#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 17 “ANONG IBIG SABIHIN NG MGA NAKITA NAMIN KANINA HUH?!!!!” dumagundong ang malakas na sigaw ng Daddy ni Gabriel sa loob ng condo unit na iyon. Halata sa mukha nito ang galit. Naputol naman ang pagkatulala ni Gabriel. Kaagad itong tumayo mula sa inuupuan at kaagad na nilapitan ang mga magulang. Sumunod ring tumayo si Kristian. “Dad… Let me…” Hindi pa natatapos ni Gabriel ang sasabihin pa sana niya ng biglang dumapo sa pisngi niya ang malakas na suntok ng kamao ng kanyang ama. Halos mapatumba siya sa lakas ng suntok nito. Nakaramdam siya ng gulat at takot. “Kaya pala gusto mo rito sa Maynila mag-aral… Kaya pala kasi dito mo gustong magladlad… Ang tanga lang namin ng Mommy mo na pinayagan ka namin…” galit at nanggigigil na sabi n