Something Stupid

708 Words
------ALTHEA's POV------ Matapos matanggal ang handcuff namin ay nagsimula nang magbago ang mga buhay namin ni Tryke. Balik sa buhay estudyante at parang wala lang nangyari. Parang hindi lang kami ikinasal. Nakatira kami sa iisang bubong hiwalay sa mga magulang namin pero hindi pa rin namin matawag-tawag na tahanan kundi isang boarding house lang. Siyanga pala, hindi ako namatay after 3 days. Nabigla talaga ako nung magising pa ako kinabukasan kaya humingi ako ng second opinion sa ibang doktor at napag-alaman ko nga na wala naman pala akong brain cancer. Siguradong pati ang tungkol sa sakit ko ay pakana nina Nikki at Dave. Peke siguro yung doktor na pinakilala nila sa akin habang si Tryke naman ay pinaniwala nilang wala nang pag-asa kay Kiersley. Ang sama talaga nila! They want us to be miserable.  "Tawang-tawa siguro sila habang pinapanood tayong ikinakasal kahit hindi natin mahal ang isa't-isa." Naiiyak kong saad kay Tryke matapos kong ikwento sa kaniya ang nalaman ko na wala naman talagang taning ang buhay ko. "Kung ganun hindi tayo dapat magpadaig sa kanila!" Malakas ang loob na saad ni Tryke. "Anong balak mo?" Binulong nga niya sa akin ang mga plano niya. "Will it work?" Nag-aalangan kong tanong sa kaniya. "Ano ka ba Althea, nagawa na nating magsinungaling kaya nakasal tayo... kaya sisiw na lang ang gagawin natin ngayon."   Nang palapit na si Nikki... "Hi Nikki... salamat nga pala sa inyo ni Dave ha. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako makakasal kay Engr. Gonzales. Hi hi hi... Alam mo, napatawad na kita sa mga ginawa mo, tutal si Kiersley naman talaga ang gusto mong saktan at nadamay lang naman ako di bah? Can we still be friends?" Sabay abot ng kamay ko sa kaniya para makipag-kamay. "Ah? Pero hindi ka naman mahal ni Tryke, si Kiersley ang mahal niya." Kumunot bigla ang noo niya dahil sa mga sinabi ko. Senyales na di niya nagugustuhan ang tinakbo ng mga pangyayari. "Oh come on! Wala ka bang tiwala sa charms ko? In just three days ay napaibig ko siya." Pagmamalaki ko sa kaniya. "That's impossible! mahal na mahal niya si Kirs-" Naputol ang sasabihin ni Nikki ng bigla niyang nakita si Tryke na palapit sa amin. "Misssyyy..." Tawag ni Tryke sabay halik sa labi ko. Wala man sa plano yun ay di ko pwedeng ipahalata kay Nikki na nagulat din ako sa ginawa ni Tryke kaya nagpanggap ako na cool lang. "Oh Tryke honey you're here!" Gumanti din ako ng yakap at halik sa asawa ko para mas convincing siyempre ang pagpapanggap namin. "Uwi na tayo?" aya sa akin ng naglalambing kong asawa. "Hindi ka na talaga makapaghintay ng gabi ha." Panunukso ko sa kaniya sa harap mismo ni Nikki. "Hindi na..." Bulong sa akin ni Tryke pero yun ang tipo ng bulong na sinadyang iparinig sa ibang tao. Tila nakikiliti naman ako kunwari. "Bye Nikki!" Sabay kaming nagpaalam at kumaway-kaway sa kaibigan ko. Iniwan namin siyang di maipinta ang itsura at halatang gulat na gulat. "Ahmmm... Nikki! Send my regards to my old friend Dave." Habol pa na mensahe ni Tryke. Nakuyom ni Nikki ang kanyang palad sa sobrang pagka-inis. Nag-apiran namin kami ni Tryke pagkatapos ng ginawa naming eksena. "Ang sarap talagang maka-isa sa kalaban Tryke noh?" "Sinabi mo pa Althea at nakita mo ba yung mukha niya? Namumula sa galit! HAHAHAHA!!!" "This is crazy Tryke!" "Hahaha.. Oo nga! At siguradong mababaliw talaga yung si Dave kapag naikwento na ni Nikki sa kaniya ang tungkol sa akin." "Naalala ko tuloy yung lyrics ng isang kanta, What doesn't kill you makes you STRONGER!"   Kinabukasan, bago muling pumasok sa eskwela... "Thea, sa tuwing lalabas ka ng bahay na ito always remember that we are inlove... we must stay inlove sa harapan ng ibang tao." Paalala sa akin ni Tryke. Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon then we both stepped outside the house. "Oo Tryke... I'm inlove with you. I LOVE YOU TRYKE!!!!" "I LOVE YOU TO MRS. ALTHEA GONZALES!!!" Parang mga baliw na sigaw naming dalawa. Ginagawa naming biro ang lahat... ang pag-ibig... ang kasal at lahat-lahat na. Sinisigaw namin pareho na mahal namin ang isa't-isa pero walang may alam kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo...   #MarriageLIEcense
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD