------TRYKE's POV------
Sipa at tadyak lang naman ang inabot ko sa ama ko matapos makarating sa kanya ang scandal ko sa Boracay. "Bakit mo ginawa yon!?"
"Pa I love her!" Yun lang ang naisip kong sabihin dahil hindi ko na maalala ang mga prinaktis kong linya bago ako makarating sa bahay.
"High-school pa lang kayo anak kaya ano bang alam nyo sa love? Hindi love yan, lust!" Galit na galit na pangaral sa akin ni daddy.
"Dad, mom mahal na mahal ko lang talaga siya kaya namin nagawa ang bagay na yon."
Napamura ang daddy ko sa aking naging sagot.
Samantala...
------ALTHEA's POV------
Hinarap ko ang galit ng aking ama at sampal agad ang inabot ko mula dito. "Sabi ko magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka mag-boyfriend ang tigas ng ulo mo!"
Sa sobrang takot ko ay naghugas kamay ako. "Daddy... hindi ko po siya nobyo. Ang tanging kasalanan ko lang po ng gabing iyon ay yung naglasing ako."
"Bakit ka naman naglasing anak?" Tanong ng mama ko.
Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya na ang dahilan ay dahil may taning na ang buhay ko, kasi baka mas mauna pang mamatay ang mama ko kesa sa akin kaya pinili kong wag na lang kumibo.
"Sa madaling sabi anak ay ni-r**e ka ng gagong iyon?" Tanong ni mommy.
Hindi pa man ako nakasagot ay umabot na sa konklusyon ang aking ama kaya sinugod nito at ng apat ko pang mga barakong kuya si Tryke sa kanilang bahay.
Sinubukan ko silang pigilan pero ayaw talaga nilang paawat. Inabutan nila si Tryke na nag-iisa sa bahay nito kaya pinaulanan agad nila ito ng suntok at sipa.
Bago pa man mapatay ng pamilya ko si Tryke ay pumagitna na ako at sumigaw "Tama na! Tama na!"
Ayaw pa ring tumigil ng mga ito kaya gumawa na lang ako ng panibagong istorya. "Buntis ako!"
Pagkasabi ko sa katagang iyon ay na-estatwa lahat ng tao sa paligid ko. Drama queen na kung drama queen! Basta nagawa kong lumapit sa bugbog saradong si Tryke at pinagpatuloy ang pag-dradrama. "Daddy at mga kuya tumigil na kayo... parang awa nyo na... ayokong lumaki ang baby ko na walang ama. At lalong ayoko na ang makakapatay pa sa ama ng anak ko ay ang lolo niya at mga tito."
Kahit si Tryke ay nagulat din sa kanyang narinig.
"Ikaw lalake! Mahal mo ba talaga ang anak ko!?" Tanong ni papa kay Tryke.
"O-opo!"
"Handa mo ba siyang pakasalan?"
Sa sobrang takot ni Tryke ay oo lang siya ng oo sa lahat ng tanong ng ama ko.
"Kung ganun asan ang mga magulang mo?"
"Oo po Oo! Este! Ang ibig ko pong sabihin ay Oo tatawagan ko na po para pauwiin dito." Natataranta niyang sagot.
Hindi naman nagtagal ay umuwi na nga ang mga magulang ni Tryke. Habang nag-uusap ang mga magulang naming dalawa ay nasa kwarto lang kami at doon namin pinagpatuloy ang gamutan.
Ginamot ko ang mga putok sa labi at kilay ni Tryke. Pero napansin niya na namamaga din ang labi at pisngi ko kaya kumuha din siya ng ice at binalot niya sa panyo para ilagay sa aking pisngi.
"Huwag mo na akong gamutin, kasalanan ko kung bakit ka nabugbog" nahihiya kong saad.
"Pareho lang tayong nabugbog, dumoble nga lang ang sa akin" may himig ng paninisi si Tryke.
"Sorry talaga Tryke..." Nagi-guilty kong saad.
"Bakit mo naman kasi sinabi sa kanila na ni-r**e kita?"
"Wala akong ibang maisip na alibi eh!"
"Ibang klase din tong babaeng to! Ang ganda ganda ng dinahilan ko sa parents ko na mahal kita tapos ikaw sinabi mo sa parents mo na ni-r**e kita? Asan ba ang hustisya dun? Ikaw kaya ang pagbintangan kong r****t diyan!" Nanggagalaiti niyang saad sa akin.
"Ang tanong eh may maniniwala bah? Kahit saang korte pa tayo umabot walang maniniwala sayo na ni-r**e kita. Kasi wala pa naman akong nakikita sa tv na babaeng nakulong sa salang pang-rerape noh, lalake kamo marami."
"Baka ikaw pa Althea ang una!"
"Ah ganon!" Kaya diniinan ko ang paglalagay ng cold compress para masaktan si Tryke. Impit siyang dumaing pero tinawanan ko lang siya. "Hihihihi... Buti nga sayo!"
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin.
"Tryke pano kung ipakasal nga nila tayo?" Out-of-the-blue kong tanong.
"Okay lang!" Nagkibit-balikat pa siya.
"Okay lang sayo?" Di ko talaga inasahan ang naging sagot niya.
"Kapag kasal na tayo may license na akong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo kaya sige lang... saktan mo lang ako ngayon ng saktan at hampasin mo lang ako ng hampasin dahil kapag kasal na tayo ay makikita mo..." Pananakot ni Tryke sa akin.
"Ano namang pwede mong gawin aber?" Hamon ko sa kaniya.
"I have the license to kiss, to hug and to- ehem!" Di na niya sinabi yung panghuli pero halata naman kung ano yung gusto niyang tukuyin. Sira talaga, gusto pa akong ipa fill in the blanks.
Napalunok ako ng laway sa mga pahiwatig niya.
Haaayyy... Kung alam lang niya na gustong-gusto ko naman talaga siyang maging kabiyak, pero nag-aalangan ako sa tuwing maaalala ko ang tungkol sa sakit ko.
"Ayoko! Ayokong makasal sayo! Hindi kita mahal Tryke!"
------TRYKE's POV------
"Sorry missy... kasi sa ayaw mo at sa gusto ay magiging misis na kita" pang-aasar ko sa kaniya. Choosy pa tong babaeng to eh kung tutuusin ako pa nga ang lugi sa kasal namin kasi hindi naman siya hot katulad ng ibang babaeng kilala ko.
Relax na relax lang ako at parag walang inaalala. Walang kaso naman kasi sa akin kung makakasal ako kay Althea kasi wala naman akong pag-asa sa babaeng gusto ko na si Kiersley. Para sa akin ay patapon na ang buhay ko at kahit sino na lang basta naka-saya pupwede nang patulan. Hehe.
#MarriageLIEcense