MABILIS akong lumayo sa kanya at nagpunta sa kwarto. Kinuha ko ang damit ko sa closet. Kakaunti lang naman ito. Sino ba naman ang maglalayas ng maraming dala? I was done in no time. Iniwan ko na ang toiletries ko.
I wrote Abigail a quick note. Mamimiss ko s'ya ng sobra. She was like a sister to me. Others are not so lucky to get along with their roommates but I did. Kung hindi ko nga lang kailangang lumipat agad sa bahay ni Balt ay bukas na lang ako aalis. Sasaglit na lang ako dito at dadalhan ko sila ng pagkain para makapagpamaalam ako sa kanila ng maayos kapag hindi masyadong busy. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong naiinip na si Balt.
"Are you ready?"
Tumango ako. "Yes." Humarap ako kay Aling Mona. "Salamat po sa pagpapatira n'yo sa akin dito," ngumiti ako sa kanya.
She smiled — genuine this time. Siguro ay nalulungkot rin na aalis na ako. "Salamat din. Huwag ka ng maglalayas ulit. Pag-usapan n'yo na lang ng asawa mo ang problema kapag may hindi kayo pinagkakasunduan. Pero kung sakali, alam mong bukas ang tahanan ko sa iyo."
Sumabat naman ang kasama ko. "She won't be leaving me again," kinuha n'ya ang bag ko at s'ya ang nagbitbit.
Hindi ko napigilan ang mapaismid. "Aling Mona, tutuloy na po kami. Salamat po ulit."
Naglakad kami patungo sa kotse n'ya at nagsimulang magbyahe. Hindi ko naitanong kung saan ang bahay n'ya. "Saan ka pala nakatira?"
"West Palm. I also have a rest house in Tagaytay, doon tayo kapag weekend. I have other several houses more."
He was saying it so casually na para bang kendi lang ang halaga ng bahay n'ya. Oh well, mayaman din kami pero hindi naman ganoon kadami ang properties namin."
"Why do you have so many houses?"
"I don't like staying in hotels and I am always on the road."
Tumaas ang isang kilay ko. "So you buy a house instead?" Tumango ito. Wow. Eh di ikaw na nga ang sobrang yaman.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos n'yang masagot ang tanong ko. Tumingin na lang ako sa labas at hindi ko namalayan na nakaidlip alo. Naalimpungatan lang ako ng tumigil ang sasakyan. Ang bango ng sinasandalan ko at medyo matigas pero.. bakit mainit? Nang magmulat ako ng mata ay hindi gilid ng kotse kundi dibdib ni Balt ang nabungaran ko.
"Did you have a good nap?"
His arms were around me. Napatuwid ako bigla ng upo.
"Sorry, nakatulugan kita," nakakahiya. Bigla ko tuloy nahawakan ang labi ko at baka natuluan ko pa s'ya ng laway.
"I don't mind," he looked at me with amusement. "Come and I'll tour you around the house."
Pinagbuksan s'ya ng pinto ng driver at inilahad n'ya ang kamay sa akin para tulungan akong lumabas. Nahiya naman akong hindi kunin kaya tinanggap ko na rin. Napanganga ako sa bahay n'ya. Sobrang laki nito at maiihalintulad sa bahay ni Al Pacino sa Scarface. There were palm trees everywhere and don't even let me start with the huge pool. Balt is loaded.
HER eyes widened when she realized she fell asleep on my chest. Nakita ko s'ya kanina na nakaidlip na sa gilid ng kotse. She looked uncomfortable at hindi ko s'ya matiis sa tayo n'yang nakabaluktot kaya kinabig ko s'ya palapit sa akin. Lily is really beautiful. Her eyes are mesmerizing.
Noong una kaming nagkita, mainit ang ulo ko dahil ayaw akong tantanan ni Papa. Minamadali n'ya akong magpakasal. Kasal na si Kuya Martin five years ago at may dalawang anak na makulit. Ang bunso naming si Marshall ay kinasal na rin two years ago. Buntis na rin ang asawa n'ya.
I was touring her around the house now and she seemed quiet. "Your room is here, adjacent to the master bedroom."
She looked relieved. "Okay."
"Did you think we will share the same bed? Pwede naman," tukso ko sa kanya.
"Uh — no thank you," she turned red.
"I was just kidding. I have other women to warm my bed anyway."
Sukat sa narinig n'ya ay naningkit ang mata nito. "W-what did you just say?"
"I have other women to warm my bed," ulit ko.
"Then why not marry one of them? Hindi mo pa kailangang magbayad."
"I have money to burn. And besides, kapag pinakasalan ko ang isa sa kanila — hindi nila ako hihiwalayan. I don't want to stay married. Marriage is a sham, don't you think?"
"If you marry the wrong person then it's a complete sham," kibit balikat n'yang tugon sa akin.
"You're not perhaps talking about marrying for love, right?"
"My parents were in love with each other. Maganda ang naging pagsasama nila."
So she believes in love. "Have you ever been in love before?"
"Nope. Have you?"
"Yes."
Tumaas ang kilay n'ya. "You know what, you have women at your disposal but you don't want to marry any of them. You fell in love with someone but you didn't marry her either. What's wrong with you? I don't want to think you prefer —"
"Prefer what?" Alam ko kung ano ang tinutukoy n'ya.
"You know what I mean."
I want her to say it. "No, I dont. Enlighten me please."
She rolled her eyes. "Maybe you prefer the opposite sex."
Napatawa ako. "No offense but I love women, and I don't swing that way."
"Oh, sorry."
"As for the woman I am in love with, tinanggihan n'ya ako."
S'ya naman ang napatawa. "She must be stupid then. Mahal mo na s'ya not to mention she will live a comfortable life with you and yet, she still said no. Wait, baka naman masama ang ugali mo?"
"Mabait kaya ako."
Napaismid s'ya. "Talaga lang. Okay, baka may iba s'yan gusto kaya ayaw n'yang magpakasal sa 'yo. Hindi naman kasi lahat ng bagay nakukuha natin."
Napatiim bagang ako. "Do you like someone else?
Tumaas ang isang kilay. "Eh ba't ako ang tinatanong mo?"
"Masama bang magtanong?"
"Your question is irrelevant."
"It is relevant because we are getting married tomorrow at ayaw kong may aali-aligid sa 'yo."
Napasimangot ito. "Wala akong nagugustuhan so you have nothing to worry about."
"Good to hear that. Magpahinga ka muna sa kwarto mo at mag-uusap tayo uli mamaya."
"Wait, can I — uh," napakamot ito sa leeg n'ya at itsurang nahihiya.
"You are free to go and use whatever you want in the house. Including the wide pool outside. I have to attend a video conference in ten minutes. I will see you later."