#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 19 Nasa arrival area kami ngayon ng airport. Hinatid kasi namin ni Howard sila Gale at Yohan na ngayon ay babalik na muli sa US. Tapos na kasi ang kanilang bakasyon. “Be a good boy ok…” narinig kong sabi ni Howard kay Yohan na buhat-buhat nito. Nakita ko naman na tumango ang bata na mababakas sa mukha ang lungkot. “Oh baby, don’t be sad, magkikita pa naman ulit tayo eh…” sabi pa ni Howard sa anak. Pati ito ay napansin ang lungkot sa mukha ni Yohan. “Mamimiss ko po kayo…” malungkot na sabi ni Yohan sa daddy niya. Napangiti naman si Howard. Hinalikan nito sa pisngi ang anak. “I’m gonna miss you too…” sabi nito. Makikita rin kay Howard ang lungkot dahil sa napipintong pansamatalang paghihiwalay na naman nila ni Yohan. Kapag