OKAY din pala ang kakaunti lang ang gamit. Mas madaling magligpit. Saglit lang at nailagay ko na sa closet lahat ng damit ko. It's such a luxurious room. Sabagay, lahat naman ng masilayan ng mata ko sa bahay na ito ay mamahalin. Gusto ko sanang mag-swimming pero tinatamad pa ako. Mamaya na lang sigurong gabi para tulog na silang lahat. Nakita ko ang folder na galing sa Blush. Naglalaman 'yon ng basic information ni Balt. Kinuha ko 'yon at saka lumabas ng kwarto. Sa laki ng bahay na ito, parang maliligaw ako pabalik sa kwarto ko. Pero ayos lang, marami namang kasambahay. Magtatanong na lang ako sa kanila. I got out at the back and saw a hammock. Nasa pagitan 'yon ng dalawang manggang malaki. Nakakatuksong mahiga doon kaya pinagbigyan ko ang sarili ko. Nagpalit ako ng damit kanina at nags