YOUR blue eyed bride -- really Lily? Hey, that's the best thing I can come up with. F*ck my life. Sa dinami dami ng pwede kong maging asawa, talagang ang antipatikong lalake pang ito. Ang aga aga nabibwiset na kaagad ako. When I looked at him, he's got an amused look on his face. Hindi ko napigilan na tanungin s'ya.
"Is there something wrong?"
Umiling ito. "Nope, just curious. Your name is Lily Donnelly, right?"
Tumango ako. Kilala ba n'ya ako? "Yes."
"Why this job? You seemed like a very intelligent woman," pinagkrus n'ya ang mga kamay n'ya at ipinatong sa ibabaw ng mesa.
Napakunot noo naman ako. "Why not this job? It's easy. At isa pa, marangal. It's not like we're selling ourselves for s*x. Clients can't even touch us."
Nakita ko ang pagtagis ng bagang n'ya. O guni guni ko lang ba 'yon? "Tell me, how many clients have you had?"
Napalunok ako. "Ikaw pa lang."
"So you're new?" The lunatic seemed relieved. Bakit kaya?
"Yes. But I can assure you, I can do my job well," pagmamalaki ko sa kanya. I guess ito ang namana ko sa aking ama. I can really bluff well. Tipong sasabihin kong alam ko na kahit hindi pa at saka ko na aaralin kapag kaorasan na. I have always been like that in school. Pwede ko rin palang i-apply sa trabaho.
"Okay, good enough. Just so you know, we are getting married tomorrow. The marriage license and other drafts are being processed as we speak. Kukunin na natin ang gamit mo ngayon sa tinitirhan mo. You will be staying in the guest room starting tonight."
"Kailangan bang ngayon na? Pwede namang bukas," ikinagulat ko ang sinabi n'ya. Akala ko ay bukas pa ako lilipat dahil bukas pa naman kami ikakasal. Hindi pa ako nakakaempake! Lily, hindi naman madami ang gamit mo. Isang travelling bag lang naman, huwag ka ngang exaggerated d'yan.
"I just want to make sure that you're comfortable. Isa pa, darating ang lola ko mamaya. We are having dinner tonight."
"Ha?" Lola? Anong sasabihin ko? Nasaan ba ang script ng letseng pagsasama na ito? Mukha namang nahulaan n'ya ang iniisip ko.
"Just be yourself. You can even tell her where you graduated or share any information you're comfortable with. Kapag ayaw mong sagutin, just say so. Mabait ang lola ko. Hindi s'ya matapobre."
Sana nga. "Okay."
"Since okay na tayo, I'll ring for the agent to seal this deal then we'll go get your things. Saan ka ba nakatira?"
"Malapit lang dito, sa may Singgalong."
"You're renting a house?"
"More like I'm renting a room. May kasama ako sa kwarto."
He frowned. "Kasama? Lalake?"
Napatawa ako sa tanong n'ya. "Syempre babae! Aling Mona would be so mad if I share a room with a man. Anim kaming boarders n'ya at s'ya ang nasa dulong kwarto."
He looked relieved. Again. "So this Aling Mona will not be upset if you leave her boarding house today?"
"Uhm -- baka magalit s'ya kasi mawawalan s'ya ng kita next month. Hindi pa ako nakakabayad ng renta ngayong buwan eh," napakamot ako sa leeg ko ng wala sa loob.
"Don't worry, I'll pay this month and next month's rent. Siguro naman nakahanap na s'ya ng bagong boarder by then."
"That's nice. Malaking tulong 'yon sa kanya."
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Nahuli ko s'yang nakatitig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya at nag-init ang pisngi ko. His eyes were different from yesterday. If his eyes yesterday was cold and calculating, ngayon naman ay parang may gustong gawing kalokahan. Iba ang kulay ng mata n'ya sa akin. It's green with a little bit of brown and gold -- hazel eyes.
"Keep staring at me like that and I just might kiss you," he said.
Napaamang ako at bago pa ako makasagot sa kanya dumating na ang agent ng Blush. It's the same woman who hired me yesterday. "Good morning guys, as you know -- my name is Nadine. I have three copies of the contract. We are keeping the original but here's a copy for the both of you," inabot n'ya sa amin ang dalawang folder.
"Thanks," nagpasalamat ako sa kanya. Samantalang si Balt ay tinanggap lang at ni hindi tiningnan. Hindi rin nag-thank you.
"The wedding is tomorrow. Usually, we do the wedding here but the client requested it to be done in his home. It will be a garden wedding, I heard. Anyway, congratulations in advance. Also, he made another request about the p*****t. I made arrangements to make sure you receive your cheque today. It's post dated and you won't be able to cash it until after seven days from today. But at least you don't need to make another trip here to get it, so here," inabot n'ya sa akin ang cheque.
"Thank you. I appreciate it." Mukhang magaling makipag-negosasyon itong si Balt. Hindi ko masyadong nabasa ang profile n'ya. Bago ako matulog mamaya ay papasadahan ko ng basa. I have to know something about him too. Baka tanungin ako ng lola n'ya ay wala akong maisagot. Basic information lang naman daw ang nakalagay sa documents kaya tatanungin ko na lang s'ya mamya kung may maisip ako.
"Nadine, we should get going. Kukunin pa namin ang gamit n'ya sa apartment. Have a great day," tumayo na ito at ibinutones ang coat.
Hindi ko pa talaga s'ya narinig magpasalamat. Ganito ba kamahal ang thank you n'ya? Tumayo na rin ako. Hindi n'ya ako hinawakan pero sabay kaming naglakad. At ng makalabas kami ng agency ay bumaba ang driver at ipinagbukas kami ng pinto. Ang kotse ay isang itim na Benz. Sabagay, barya lang ang kotseng ito sa kanya kung kaya n'yang magbayad ng anim na milyon para sa kontrata ng kasal. Ibinigay n'ya ang address ng apartment ko sa driver. Sinalubong kami ni Aling Mona.
"O, Lily. Ang aga mong umalis kani -- sino 'to? Hindi ba sabi ko sa iyo, bawal magdala ng lalake dito?" Biglang dumiling ang mukha nito at sumimangot.
"Ah, ito po si --"
"I'm Balt, her husband. I'm here to take my wife home," walang emosyon na sabi nito pero umakbay sa akin at kinabig ako palapit sa kanya.
Lumuwa ang mata ni Aling Mona. "May asawa ka na?"
Dadagukan ko itong si Balt. "Eh kasi po --" Ni hindi n'ya ako patapusin.
"Sabi mo single ka?"
"Aling Mona, kasi po --"
"Nagkaroon kami ng tampuhan kaya umalis s'ya sa bahay. Pero maayos na kami ngayon at iuuwi ko na s'ya," hinalikan n'ya ako sa tuktok ng ulo ko. "Go get your things, babe. I'm getting hungry."
Babe?
"Hindi pa s'ya pwedeng umalis. Hindi pa bayad ang renta n'ya," giit ng kasera ko. Napako ako sa kinatatayuan ko.
"How much is the rent?"
"Dalawang libo isang buwan."
"Here's four thousand. It should cover next month's rent as well until you find someone to rent her old room."
Napanganga ito. "Salamat. Hindi ko inaasahan ito."
Tumango lang si Balt pero ako ay hindi pa rin umaalis sa tabi n'ya kaya bumulong s'ya this time. "Get your things now or I'll kiss you in front of her. Take your pick."