------TRYKE's POV------
Mabilis naihanda ng pamilya ko ang kasal namin ni Althea. May kaya naman pareho ang mga pamilya namin kaya di problema ang maagang pagpapakasal.
Pero sa araw mismo ng kasal ay nawawala ang bride!
Tumawag ang bading na designer sa akin at nagsumbong. "Tryke, nagsabog ng kagagahan ang pakakasalan mo at ayun nag run-away bride! Pano na yan?"
"What!? Wala siya diyan? Ano!? Umalis!? Okey Freddy, come over here and bring with you the gown at lahat ng accessories okay?"
"Bakit Tryke, ako na lang ang papakasalan mo?"
"Freddy!!!"
"Joke lang pogi!... di ka naman mabiro... okay loud and clear!"
Samantala...
------ALTHEA's POV------
This is my last day according to my doctor, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila yon at lalong hindi ko pwedeng pakasalan si Tryke kung mamamatay lang din ako pagkalipas ng ilang oras.
Biglang tumunog ang phone ko ngunit un-registered number ang tumatak sa screen at ng sagutin ko ay si Tryke pala.
"Asan ka ngayon soon to be Mrs. Althea Gonzales!?" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya sa kabilang linya.
Haaayyy... Mrs. Althea Gonzales... napakasarap pakinggan pero mahirap maisakatuparan...
I-hahang-up ko na sana ng tila nakapansin ang nasa kabilang linya at pinigilan ako. "DON'T YOU DARE HANG-UP ON ME! Asan ka ngayon I'll fetch you?
"Nasa train station ako malapit sa amin... aalis ako at magpapakalayo... hayaan mo na lang akong umalis please..." Pakiusap ko sa kaniya.
"Bakit ka aalis, ayaw mo ba talaga sa akin?" May himig ng tampo sa boses niya.
Bago pa siya mag-isip ng kung anu-ano ay umamin na ako sa kaniya. "I'm dying Tryke..."
Pero hindi nakuha ni Tryke ang ibig kong ipahiwatig.
"I know you still love your ex but Althea, I'm here dying to be with you... I love you Althea... Please be my wife."
"Pakiulit?"
"Will you marry me missy?"
Ayun na naman ang terms of endearment niyang missy pero hindi talaga pwede.
"I'm sorry..." Agad kong ibinaba ang phone.
------TRYKE's POV------
Urgh! Bwisit na babae yon, sinusuyo na nga nagmamatigas pa. Hindi niya pwedeng gawin sa akin ito! hindi niya ako pwedeng iwan sa harap ng altar. Magiging isang malaking kahihiyan para sa akin na takbuhan ng sariling bride.
Nakuyom ko ang palad ko sa sobrang galit.
To save my ass there's only one thing I could do, pull another act... make another story.
Dahil sa nag-uumapaw na pride ay kinumbinsi ko ang mga tao sa simbahan na maghintay ng dalawa pang oras.
"Everyone... I really love this girl and I really wanted to marry her. She might just be confused for a while or having a cold feet kaya bigyan nyo pa po sana ako kahit dalawang oras lang para makarating siya dito." Anunsiyo ko sa lahat ng nasa simbahan.
"Go on son! Sinusuportahan ka naming lahat!" Sabi naman sa akin ng daddy.
Kaya naman tumakbo na agad ako, pero bago pa man ako makalabas ng simbahan ay lumapit muna ako sa pinsan kong pulis na dumalo sa kasal nang naka-uniporme pa. "Insan, pwede bang makisakay sa patrol car mo?"
"Insan, patay tayo diyan... baka sumabit ako."
"Sige na insan please... pahiram na rin ng handcuff mo."
Kalaunan ay napilit ko rin siya.
Pagdating sa train station ay nagpaikot-ikot ako sa buong lugar. Takbo dito takbo dun... lakad dito lakad dun... tingin dito tingin dun... hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na bulto. Bagama't nakatalikod siya sa akin ay alam na alam ko pati dulo ng buhok niya at nang lapitan ko ay mas lalo akong nakumbinsi na siya yun dahil na rin sa pabango niya.
Buti na lang at nahatak ko siya pabalik bago pa man siya makapasok sa loob ng tren.
"Tryke!?" Napamaang siya ng makita niya ako sa harapan niya.
"I told you to wait for me!" Mabilis kong hinand-cuff ang mga kamay namin.
"What are you doing?" she asked.
"You are under arrest sa salang pagnanakaw!"
"Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
"Ninakaw mo ang puso ko! Boom!" Ako mismo ay na-kornihan sa sinabi ko. Ano ba tong pinag-gagawa ko? Ganito na ba talaga ako ka bored sa buhay?
"Ayoko ngang sumama sayo!" Kinapa-kapa ni Althea ang bulsa ko at hinanap ang susi sa handcuff.
Panay naman ang iwas ko sa kaniya. "Hoooooyyy!!! Baka kung anong makapa mo diyan!"
Pero ayaw pa rin papigil ni Althea hanggang sa magtagumpay siyang makuha ang susi. Pilit ko yung binabawi sa kanya hanggang sa tumilapon ang susi patungo sa riles at naglaho.
"Ikaw kasi eh!" Maiiyak-iyak na sisi ni Althea sa akin.
"Let's go Althea, kung gusto mong makawala dito pumunta na tayo sa pinsan ko, baka may duplicate iyon."
Nagsimula na kaming maglakad ng biglang napasigaw ng 'aray' si Althea kaya napahinto kami.
"Ano na naman Althea?"
"Tryke masakit ang kamay ko..." reklamo niya sa akin.
Nang tingnan ko ay namumula nga ang mala porcelanang kutis nito sa kamay dahil sa kakahatak ko kaya humingi ako ng paumanhin. "Sorry."
Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay ni Althea at sabay kaming naglakad upang hindi siya masaktan.
------ALTHEA's POV------
Nakakatuwa naman ang taong ito... minsan masungit pero madalas ay sweet at may sense of humor. Kung mamatay man ako ngayong araw na ito... hindi na masamang minsan ay naging asawa ko siya ng ilang oras.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Pagdating sa patrol car...
"Insan, ihahatid ko na lang muna kayo sa simbahan tapos kukunin ko lang yung duplicate sa presinto." Sabi ng pinsan ni Tryke.
"Salamat insan!"
Pagdating na pagdating namin sa simbahan...
Ikinagulat ng lahat ang pagkakaroon namin ng handcuff.
"Bakit ganito ang mga reaksiyon nila?" Tanong ko kay Tryke.
"Siyempre kasi akala nila pinilit lang kitang pumunta dito!"
Kaya itinaas ko ang handcuff namin at ngumiti ng malapad upang ipakitang bukal sa loob ko ang pagpapakasal.
Nagsipalakpakan ang mga tao at napasigaw ng "TULOY ANG KASAL!"
"But wait, bakit kayo may handcuff? Pano magbibihis ang bride? Pano ang entourage?" Sunod-sunod na tanong ng wedding planner na si Freddy.
"Mahabang kwento Fred... Asan ang cr? magbibihis muna siya." Sabi ni Tryke kay Freddy.
Itinuro naman ni Freddy ang daan.
Hinatak na naman ako ni Tryke pero as usual magka-holding hands na kami kaya hindi na masakit at ikinagulat ko talaga ang pagpasok din ni Tryke sa banyo.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! As if naman pwede kang magbihis dito nang hindi ako kasama. Bilis hubad!" Ma-awtoridad na utos sa akin ni Tryke.
"Ayoko! Nakakahiya!"
"Ang arte! Nakita ko na lahat ng iyan kaya bakit ka pa mahihiya!" Sigaw niya sa akin.
"Nakita mo nga pero natandaan mo ba?"
"Hay naku ang dami mo pang sinasabi."
"Pano ko huhubarin sa ganitong ayos natin Tryke?"
Kaya humarap siya sa akin at malapit na malapit na kami sa isa't-isa. Nagulat talaga ako sa sumunod niyang ginawa ng mabilis niyang pinunit ang damit ko.
"Hoy ano ba! branded iyan!" Reklamo ko na naman sa kanya.
Ito rin mismo ang yumuko upang ipadaan sa baba ang wedding gown ko na tube ang estilo.
-----TRYKE's POV-----
Ang flawless. Pero pagdating sa dibdib cupless. Haahahaha!
Binigyan ako ng masamang tingin ni Althea kaya mukhang nahalata na niyang nilalait ko siya.
"Tanggalin mo nga ang bra mo, ang pangit tingnan na lumalabas yung strap." Utos ko sa kanya.
"Anong alam mo sa fashion, bakla ka ba!?"
"Isang beses pa na tawagin mo kong bakla at makikita mo!" Naasar kong banta sa kaniya.
"Sori poh! Sige hindi ka na bakla, pilyo lang! Oh eh pano ko naman tatanggalin ito ngayon?" May gesture siya na tumatak talaga sa isipan ko at yun ay ang madalas niyang pag-pout.
Iwinaksi ko sa isip ko ang mga naiisip ko at ako na ang nagkusang tumanggal sa bra niya. Para ko na siyang niyayakap sa ayos namin pero balewala na yun sa amin kasi hindi yun ang oras para mag-inarte pa siya.
Ilang minuto pa ay natapos na rin kami sa wakas at dahil naka handcuff ay sabay na lamang kaming naglakad patungo sa altar.
Kakatuwa na iniba ng wedding singer ang kanta. Imbis na Grow Old with You ay pinalitan nila yun ng Stuck on you ni Lionel Richie.
Bawat lyrics ng kanta ay tila patama sa aming dalawa.
Stuck on you
I 've been a fool way too long
I guess it's time for me to come along
Guess I'm on my way
Might be glad you stayed...
We exchanged vows... and then I kissed the bride.
Pagkaharap na pagkaharap namin sa mga tao ay sa isang tao lang napako ang mata ko... kay Kiersley. Bagama't malayo ay alam na alam kong si Kiersley yon.
Bakit siya nandito? At bakit siya umiiyak habang pinapanood akong ikasal? Posible kayang nasasaktan siya sa pagpapakasal ko sa ibang babae? Kung ganun... mahal niya rin kaya ako?
#MarriageLIEcense