoonLight-” pinunasan ko agad ang luha ko na di na napigil pang tumulo, boses ni Daddy ‘yon.
Si Lolo, Lola, Daddy at Mommy lang ang tumatawag sa akin ng Moonlight.
“Halika na umuwi na tayo.”Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, na sa likuran ko si Daddy. Si Daddy lang ang nakakabasa ng isipan ng mga Vampire at tao. Malamang na kaya niya ko inaaya ay dahil alam na niya ang dahilan ko.
Pakiramdam ko sa mga oras na ‘to tinutusok ng milyun milyong karayom ang puso ko.
Hinawakan niya ko sa braso at mula doon naglaho kami at mabilis na nakarating sa loob ng kastilyo.
Naroon si Granny.
“Bakit anong nangyari sayo?” Mabilis siyang lumapit sakin at hinawi ang mga hibla ng buhok ko na lumabas sa pagkaka-ipit at humarang sa mukha ko. Niyakap ko si Granny.
Nasasaktan ako. Hindi ko pa ‘to naranasan, ganito ba talaga to kasakit?
Kapatid lang ako para sa kanya?
Ang tanga tanga ko! Umasa ako sa ‘yo!
“Ina, hayaan mo na muna si Moonlight magpahinga.” Mahinang usal ni Daddy.
Batid kong alam niya ang mga naiisip ko kaya nakakaramdam ako ng hiya na nakikita niyang nagkakaganito ako.
Tumingin si Granny sa ‘kin tapos kay Daddy.
“Magpahinga ka na Moonlight.” Wika ulit ni Daddy.
Hindi ko na talaga kaya, gusto kong umiyak ng malakas. Tumakbo na ko pataas sa hagdanan hanggang sa kwarto ko, doon hindi ko na napigil isinubsob ang mukha ko sa unan at umiyak ng husto
Hindi ko talaga matanggap ang nangyari.
Pakiramdam ko ayoko na siyang makita dahil hindi ko mapipigilan ang sarili kong umiyak sa harap niya at para akong sinampal ng sampung ulit kapag nakita ko ang bawat ngiti ng malditang teacher na ‘yon, magsama sila!
Ang daming lalaki sa mundo! Akala ba nya siya lang? Sa dinami-dami non si Vlad lang talaga ang gusto ko.