bc

IN HIS ARMS [COMPLETED]

book_age16+
977
FOLLOW
2.4K
READ
dark
forbidden
forced
drama
abuse
betrayal
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

"Mali man sa tingin nila ang nararamdaman kong ito para sayo... mali man sa tingin nila na mahalin kita... Hahayaan ko na lang na maging mali ito para sa kanila... dahil ang mahalaga... tama ito para sa ating dalawa..."

BETWEEN YOU AND HIM BOOK 2: IN HIS ARMS

A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL BOYXBOY ROMANCE NOVEL

ALL RIGHTS RESERVE, 2020

COPYRIGHT (C) 2020

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Between You and Him Book 2: In His Arms (BOYXBOY)   DISCLAIMER:     No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including  photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.   All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance  to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2020  All Rights Reserve 2020   GENRE: ROMANCE, BOYXBOY   PROLOGUE…       “F*ck! Shiiiitttt!!!!...”      “Ahhhhh…. F-Faster…!!!”     Napapikit ako ng aking mga mata. Napabuntong-hininga. Hinayaang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha.     Pamaya-maya ay napasandal na lamang ang aking likuran sa pader. Nasa tabi ng sinasandalan ko ang pintuan ng kwarto kung saan doon nanggagaling sa loob ang ingay. Ingay na para sa kanila ay napaksarap pakinggan sa kanilang mga pandinig habang sa pandinig ko naman ay napakasakit mapakinggan.     Sinong hindi masasaktan kapag narinig mo iyon? Kung alam mong nanggagaling ang mga iyon sa mismong bibig ng taong pinag-alayan mo ng habambuhay kasama pa nito ang isang taong kilala niya ngunit hindi ko naman kilala.     Napakasakit para sa akin na marinig ang mga iyon. Mga ungol at halinghing na tanda na ito’y nasasarapan. Nasasarapan na hindi ikaw ang may gawa ngunit iba ang gumagawa nun.     Naturingang ASAWA ko na siya ngunit iba ang kasa-kasama niya ngayon sa kwarto naming dalawa at gumagawa ng milagro. Alam nitong narito lamang ako sa labas at naririnig sila ngunit wala itong pakielam.     Muli kong iminulat ang aking mga mata. Pinigilan na ang pagluha. Hinayaang matuyo ang mga luhang kanina’y bumagtas mula sa aking mga mata patungo sa aking mga pisnging kakikitaan mo ng bakas ng pasa.     Inilibot ko ang aking mga paningin sa kabuuan ng condo unit naming dalawa na simula naming tirhan pagkatapos ng aming kasal. Mabuti pa ang tinitirhan naming dalawa, maayos ngunit ang aming pagsasama… hindi.     Ilang buwan na rin ang nakalipas ng kami’y ikasal ni Howard. Naging masaya ang okasyong iyon na dinaluhan ng malalapit naming kaibigan kahit na sa ibang bansa pa iyon ginanap. Siyempre, hindi rin nawala sa okasyong iyon ang mga taong pinakamalalapit sa amin, sila Gale, Yohan at Tristan.     Pero nang matapos na ang kasalang iyon at bumalik kami rito sa Pilipinas, doon nagsimula ang akala ko’y langit na pagsasama. Pagsasamang puno ng hinanakit, paghihiganti at p*******t.     Saksi ang condo unit naming ito sa lahat ng hirap at sakit na nararanasan ko sa piling niya. Sakit na alam kong ibinibigay niya sa akin dahil sa kasalanang ako rin ang may gawa. Gumaganti siya. Gumaganti siya sa pamamagitan ng p*******t hindi lamang sa pisikal ngunit pati sa emosyonal.     Pagkatapos ng aming kasal, Nanirahan kami ni Howard rito sa Davao City. Ang condo building namin kung saan dito kami nakatira ngayon ay matatagpuan sa progresibong syudad. Hindi na namin ngayon kasama si Yohan dahil naiwan na ito ngayon kay Gale na siyang ina nito. ‘Yun naman kasi di ba ang plano, kapag nagpunta kami sa US at doon ay nagpakasal ay ibabalik na rin namin si Yohan kay Gale at maiiwan na ito roon. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa amin ngayon ni Howard kahit constant pa naman ang communication namin sa kanila.     Bigla akong napatingin sa pintuan ng kwarto namin ni Howard ng makarinig ako ng kalabog mula sa loob. Napabuntong-hininga ako. Mukhang mas nagiging wild ang ginagawa ng dalawa sa loob at wala naman akong magawa para sila’y pigilan dahil pihado ay magagalit na naman siya sa akin. Wala akong lakas ng loob para siya’y komprontahin sa mga ginagawa niya dahil ako mismo, nagawa ko dati ang kung anong ginagawa niya ngayon.     Simula ng manirahan kami rito at magsama bilang mag-asawa… Masasabi kong nagsimula na rin ang mala-impyerno kong buhay.     Walang araw na hindi nagsama si Howard ng kung sino-sino sa tinitirhan naming dalawa. Babae, lalaki… gwapo, maganda… Isinasama niya rito at kapwa gumagawa ng milagro kahit na nandito ako. Wala itong pakielam sa kung anuman ang mararamdaman ko bilang asawa niya. Ako naman, mapipilitan na lamang na magmukmok sa isang tabi at iiyak. Ganun ang naging buhay ko.     Simula ng ikasal kami ni Howard… Nagbago na ito. Nagbago ang buong pagkatao nito na animo’y hindi ko na talaga makilala pa.   At dahil doon ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga pagbabago niyang iyon dahil alam na alam ko naman ang katotohanang ako ang gumawa ng kasalanan para magbago ito.     Nagbago rin ang pakikitungo nito sa akin. Kung dati, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya para sa akin… ngayon, iba na dahil hindi na pagmamahal ang ibinibigay niya kundi sakit at pagdurusa. Ipinamumukha niya sa akin na wala akong kwenta. Ipinamumukha niya sa akin ang kasalanang ginawa ko.     Ako naman ay pilit kong inaayos ang lahat sa amin. Lahat ay ginagawa ko para mapatawad niya lamang ako na akala ko’y dati na niyang ginawa. Binibigay ko ang sa tingin ko’y the best bilang asawa niya pero masasabi kong… balewala lamang iyon sa kanya.     Wala ring araw na hindi niya ako nasaktan ng pisikal. Nagagawa niya akong suntukin sa mukha at sa ibang parte pa ng aking katawan kapag ako’y nakakagawa ng konting mali sa kanya. Napagsasalitaan niya ako ng masakit na dati’y hindi niya naman nasasabi sa akin. Kitang-kita ko sa kanya kung gaano siya kagalit sa akin.     At ako itong walang magawa. Siguro nga masasabi ko sa sarili kong isa akong martyr dahil sa natitiis ko ang lahat ng iyon. Natitiis ko siya. Ganun siguro talaga… kailangan kong kayanin magtiis kasi siya ang pinili ko. Siya ang asawa ko.     Asawa… natawa ako ng pagak. Asawa nga ba ako sa mga paningin niya? Kung sa akin, oo… asawa ko siya pero para ba sa kanya? Asawa niya ba ako? O baka sa tingin niya ngayon ay isa na lamang akong hamak na basura para sa kanya.     Napabuntong-hininga ako. Muling napapikit ng aking mga mata. Dahan-dahang dumausdos ang katawan ko sa pader hanggang sa mapaupo ako. Muli kong naisip ang mga nangyari.     Akala ko… magiging masaya ako kapag siya ang pinili kong makasama… Ang akala ko…  ang akala ko…     Malaking akala…       Iminulat ko ang aking mga mata. Sumagi sa aking isipan si Kameon. Kumusta na kaya siya?     Sa pagsasama namin ngayon ni Howard, aminado ako na minsan ay naisip ko na paano kung hindi ko na lamang pinakawalan si Kameon? Paano kung siya na lamang ang pinili ko instead of Howard dahil alam ko naman sa sarili ko na mahal ko rin naman siya? Magiging masaya ba ako sa piling niya? Ewan dahil kung kay Howard nga, ang akala kong langit sa piling niya ay hindi pala. Hindi ko man lang naisip na magiging impyerno pala ang buhay ko sa kanya.     Aaminin ko… I have regrets na ngayon ay narerealize ko na sa aking sarili. Regret na pinakawalan ko si Kameon na lubos na nagmamahal sa akin. Regret kasi hindi ko sinunod ang isa pang bulong ng puso ko na si Kameon ang piliin ko.     