Frenemies

1990 Words
  -----ALTHEA's POV-----   Tracing back sa kung pano kami nagkasama sa iisang kuwarto ni Tryke. Three days ago I was diagnosed with a brain cancer at according pa sa doktor ay isang buwan na lang ang taning ng buhay ko. "Doc grabe naman yan! 1 month agad? Bakit yung sa mga telenobela 3 months or 6 months or 3 years tapos ako 1 month lang mamamatay na!?" Reklamo ko dun sa doktor ko na nirekomenda sa akin ni Nikki. "Ikaw na rin mismo ang sumagot sa tanong mo Althea, sa telenobela lang yun nangyayari. You came in late kaya wala na akong magagawa. Spend the rest of your 1 month like it's your last." Bilin nito sa akin.    ********   Ganun na lang yun? 18 years old pa lang ako tapos masusulat na agad ang pangalan ko sa obitwaryo? I can't believe it! Ayokong umiyak ng nag-iisa kaya dinamay ko ang kaibigan kong si Nikki. Siya lamang ang tanging nakakaalam na may taning na ang buhay ko. Magdamag naming pinlano kung ano ang mga gagawin ko sa huling mga araw ko. Kasama sa dying wish list ko ay makasama ang mga magulang ko at mga kaibigan ko, kainin ang mga pagkaing gusto kong kainin at puntahan ang mga lugar na gusto kong puntahan. Nawindang ako ng mayroon siyang binulong sa akin para idagdag sa listahan ko. "No! No way I'm not gonna do that Nikki!" Mariin kong tanggi sa suhestiyon ng kaibigan ko. "Come on Althea, do you really wanna die a virgin!?" "Eh kanino ko naman ibibigay ang sarili ko eh wala nga akong nobyo!" Nikki rolled her eyeballs. "Duh! who says it has to be your boyfriend?" "Nikki... Hindi ako ganun ka desperada okay? I wanna do it with someone I love at kung hindi rin lang, eh di mamatay nang virgin!" "Eh sino ba yung mahal mo na gusto mong ikama?" "Ikama talaga ang term!? Hmmm... so far wala pa naman!" "Duh! Kahit sa crush di pwede?" "Crush?" Natigilan ako bigla ng banggitin ang salitang yun. "Uyyy... nag-iisip... parang gusto niya..." Panunukso niya sa akin. "Tumigil ka nga Nikki!" Saway ko sa kaibigan ko. Patuloy pa rin sa panunukso sa akin ang bestfriend ko. "Kahit gustuhin ko man ay sigurado akong hindi naman papayag yung taong yun noh. High-school pa lang tayo kaya who would do such a thing?" Tinaasan ako ng kilay ng kaibigan ko. "Except when your dying..." "Ah basta! Sigurado akong di papayag yun!" "Ay nakuu... may iniisip talaga siyang tao... uyyy... si engineer Tryke Gonzales noh?" Pang-iintriga sa akin ni Nikki. "Engineer talaga ang tawag mo sa kanya noh?" "Siyempre, I heared matalino daw sa math yun at napabilang pa sa first section! Hmph! If I know kakaiba ka tumitig pag napapadaan yun." "But he doesn't know me... he doesn't know my heart." Nalungkot ako bigla sa isiping yun. "Halllerrr!!! Ikaw kaya ang governor ng campus kaya imposibleng hindi ka niya kilala." "Oo nga but not personally." "So kung lapitan ka niya isang araw... baka pwede?" "Maybe." I just smiled at her. All-out-party ang mga representative ng Blue East High-School sa Boracay matapos ang lahat ng mga event namin sa Palakasan. This is our last night to enjoy Boracay. Habang nagsasaya ang lahat ay eto ako nasa isang tabi at nagpapakalunod sa alak. I'm dying... kaya kahit puntahan ko pa ang mga lugar na gusto kong puntahan ay hindi pa rin ako magiging masaya. I'd rather drink hard and cry hard... Baka sakaling makalimutan ko pa ang sakit ko. -----TRYKE's POV------ "Pare, there's your random girl!" Sabi ni Dave sa akin habang itinuturo ang governor ng school namin na si Althea de Guzman. "Yan?" "Oo yan! Di bah naghahanap ka ng ipapalit kay Kiersley, eh di yan!" "Bakit naman yan?" Napangiwi ako sa babaeng tinuro niya. Hindi naman sa hindi ko tipo si Althea, may iba lang talagang gusto ang puso ko sa mga oras na iyon. "Pare, look at her she's drinking to death kasi iniwan siya ng boyfriend niya na sobrang mahal niya." "Eh ano ngayon?" "Then she's the one you're looking for! Di bah ayaw mo sa babaeng mahal ka, kasi baka masaktan mo lang sila kapag nalaman nilang mahal na mahal mo si Kiersley. Kaya yan pare, yan na ang gawin mong prospect kasi pareho lang kayong may ibang gusto at parehong malinis ang konsensya niyo. Nobody needs to be hurt, as simple as that! Just love for fun pare! Malay mo later on ay mahulog pa kayo sa isa't-isa at tuluyang makapag-move on sa mga taong ayaw sa inyo." Mahabang paliwanag ni Dave. "You really think so Dave?" "Oo pare! Try it!"     ------ALTHEA's POV------ May biglang kumuha sa basong hawak-hawak ko at ininom ang laman. "Hey!" Natameme ako ng makitang si Tryke pala ang kumuha at uminom sa baso ko. "Marami ka nang nainom missy that's enough!"  Awat sa akin ni Tryke. Aba! Hindi porke't crush ko siya ay pwede na niya akong pasunurin! "Who the hell are you para utusan ako ha? Bakit boyfriend ba kita?" Sumapi na yata sa akin ang espiritu ng alak kaya hindi ko na napigilang mag-taray sa kaharap. "Missy... remember this face dahil sa susunod na mga araw ay magiging boyfriend mo na to! At dahil magiging boyfriend mo na ako in the near future ay may karapatan akong pigilan kang uminom. Dahil para sa kaalaman mo... ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang babaeng lasengga!" WHAAAATT!??? "Tsk! Ikaw? Magiging boyfriend ko? Hahahaha!!! Yun ay kung hindi ako mamatay after 1 month! Kapag nabuhay ako, hindi lang kita gagawing nobyo alam mo ba yun? Gagawin pa kitang asawa ko!" "Hindi matatapos ang tatlong araw Althea, bibigkasin mo rin ang mga katagang I love you sa akin." Grabbbeee!!! Kahit lasing ako sumisiksik pa rin sa utak ko ang pagiging mahangin niya. "Wow! Ang laki naman ng pagka-bilib mo sa iyong sarili... Hahaha. Malabong mangyari yan kasi ako... after 1 month ay-"     -----TRYKE's POV------ Hindi na natuloy pa ni Althea ang sasabihin kasi nawalan na siya ng malay. Bagama't nahihilo na rin ako sa mga nainom ko ay nagawa ko pa ring dalhin si Althea sa kwarto ko bago kami natumba at nawalan na rin ako ng malay.   Balik sa kaslukuyan... "Yun lang talaga ang huli kong matandaan nang mabuwal tayo pareho sa kama at dumilim na agad ang paligid. Ang alam ko ay nakatulog na ako pagkatapos." "Ang huli ko namang matandaan ay nung binubuhat mo ako papunta dito." Sabi naman ni Althea. Naputol ang pag-uusap namin ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Dave, ang kaibigan ko at si Nikki naman ang kaibigan ni Althea. Click! Click! Click! Nagawa pa kaming kunan ng picture mula sa cellphone ni Nikki. "Well! Well! Well! what do we have here Nikki, two birds in one stone!" Biglang sabi ni Dave.  "Kelan pa kayo naging close na dalawa?" Tanong ni Althea sa mga bagong dating. "Poor Althea... nadamay ka pa tuloy sa galit ko kay Kiersley." Nagpakita nga ng simpatya si Nikki sa kaibigan niyang si Althea pero halatang peke naman.  "Anong kinalaman ni Kiersley dito?" Tanong ko kay Nikki. "Well, eversince the world begun ay kinaiinisan ko na yang si Kiersley for my own personal reason." Yun lang ang sinabi ni Nikki kaya hindi pa rin malinaw sa akin ang kaugnayan nito sa kanila. "Kayo ba ang nag-set-up sa aming dalawa? Pinlano niyo ang lahat ng ito?" Sunod-sunod na tanong ni Althea sa taong akala niya ay kaibigan niya. "Ikaw Dave anong dahilan mo para gawin to sa akin? Akala ko ba kaibigan kita?" This time ay ako naman ang nagtanong kay Dave. "Kaibigan? May kaibigan bang nang-aagaw?" Sagot niya sa akin. "Wala akong inagaw sayo Dave!" "Meron Tryke! Marami! Ang basketball team, ang chess club, ang math club... lahat! Mula ng lumipat ka sa school ko ay inagaw mong lahat!" "Hindi ako lumipat sa Blue East para lang maungusan ka sa lahat ng school activities Dave, lumipat ako dahil kay Kiersley." "Kaya nga Tryke, lumipat ka dahil kay Kiersley! Grumaduate na siya at lahat-lahat ay nanatili ka pa rin sa Blue East! Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako magiging valedictorian ngayon!" "Pathetic nerd! Kasalanan ko bang kasing bobo mo ang mga alaga mong daga!? Kung talagang matalino ka, mag-eexcel ka ng hindi kailangang manira ng buhay ng iba." "Pathetic pala ha! Sino kaya ang magiging pathetic sa atin kapag umabot na kay Kiersley ang mga pictures na kuha ni Nikki?" Pananakot nito sa akin. Sumugod ako kay Dave at akmang susuntukin na ang ito ng pigilan ako ng mga salita ni Nikki. "Sige Tryke, one wrong move at ise-send ko ang mga pictures na ito kay Kiersley." Kaya agad akong nagbawi ng kamay. "Good... masunurin ka naman pala eh." Pang-aasar sa akin ni Dave. "Kahit ipakita nyo pa yan kay Kiersley siguradong pagtatawanan lang kayo nun dahil hindi naman siya maaapektuhan kasi hindi naman niya ako mahal!" Saad ko sa kanilang lahat. "Kung ganon eh di pasisikatin na lang namin kayo sa f*******: at youtube mamaya." Tatawa-tawang saad ni Nikki. "Hindi niyo pwedeng gawin yan Nikki dahil may cyber crime law na ngayon kaya alam kong hindi nyo kami pwedeng takutin gamit ang mga pictures na yan!" Saad ni Althea. "Hmmm... may utak ka rin pala Althea, eh di sige... kung hindi namin pwedeng i-post sa internet ipakita na lang namin sa parents nyo?" Muli ay may alas na naman sila laban sa amin. "Yan ang wag na wag mong gagawin!" Halos maiyak na sa takot si Althea at naiintindihan ko siya dahil sa ganitong sitwasyon ang babae talaga ang lalabas na kahiya-hiya. "Then you have no choice kundi maging sunod-sunuran sa amin ni Dave dahil kayong dalawa ay parehong hawak namin sa leeg" pagmamalaki ni Nikki. "Anong kailangan naming gawin upang ibigay nyo sa amin ang mga pictures?" Yun din sana ang itatanong ko pero naunahan na ako ni Althea. "No, we won't give you the pictures pero hindi muna namin ipapakita sa mga parents nyo kapag ginawa niyo ang gusto namin." Sagot ni Nikki. "Ano ba yung mga ipapagawa niyo sa amin?" Tanong ko sa kanila. "Gusto kong magpatalo ka sa darating na math olympics." Si Dave ang sumagot. "You did this dirty trick para lang dun? Kung talagang gusto mong maging valedictorian talunin mo ako sa patas na paraan, hindi sa ganito!" Mabilis na nag-init ang dugo ko sa unang kondisyon na binigay nila. "Ibig bang sabihin niyan ay hindi ka magpapatalo?" Tanong ni Dave sa akin. "Never!" Mariin kong sagot. "I see... then prepare a perfect alibi to your parents guys..." Yun lang ang sabi ni Dave at lumabas na rin sa kwarto ang dalawa. Muli ay namroblema na naman  kami ni Althea. Nakakapanghina talagang malaman na yung mga matalik mong kaibigan ay may kinikimkim na palang galit sayo at naghihintay lang pala ng tamang pagkakataon para idiin ka at makitang gumagapang sa lupa. "We got fooled by the people na inakala nating mga kaibigan" saad ko kay Althea. "Nagpaloko naman ako sa mga sinabi niya...huhu. Nakakinis talaga!" Pansin ko ang panggigil ni Althea na sampalin yung kaibigan niyang traydor pero wala lang talaga siyang magawa dahil gaya nga ng sabi ng mga ito na hawak nila kami sa leeg. "Magpatalo ka na lang kaya sa math olympics Tryke?" "Mga traydor sila kaya bakit ako magtitiwala sa kanila, at narinig mo naman ang sinabi ng kaibigan mo di bah, wala silang balak ibigay sa atin ang lahat ng kopya ng mga pictures. Kapag nagpatalo ako, habang buhay nilang gagamitin sa atin ang mga larawang iyon. Gusto mo bang buong buhay mo ay mag-sunod-sunuran ka sa mga praning na yon?" "Eh pano kung umabot na sa kaalaman ng parents natin ang lahat?" "Kanya-kanyang diskarte na lang tayo Althea... save yourself!" Nag-empake ako ng mga gamit kaya walang ibang nagawa si Althea kundi bumalik sa sariling kwarto at maghanda na ring umuwi. Maraming pasabog na magaganap bukas... kailangang maghanda.   #MarriageLIEcense                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD