Chapter 1
HULING dalawang libong piso na lang ang kapit ko. Inis na inis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magtipid. Kasalanan ko ba kung hindi ako marunong magluto? Kahit sabi nila ay mura ang pagkain sa karinderya ay mahal din kapag araw araw — lalo na kung wala kang trabaho. Natural mauubos ang perang hawak mo. Hoy Lily, ipinapaalala ko lang sa 'yo — kumakain ka sa mamahaling restaurant araw araw kaya mabilis na naubos ang pera mo. Hindi ba at ayaw mo pa ngang tikman ang pagkain sa karinderya ni Aling Melai noong isang buwan dahil baka 'hazardous' sa health mo? Napangiwi ako. Okay, so mali na ako at naging judgmental agad. Masarap naman ang luto n'ya at malinis. Ang problema — sobrang chismosa n'ya. Tanong ng tanong ng tungkol sa buhay ko. Bakit? Feeling close agad agad?
Nagkaroon din ako ng mga bagong kakilala sa inuupahan kong apartment. Anim kami rito at isa lang ang banyo. Kasama namin ang kaserang si Aling Mona. Matandang dalaga at medyo may kasungitan pero at least hindi s'ya matanong basta on time ang bayad mo sa renta. Apat ang kwarto dito. Kasama ko sa kwarto si Abigail. Si Daria at Jing sa kabila at sa katabi nila ay si Sally at Irene. Ang dulong kwarto ang inookupa ng kasera.
Pwedeng magluto, huwag mo lang sisilabin ang bahay. Mababait ang mga kasama ko sa buhay. Lahat sila ay nagtatrabaho sa call center kaya madalas, kami lang ni Aling Mona sa bahay kapag gabi. Naisip ko rin na mag-apply kaya lang hihingi sila ng credentials ko at wala akong dala. Sa pagmamadali ko kasi naiwan ko ang folder sa study table ko. Hay buhay!
Kaya eto, naglalakad lakad ako ngayon at baka sakaling may ibang trabaho na hindi naman mahirap pero malaki ang bayad. I wonder if such job exists. At the age of twenty three, I have never worked a day in my life. Sa bahay nga ay magkaiba pa ang taga-laba at taga-plantsa namin. Iba rin ang taga-luto, taga-linis at may sarili akong yaya. Bigla mo tuloy na-miss si Yaya Coring.
Nalampasan ko ang pink na pinto. Who the hell would color their door like that? It's a little tacky if you ask me. Pero na curious din ako kaya pumasok ako. Sinalubong ako ng isang magandang babae na nakasuot ng puting slacks at pink na halter top. In fairness, para s'yang modelo.
"Hi, how may I help you?"
"Hi, I was just curious. What is this place called?"
Ngumiti ito. "Blush is a dating agency."
Napanganga ako. A dating agency. Okay, masyado na bang mahirap humanap ng jowa ngayon at kailangan pang magbayad ng mga tao? I wonder how much they make.
"Are you looking for a job or perhaps.. a boyfriend or husband?"
Definitely not the latter. "A job," that made me swallow twice. The door is tacky enough.. and now I am going to work for them and will be in and out of that tacky pink door. I mentally face palmed myself.
"Awesome. Let's sit and talk. By the way, are those contacts or real blue eyes?"
"It's real," tipid kong sagot sa kanya. My father is American while my mother is a Filipina. She died from breast cancer when I was only sixteen. Masyado lang talaga malakas ang dugo ni Daddy kaya kanang kana ang itsura ko.
"It's really beautiful. Anyway, we have rules to abide. The job pays really well. You get paid monthly. So for example, the contract is twelve million for a year, you get ten percent of that. Divide that amount by twelve and that's what you get monthly. You get the first p*****t seven days after the contract is signed by both parties."
That's a lot of money, pero paano naman ang puri ko? "Wait, I don't mean to be rude — but does this involve s*x?"
Napatawa ito. "That's the beauty of this business. No s*x is allowed. Although, public display of affection needs to happen para hindi magtaka ang mga tao. Anyway, basahin mo na lang ang handbook. Interesado ka ba?"
"Sure. Where do I sign up?"
"Just fill this up and I will make your profile online. May access ka din dito pero basic information lang. You will need clearance if you want to see more."
"Okay."
Wala naman akong ibang pagpipilian. Ayaw ko pa ring umuwi sa bahay namin. At least ang kasal ko dito, may expiration date. Isa pa, isang beses lang naman at magreresign na ako. Mahigit isang milyon ang kita at hindi naman mahirap ang trabaho.
Paglabas ko ng pinto ay nabangga pa ako ng isang matangkad na lalake na medyo alon alon ang maitim na buhok.
"Watch where you're going," singhal n'ya sa akin.
"You're the one who should look where you're going you brute!"
Pagkatapos ko s'yang singhalan ay nilayasan ko s'ya. Bwiset! Parang s'ya lang ang anak ng Diyos ah — hari ng daan lang ang peg? Itsura n'ya! Aminin mo, ang gwapo n'ya! Hmp! Kahit na, antipatiko naman. Hindi bale na lang.
Bumili uli ako ng pagkain sa karinderya at dinala sa bahay. Bawal kumain sa kwarto at baka ipisin daw kami kaya mabilis kong inubos ang pagkain sa hapag. Manipis lang ang handbook pero ang mga dapat tandaan ay madami. Front and back pa! Nakatulugan ko na ang pagbabasa. Pag gising ko sa umaga ay tumawag sa akin ang agency at sinabi na may email sila. My profile was made yesterday. Dala ko ang laptop ko at nag log in ako sa website na ibinigay n'ya. May client, age twenty six. Anim na buwan ang kontrata, anim na milyon.
Mabilis akong naligo at nagbihis saka nagtaxi papuntang agency. Naghihintay ako sa conference room ng bumukas ang pinto at sumungaw ang isang lalake. Laking gulat ko ng makita ko kung sino 'yon. It's the same man who bumped into me yesterday. Damn it! Is he the one I'm going to marry?
Pogi naman talaga s'ya. Mukha lang bugnutin at may attitude pa. Patay ako nito. Pumirma pa naman ako kanina sa kontrata. Uso na kasi ang electronic signature. Wala ng atrasan.
"Well, look who's here," Sabi n'ya sa akin na hindi ngumingiti. "I'm Balt España. And you are?"
"Your blue eyed bride."