Pero wala na akong magagawa… nangyari na ang lahat at nandito na ako sa kinalalagyan ko ngayon. Ang kailangan ko na lamang gawin ay ang magtiis at maging mabuting asawa para kay Howard. Nakatali na ako habambuhay at hindi na magbabago iyon.     Pero… paano ako magiging mabuting asawa kay Howard kung hindi naman ito nagiging mabuti sa akin?     Hanggang kailan ko kakayaning magtiis para sa kanya?     Deserve ko bang maranasan at masaktan sa mga ginagawa niya sa aking p*******t?   Oo… Alam ko naman eh… Kasalanan ko pero nagsisisi naman ako. Kaya nga mas pinili ko siya kaysa sa isa ko pang mahal tapos ito pala ang mapapala ko? Ang masaktan akong sa tingin ko’y habambuhay ko nang mararanasan?     “Habambuhay ka ng nakatali sa akin Khiro… Kaya habambuhay mo na ring suot sa leeg mo ang lubid na itatali ko sayo… Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo sa piling ko dahil ginawa mo ring impyerno ang buhay ko simula ng malaman kong niloloko mo lang ako… Ipaparanas ko sayo ang lahat ng sakit na ipinaranas mo sa akin… Ganti man kung matatawag ito… pwes… humanda ka sa ganti ko…”     ‘Yan ang isa sa mga linya ni Howard na talagang tumatak hindi lamang sa isipan ko kundi pati sa buong pagkatao ko. Akala ko… napatawad na niya ako pero iyon pala, palabas niya lamang ang lahat ng ipinakita niya sa aking kabaitan hanggang sa maikasal kami. Alam niyo ba kung kailan niya sinabi iyan? Sa mismong honeymoon pa naming dalawa kung saan… nangyari ang sa tingin ko’y bangungot sa buong buhay ko. Kung sa iba, ang honeymoon ang pinaka-romantic para sa mga newlyweds… para sa akin, ang honeymoon namin ni Howard ang pinakamalaking trahedya na nangyari sa buhay ko.     Binaboy niya ako… Ginamit niya ako na parang isang laruan. Pagkatapos makaraos, iniwan na parang isang p*ta. Pakiramdam ko noon, para akong ni-r**e ng sarili kong asawa at the same time, binugbog ng paulit-ulit dahil kung makikita niyo lamang ang ayos ko nun, punong-puno ng sugat at pasa ang aking mukha at katawan dahil habang ginagamit niya ako, sinasaktan niya ako. Doon ko nakita si Howard na parang demonyo. Parang wala na talaga siyang pagmamahal sa akin at napalitan ito ng galit at pagkamuhi. Kitang-kita ko ang saya niya habang ginagawa niya iyon sa akin. Wala siyang awa.     Pero ang pinakamasakit sa akin… bukod sa p*******t niya sa katawan ko… ay ang pakiramdam na para na rin niyang binugbog ang puso ko ng paulit-ulit. Napakasakit… Napakasakit… Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganun sa piling ni Howard.     Alam kong tanong niyo ngayon sa akin kung bakit hindi ako lumalaban sa tuwing sasaktan niya ako… ang sagot… ewan ko. Alam niyo kasi… ang hirap… alam niyo iyong pakiramdam na gustong-gusto mong lumaban at ipagtanggol ang sarili mo pero hindi mo magawa kasi alam mong kaya ka niya nagagawang saktan dahil ikaw ang dahilan at puno’t-dulo ng lahat kaya niya iyon nagagawa? Ikaw ang may kasalanan… Kaya nga wala akong magawa kundi tanggapin na lamang ang lahat kasi in the first place… ako ang naunang makagawa ng pagkakamali. Minsan nga, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit naging ganyan si Howard sa akin kaya hindi ko rin siya masisisi kung galit at pagkamuhi ang nararamdaman niya sa tuwing makikita ako. Pero alam kong darating rin iyong panahon na matututo na akong lumaban sa kanya… nag-iipon lamang ako ng lakas ng loob.    Napabuntong-hininga na lamang muli ako.     Hindi ko akalain na nagkaroon ako ngayon ng DEMONYONG ASAWA… demonyong asawa na ako rin ang lumikha.     At marahil… baka ito na ang tinatawag nilang KARMA…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
236.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

NINONG II

read
630.7K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
524.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook