Nag-paiwan siya sa mga ito, tumingin lang siya sa bintana na malayang sinasayaw ng hangin ang kurtina niyon. Napansin niya ang pagkislap ng kung anong bagay na ikinasilaw at ikinasakit ng mata niya. Pag-lingon niya naka-upo sa table ng upuan si Andrew at may hawak na Camera.
Nginitian siya nito at hindi niya napigil mangiti.
“Bakit ka nandito?” Tanong nito na tumayo at hinila ang upuan na katabi niya at iniharap iyon sa kanya saka naupo.
“Wala ako sa mood.” Matipid na wika ni Moonlight ditto.
“Ikaw ba?”
“Iba na ang subject ko, may tatlong subject ako na pang Third Year na. Nagsu-summer kasi ako.
“Ang ganda ng mga mata mo, akala ko hindi totoo. Ngayong malapitan ko lang nalaman.” Nakangiting sabi nito na inilapag ang Camera.
“Minana ko ‘yan sa ‘king Daddy.” Matipid na ngumiti si Moonlight at muling tumingin sa labas ng bintana.
“Sige, mukhang gusto mo mapag-isa, malayo din ang next subject ko.” Ani Andrew na inayos ang upuan at umalis na. Tinitigan na lamang ni Moonlight ang pag-alis nito.
“Kalimutan mo na kasi si Vlad!”
“Arggghhh!” Bwisit na aniya sa sarili ng ma-realize na natutulala na naman siya kakaisip dito.
**
“Type mo ba ‘yong bagong transferee? Paano naman kayo ni Desiree?” Sunud-sunod na tanong ni Michael kay Andrew na abala sa pagche-check ng mga poem na ipinasa. Naroon sila sa newspaper office dahil tapos na ang klase nila sa araw na ‘yon.
“Wala namang kami ni Desiree.” Ani Andrew na hindi man lang nag-abalang tumingin sa kaibigan at kasamahan sa newspaper staff.
Magka-tapatan silang nakaupo sa isang mahabang glass table, sila lamang dalawa dahil nagdo-dorm sila na kalapit lang naman ng school.
“Hindi ko din siya type, pero ang ganda talaga ng mga mata niya.” Seryosong wika ni Andrew na ikinailing ni Michael. Si Andrew simula ng nakilala niya ay walang naging matinong relasyon, hindi naman ito babaero na playboy pero mga babae kasi ang kusang lumalapit dito at may pagkakataon na nagpapadala ito sa tukso. Pero wala pa talaga itong tinawag na official girlfriend, malay na lang nila nung highschool, galing kasi ito ng ibang bansa.
Dedicated ito sa pag-gawa ng mga gawain nito kaya madalas mapili itong officer. Isa rin si Andrew sa mga nagta-top sa school nila pagdating sa talino.
Si Desiree naman ang nag-chismiss na M.U sila ni Andrew. Third year ito at kaklase ni Andrew tatlong subject.
Si Desiree ang napili na Ms. White pearl University last year. Maganda talaga ito at pinong kumilos. Hinahangaan din ito sa pagiging mahinhin at mabait kaya nga maraming nagkaka-gusto at humahanga dito.
Mula ng matapos ang isang semester napabalita na nagde-date na ang dalawa kaya iyon ang paniniwala ng marami. Pero ayon kay Andrew hindi iyon date nagka-sundo lang silang bumili ng libro, natripan manood ng sine at ihatid ito.
Diba mukha naman talagang date.
"Kahit anong anggulo tignan napaka-ganda talaga nung transferee, akalain mo may ganoon klaseng tao. Kaya kahit ang sungit-sungit niya na napapabalita di ko pa rin mapigil mapanganga kapag dumadaan siya." Natatawang biro ni Michael.
Natawa naman si Andrew saka nagsalita.
“She's a monster!” Biro ni Andrew.
“Hindi mo talaga siya type?” Takang-taka si Michael dahil talaga naman kasing nakapagtataka.
Umiling si Andrew pero nakangiti pa din.
“Hindi ko siya type pero totoo naman na sobrang ganda niya. No words can explain how beautiful she is, pero hindi ko siya type. No Joke.” Napakamot nalang sa ulo si Michael sa narinig.
Sabay silang napatingin ng marinig ang paglangitngit ng pintuan. Sabay din nilang ibinalik ang tingin sa ginagawa ng mabatid na ang mga na sa news paper team lang din ang naroon.
“Hi Andrew, Hi Michael!” Masiglang bati ni Sandy na umupo sa tabi ni Andrew, ang kasama naman nito na si Janneth ay naupo sa tabi ni Michael kaya nagkatapatan silang apat .
“Ipinapa-publish ng Drama Club ang paghahanap ng Lead Actress na magaling kumanta at umarte siyempre pa ‘yong maganda.” Ani Janneth na tintigan ang dalawang lalaki ng magkasunod .
“Si Desiree ang fit doon.” Ani Michael. Dahil si Desiree ay magaling kumanta at umarte. Isang beses na din itong nag-lead sa stage play ng school na naging dahilan kaya nagkaroon pa nga ito ng fansclub sa school.
“Yeah, si Desiree nga. Kaso gusto ng Drama club na magkaroon naman ng mga new students na sumasali ng play.” Ani Sandy .
“Yung transferee napaka-ganda niya diba?” Tuwang-tuwa at nangingislap pa ang mga mata ni Michael.
“Naku! Masama daw ang ugali, mukhang mahirap kausap.” Ani Janneth sa tinuran ni Michael.
“I-publish na lang natin, gusto ko din i-cover ang stage play.” Sabi naman ni Andrew na inaayos na ang mga gamit na nagkalat. Fit talaga ang new student sa role na ‘yon ngunit paano kung maganda lang ito pero walang talent sa pag-kanta at pag-sayaw?
Pangalawang araw pa lamang ni Moonlight sa eskwelahan, medyo hindi pa talaga siya sanay sa buhay ng mga estudyante doon. Ibang-iba talaga, walang ka-thrill thrill.
“Rain?” Medyo malakas na wika ni Jezrel dito ng mapansin niyang hindi ito nakikinig sa kanila, naroon sila sa school bench. Hindi um-attend ang 1st subject professor nila dahil sa emergency daw.
Kapag narito sa school bench para lang silang na sa parke at kapag may nakikita si Rain na mga puno ay nararamdaman niyang malapit siya sa Vampires Community. Matataas ang mga puno doon, isa kasing kagubatan ang pumapagitan sa Unibersidad at ng Kastilyo ng mga Draven. May mga Vampires na nakatira malapit sa Kastilyo, meron naman na malapit sa university. Basta ang gitna niyon ay kagubatan na napaka-laki at ito ang nagsisilbing training ground ng mga estudyante at ang isa sa tanawin na paboritong tignan ang falls na naroon sa likod ng eskwelahan.
“Ulitin mo, ayusin mo kasi pagsasalita mo.” Ani Rain na medyo naiinis sa paraan ni Jezrel para putulin ang malalim niyang pag-iisip, napapagitnaan siya ng dalawa.
“Sabi ko, hindi p’wedeng wala kang sasalihan na club. So, ano bang mga hobbies mo para naman mabigyan kita ng tips saang Club ka puwede.” Si Jezrel.
“Mahilig akong –“ nag-isip ng husto si Moonlight.
“Matulog.” Matipid na dagdag niya.
Napangiwi naman ang dalawa, oo nalang kasi may club para sa masisipag matulog.
“NEWS PAPER! NEWS PAPER! NEWS PAPER!” Sigaw ng nerdy na si Alex na isa sa mga staff ng Newspaper sa School.
Inabutan sila nito ng tig-iisa, libre iyon para sa lahat ng estudyante. Weekly iyon dumarating.
Napatitig ng husto si Alex kay Moonlight, tumaas naman ang kilay ni Moonlight sa paraan ng pagtitig nito dahil nanganga pa ito.
“Umalis ka na nga!” Asik ni Dale dito, tila naman natauhan ito at umalis na, muli pa nitong tinignan ng pasimple si Moonlight sa malayo.
“NEWS PAPER! NEWS PAPER!” Muli ay sigaw nito na papunta naman sa field ng soccer team.
Binuklat nilang sabay sabay ang dyaryo.
Na-shock si Moonlight sa first page! Namilog ang mga mata niya. Ang laki ng larawan niya kasi iyon na nakatingin sa bintana at ang kalahati ay ‘yong nasa fountain.
**
Naramdan niyang siniko siya ni Jezrel, nakangiti ang dalawa. Alam kasi ng mga ito na ang unang page ay kay Andrew madalas. Iyon lang naman ang nakalagay pero nabigla talaga si Moonlight. Ang laki kasi niyon para bang napagtitripan siya.
May ilang mga estudyante na may hawak ng newspaper na napapahinto at tinitignan siya, sinusuklian naman niya ang mga ito ng irap.
