bc

Marriage LIEcense

book_age16+
332
FOLLOW
2.3K
READ
contract marriage
family
love after marriage
twisted
campus
highschool
coming of age
enimies to lovers
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

This is the 'Crazy Set-Up' between TRYKE and ALTHEA.

Because of their series of lies, Tryke and Althea got married at a young age and when they realized a mismatch between them, they both wanted to be free.

But what if the only way for them to be free is to stay as a couple in the eyes of everyone?

And what if love is like a fine wine that gets better with time? ≧❀‿❀≦

Would you love to lie? or lie to love? (っ◕‿◕)っ ♥

chap-preview
Free preview
Prologue
Marriage LIEcense by: Aya_hoshino   ----- ALTHEA's POV ----- Nanaginip ako... He tried to kiss me here... there... and everywhere just to seduce me. Gustong gusto ko naman ang mga ginagawa niya sa akin. Ngunit ng magising... nawindang ako. "AAAAHHHHHHH!!!!!! OH MY GOD! OH MY GOD! THIS IS NOT HAPPENING!" Am I really waking up with this man on my bed? Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa may napansin akong kakaiba. "No! Wait! This is not even my room!" "Ano ba!? Nakakabingi yang sigaw mo! Dinaig mo pa yung AMALAYER!" Sabi ng lalakeng katabi ko sa kama. Nahintakutan ako sa narinig ko. "Hindeeee!!!" Nagsasalita siya! Kaya hindi nga ito panaginip. Hu hu hu... Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. "Tahimik sabi!" Ng tanggalin niya ang kamay niya ay napasigaw ulit ako kaya gumanti din siya ng mas malakas na sigaw. "Naman! Nananadya ka ba!? Pag di ka tumigil papatulan na talaga kita!"  Napilitan akong tumahimik kasi mukhang galit na siya. "Hindi ka ba nag-aalala Tryke? Eto tayo nakahiga sa iisang kama?" "Tss! Natulog lang naman tayo na magkatabi kaya anong iniiyak-iyak mo diyan Althea?" "Pero hinalikan mo ko dito... dito... tapos sa bandang dito... tapos..." Tinuro ko lahat ng maselang bahagi ng katawan ko. "Haaayyyy!!! Panaginip lang yon ano ka ba!?" Napipikon niyang sigaw sa pagmumukha ko. "Pareho ang panaginip natin? Pwede ba naman yon!?" I insisted. "Hindi ko alam kung pano nangyari basta ang alam ko panaginip lang yun! Kasi tingnan mo nga oh may saplot pa rin tayo. Intact pa rin ang mga damit natin kaya imposibleng may nangyari sa atin." Namamaos na paliwanag ni Tryke. Oo nga naman! May point nga naman siya dun. Sa sobrang kalasingan tiyak na hindi na namin magagawa pang magbihis kung may nangyari nga. Haaayyy... Na-relieve naman ako sa sinabi niya. Pero parang totoo talaga eh! Tinulak niya ako pababa ng kama gamit ang paa niya... in-other words 'sinipa' niya ako hindi nga lang malakas. "Hmph! Bastos talaga!" "Sige na mag-shower ka na nga amoy alak ka eh." Utos niya sa akin. "Oo na! Sandali!" Sinimangutan ko talaga siya.   -----TRYKE's POV----- Nang makaalis na ang babaeng unggoy sa kama ko ay kinabahan talaga ako kasi may nakita akong konting dugo sa bed sheet pero hindi ko yun pinahalata sa kanya kasi baka mag-panic na naman ang Amalayer na yun. Siguro sa ilong ko nanggaling itong dugo. Sa likot naman kasi ng babaeng yun kung matulog ay baka nasipa niya ako sa mukha, kaya ayun di ko namalayang nag-nosebleed na ako. Panay ang isip ko ng mga posibleng scenario para lang kumbinsihin ang sarili ko na wala talagang nangyari sa amin ni Althea. Nagulat ako ng sumigaw na naman siya at tinatawag ang pangalan ko... "OH NOOOOO!!!! TRYKE! Huhuhu..." (facepalm) "Ano na naman Althea? Napano ka diyan sa loob ng banyo?" Di  ako nakatiis at lumapit na ako sa may pinto. Bumukas ang pinto ng C.R. Pero kamay lang ni Althea ang lumabas at may hawak itong isang bagay na pamilyar sa akin. Pano naman hindi magiging pamilyar sa akin yung bagay na hawak niya eh brief ko yung winawagayway niya eh. Para siyang bata na nagwawala sa loob ng banyo. "Hindi naman sa akin eto eh!!! Huhuhuhu..." Bakit nasa kanya yan? Agad  kong sinilip ang panloob ko at... CONFIRMED! Nagkapalit nga kami kaya di ko din napigilang mapasigaw din ng... "HINDEEEEEE!!!!"   **********   Pareho kaming napasalampak sa sahig ni Althea at sumanday sa magkabilang dulo ng kama. Tulala kami matapos ang di inaasahang pangyayari. "Now tell me... wala pa rin bang nangyari sa atin?" Nababahalang tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil sa kawalan ng masasabi. Nangingisay na naman na parang bata si Althea. "Ewwww!!! As in super ewwww talaga!" "Pa-ew-ew ka pa dyan! Nandidiri ka pa na nagkapalit tayo ng underwear eh may nangyari na nga sa atin!" Naiinis kong bulyaw sa kanya. "Bakit hindi ko man lang naramdaman na may nangyari?" Tanong niya sa akin. "Bangag ka ba? Lasing na lasing nga tayo kagabi di bah? Kaya pano mo maaalala?" Naiinis kong saad sa kanya. "Bakit wala akong maramdamang kahit anong sakit? Sabi nila masakit daw kapag first time eh." "Malay ko, baka nasarapan ka talaga!" Tinapunan niya ako ng unan sa mukha. "Gago!" "Joke lang! Di ka naman mabiro. Nagtataka din naman ako kasi parang wala naman akong naramdaman. Siguro dahil sa alak na nainom natin. Ang alam ko ay pwedeng gawing pain reliever ang alak." Pinamewangan niya ako at nagtanong. "Saan mo naman nabasa yan Mr Genius?" "Ewan ko... di ko na maalala. Basta ganun yung theory ko." Napakamot pa ako sa baba habang nag-iisip ng mabuti. "Pano na tayo ngayon Tryke???" Di na naman maipinta ang mukha niya dahil sa pagkabahala. "Tumigil ka nga sa kakangawa! Hindi mababago ang lahat ng pag-iyak mo!" Saway ko sa kanya. Kainis hindi ako makapag-isip sa sobrang ingay niya! Amalayer talaga!   #MarriageLIEcense      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook