#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 18 “Unit number of Khiro Martinez please…” sabi ni Kameon sa babaeng nakapwesto ngayon sa reception area ng condominium building. Talagang nagmamadali ito simula sa pagpasok pa lamang rito sa loob hanggang sa pumunta siya rito sa area na ito. Ngumiti ang magandang babae sa kanya bilang pag-welcome. “Kaano-ano niyo po siya Sir?” malambing ang boses na tanong ng babae. Halatang hindi naman nito nilalandi si Kameon, sadyang natural na yata rito ang pagsasalita ng ganun. “Ah eh… Kaibigan niya ako… Sige na Miss, ibigay mo na nagmamadali kasi ako…” sabi ni Kameon. “Ah ok Sir… Tatawagan ko po muna si Mr. Martinez para ipaalam na…” “Huwag!...” biglang pagpigil ni Kameon sa receptionist na ikinagulat naman ng huli. Literal kasi na napas