“Sumali ka dito Rain, bagay ‘to sa ‘yo.” Ani Jezrel na nasa ikalawang page na nakatingin.
Binuklat nya ang page kung nasaan nakatutok ang mata nito.
“Tutal wala ka pang club dito ka na lang sa drama club, pasang-pasa ka kasi sobrang ganda mo.” Nakangiti at tila nangingislap pa ang mata ni Jezrel.
“Marunong ka ba kumanta?” Ani Dale.
“Ano ka ba? Sa ganda niya p’wedeng puwede siya ditto, ‘yong pag-kanta puwede naman siyang magkaroon ng shadow singer eh.” Ani Jezrel na talagang desidido na bagay si Moonlight sa Club na ‘yon .
“Siguro si Andrew ang kukunin nilang Lead man.” Ani Jezrel.
“Yung classmate ba natin ang tinutukoy niyo?” Si Rain na tila napukaw ang atensyon na kanina ay tila hindi naman siya sang-ayon sa pagsali sa club na ‘yon, wala nga kasi siyang talent sa tingin niya.
Nilingon niya ang kalapit na si Dale.
“Oo siya nga! Grabe ang guwapo niya no. Kaso may Gf na.” Ani Jezrel na tumaas pa ang sulok ng labi para lang ipakitang na-disappoint ito.
“Ano ka ba! Hindi kaya sila ni Desiree, sabi nila going there!” Protesta ni Dale
“Ganoon din ‘yon!” Inirapan ito ni Jezrel.
“Alam mo ba Rain napakaraming magaganda dito ang na-date niya pero wala pa siyang nagiging Gf, para bang ang hirap-hirap niyang pa-ibigin pero hindi naman siya. Snob na tao mahilig nga siyang ngumiti at mag-entertain ng question regarding dito sa mga laman ng news.” Wika ni Dale na tinitigan si Moonlight.
Dumiretso naman ng ayos ng upo si Moonlight.
Nangiti siya, ang lalaking ‘yon ay magkaka-gusto sa kanya at gagawa siya ng paraan!
Walang makaka-tanggi sa ganda ko. Nangiti na s’ya. Sumimangot pa ng maalala ang pagka-ayaw sa kanya ni Vlad.
Ngayon hindi na ‘ko mabibigo, okay Rain MoonLight!. Aniya sa sarili.
Nag-ring na ang bell, tumayo na silang tatlo para pumasok sa next subject.
Kada-bell ay may 5 minutes sila para hindi ma-late.
**
Naramdaman ni Moolight na kinalabit siya ni Dale na sa likuran niya kasi ito sa subject na ‘yon at si Jezrel naman ay kalapit nito.
Nilingon niya ito ng nakita niyang tumalikod ang Professora para magsulat sa whiteboard. May tinuturo ito sa kabilang bintana kung saan naman matatanaw ang pasilyo. May nakita siyang babae doon na nakatalikod at may kausap na isa pang babae na maiksi ang buhok. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan bakit nito iyon tinuturo.
“Si Desiree.“ Wika ni Dale sa mahinang boses.
Lalong kumunot ang noo niya at dumirestso na ng tingin sa unahan.
Sino naman ‘yong Desiree na ‘yon? Artista? Duh! Aniya sa sarili
Bigla ay naalala niya ang pinag-usapan nila kanina sa school bench, ito ‘yong GF ni Andrew na sabi ni Dale hindi pa pero going there? Muli ay nilingon niya ito sakto naman na nakaharap na ito at nakangiti sa kausap nito saka sabay na naglakad papunta sa kaliwang direksyon.
Maganda ‘yong Desiree.
Hindi na rin siya nagtaka, maraming magaganda pero may appeal ito na talagang nakaka-attract lalo na sa ngiti nitong matamis.
Nangalumbaba siya at tumingin sa unahan pero tagus-tagusan ang naiisip niya.
Na-atract siya kay Andrew, hindi naman niya ‘to mahal agad pero gusto niya ‘to talaga, the way he smile makes her heart beats faster.
Mahal pa rin niya si Vlad, pero nonsense na at dapat ng tanggalin.
May dugo pa rin siyang tao, nagagamit nga niya iyon para itago ang pagiging Vampire niya at di mahalata sakali man na may Vampire siyang maging klase o makasalamuha para sa kaligtasan niya.
Gusto ‘ko siya at sa pangalawang pagkakakataon hindi na ako papayag na maging talunan ulit. Nangisi siya sa naisip.