------ALTHEA's POV-------
Ikinagulat ko ang pagsulpot ng isang babaeng kilalang-kilala ko sa kasal namin ni Tryke. Si Kiersley, ang senior namin six years ago.
Hanggang sa labas ng reception ay nakaabang pa rin si Kiersley at namamaga ang mata. "Tryke, bago kayo magpunta sa honeymoon nyo pwede ba kitang makausap muna, yung tayong dalawa lang?"
Hindi nakasagot si Tryke. Napansin naman ni Kiersley ang handcuff kaya tumalikod na lamang siya pero tinawag siyang muli ni Tryke. "Kirs' sandali... Okay lang naman kahit nandito si Althea. Hindi naman niya ako mahal kaya wala siyang pakialam sa sasabihin mo."
Ano? Ganun? Nabigla naman ako sa sinabi niya na wala akong pakialam sa kanila. Halleeeerrr!!!! Mag-asawa na kami kaya pano mangyayaring hindi ako makikialam? Loko!
"Talk as if wala siya dito" sabi pa nito kay Kiersley.
Tumango-tango naman ito at muling humarap sa asawa ko. "Tryke, hindi totoong hindi kita mahal... I know it's quite too late pero alam mo... habang buhay kong pagsisisihan na hindi ko nasabi sayo ang totoong nararamdaman ko noon. I love you Tryke... I love you goodbye!" Pagkatapos magpaalam ay tumakbo na ito palayo.
Hahabulin pa sana ni Tryke si Kiersley pero hindi siya makaalis dahil naka-handcuff kaming dalawa kaya napamura na lang siya. "DAMN! DAMN!" Pinagsisipa ni Tryke ang bawat bagay na madaanan ng paa niya.
Walang akong ibang nagawa kundi tahimik na pagmasdan ito habang nagwawala.
Sa aming honeymoon...
Tulala lang si Tryke habang nakatitig sa pader kaya naglakas-loob na akong kausapin ito. "Akala ko ba mahal mo ko, bakit parang affected ka masyado sa babaeng yon?"
"Pwede ba! Sinabi ko lang na mahal kita para hindi ako mapatay ng mga magulang natin noh." Aburido niyang sagot sa akin.
Sarkastiko akong tumawa. "Yan ang napapala ng mga sinungaling..."
"Pareho lang tayong sinungaling Althea kaya pareho lang tayong mamalasin." Sabi niya habang nakatitig ng husto sa akin.
Minalas na nga ako ngayon Tryke. Ang malas-malas ko para pumayag magpakasal sa isang taong akala ko ay mahal ako. Pero di bale... this is the third day... bukas pag-gising ko hindi ko na masisilayan ang gwapo mong mukha.
Bigla itong nagkwento tungkol sa damdamin niya para kay Kiersley kahit hindi ko naman tinatanong. "You don't know how it feels Althea. First year pa lang ako ng ligawan ko ang fourth year na si Kiersley. Akala ko it was just a one sided love pero hindi pala. May nararamdaman din pala siya sa akin pero natatakot lang siyang ipakita kasi mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Akala niya ay hindi ako seryoso sa kanya... kung alam lang niya. Damn I love her so much!"
Aray... ang sakit marinig ang mga katagang iyon. Hindi ko siya masisisi, inakala niyang hindi ko siya mahal kaya kung makapag-kwento siya tungkol sa kanila ni Kiersley ay walang preno.
"Pano na yan ngayon... naka-tali ka na sa akin?" Di ko napigilang itanong sa kaniya.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Tryke kaya parang piniga ang puso ko. "Tryke..."
"Don't try to comfort me Althea, okay lang ako." Humarap siya sa kabilang side ng kama para makaiwas na kausapin ako.
"Tryke... hindi naman ganun eh... ang gusto kong sabihin ay.... naiihi ako... baka pwedeng mamaya ka na mag-emote diyan at pumunta muna tayo sa CR?" Hiling ko sa kaniya.
Saka lang naalala ni Tryke na hindi pa natatanggal ang handcuff namin.
"Panira ka ng moment!" Reklamo niya sa akin sabay pahid sa mga luhang di niya napigil sa pagtulo kanina. Walang ibang nagawa si Tryke kundi sumama sa akin sa banyo.
"Wag kang maninilip!" Babala ko sa kaniya.
"Pambihira! Ngayon pa ba kita sisilipan?" Napakamot-kamot pa siya sa ulo habang sinasabi yun.
Lihim akong natawa sa cute gesture at reaction niya.
Pagkabalik namin sa higaan ay ipipikit na sana ni Tryke ang mga mata niya ng kalabitin ko na naman siya.
"Ano!? Wag mong sabihing naiihi ka na naman?" Naiinis niyang tanong sa akin.
Tumango-tango ako. "Sorry, ganito talaga ako kapag nakainom ng softdrinks."
(facepalm) "Pambihira ka Althea!" Kahit panay ang reklamo ay sinamahan pa rin naman ako ni Tryke sa banyo kasi no choice din naman siya eh.
Ngunit pagbalik namin sa kama galing sa banyo ay tila siya na naman ang nakakaramdam ng tawag ng kalikasan. "Balik tayo sa banyo."
"Bakit naman Tryke?"
"Naiihi ako! Bakit ikaw lang ba ang may karapatang umihi?" sarkastiko niyang tanong.
"Hindi pwede!" Naiimagine ko na kung pano ito iihi at may posibilidad na madantay ang kamay ko sa- "No! Ayoko!"
"Baliw ka ba? Ilang beses mo kong ginising upang mag-banyo ka tapos ako ayaw mong pagbigyan?" Nagulat niyang tanong sa akin.
"Tryke... huhuhu... ipagpabukas mo na lang yan!" Pinadyak-padyak ko pa ang paa ko para malaman niya ang pagtutol ko.
Naghatakan kami patungong banyo pero dahil mas malakas si Tryke ay wala akong nagawa kundi sumunod. Nagbiro pa si Tryke nung nasa banyo na kami. "Sa akin pwede ka lang sumilip."
"Baliw!" Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mga mata ko.
"Baliw ka rin! How can i unzip my pants kung isang kamay lang ang gamit?"
Kaya binaba ko na lang ang isa kong kamay habang ang isa ay nanatiling nakatakip pa rin sa aking mata. Naririnig ko ang malulutong niyang pagtawa pero hindi pa rin ako nagtangkang tumingin.
"Maghugas ka ng kamay!" Utos ko sa kaniya.
"Oo, alam ko! Ang arte! tsk2x!"
------TRYKE's POV------
Ilang sandali pa ay nakatulog na si Althea pero ako ay gising na gising pa rin ang diwa. Hindi ako makatulog matapos kong marinig ang mga sinabi ni Kiersley kanina. It could have been me and Kiersley at hindi itong babaeng ito na nakahiga sa aking tabi.
Nang tingnan ko si Althea ay humihilik pa ng sobrang ingay pero maganda pa rin kaya tinakpan ko ito ng unan sa mukha. Pero binawi ko rin agad at kinuha ang unan at pinilit matulog sa kabila ng lahat.
Kinabukasan...
Dumating ang pinsan ko dala ang susi.
"Mukhang hindi talaga kayo nakatulog ng maayos ah!" komento nito matapos sigurong makita ang namamagang eyebags namin ni Althea.
Nagtinginan kami ng asawa ko at parang gustong matawa kasi kung alam lang ng pinsan ko ang totoo.
#MarriageLIEcense