EPISODE 8

605 Words
#BYAHBook2_InHisArms   EPISODE 8     “Oh ano… Umuwi ka na sa inyo baka hinahanap ka na...” sabi ko kay Kameon. Nasa labas na kami ngayon ng grocery at nakabili na ako ng asukal na siyang binayaran niya. Ewan ko ba dito, may pera naman ako at kahit anong pagpipilit ko na ako na ang magbabayad ng binili ko ay hindi naman ako nagwagi dahil sa huli, siya pa rin ang nagbayad.       Nakita ko ang bahagyang paglungkot ng mukha ni Kameon.       “Oh? Bakit ang lungkot ng mukha mo?” tanong ko sa kanya.       Napailing ito. “Wala lang… Nakakainis lang kasi, ang bilis ng oras kapag tayo’y magkasama… Ito, maghihiwalay na naman tayo...” malungkot nitong sabi.       Tipid akong napangiti. “Huwag ka na ngang malungkot diyan… Marami pa namang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon na magkikita at magkakasama tayo…” sabi ko.       Seryoso akong tiningnan ni Kameon. “Pero kasi, gusto ko, segu-segundo, minu-minuto, oras-oras, araw-araw, buwan-buwan at taon-taon kitang laging kasama… Iyong tipong hindi na tayo maghihiwalay pa...” sabi nito.       Napabuntong-hininga ako ng marinig ko ang kanyang sinabi.     “Kameon… Siguro, hindi ko pa sa iyo maibibigay ang lahat ng oras ko na gustong-gusto mo na nasa iyo lang… alam mo naman di ba kung bakit? Pero huwag kang mag-alala, darating rin iyong takdang panahon na kapag naayos ko na ang lahat sa buhay ko, hindi lang oras ang ibibigay ko sayo… kundi ang buong-buo na meron ako...” sabi ko.       Tipid na napangiti si Kameon sa aking sinabi. Totoo naman ang sinasabi ko. Kung pwede nga lang ngayon ko na ibigay ang buong-buo ko, gagawin ko. Pero kasi, kailangan ko munang ayusin ang kung ano mang meron ngayon sa buhay ko para mas maging malaya na ibigay ko ang lahat sa akin sa kanya.       “Oh sige na… Umuwi ka na… Huwag mo na akong ihatid pa sa amin baka kasi makita ka niya, magkaroon na naman ng gulo…” sabi ko.     Tumango si Kameon.     “Magkita pa rin tayo huh…” sabi niya.     “Oo naman… at hindi lang tayo magkikita… magsasama at dadamhin natin ang isa’t-isa...” sabi ko.       “Sige… bye na…” sabi nito. Tumalikod na ito sa akin at nagsimula ng maglakad.       Nakatingin lamang ako sa kanya habang ako’y nakatayo pa rin at siya’y naglalakad na palayo. Bigla na lamang nagsalubong ang magkabila kong kilay dahil sa pagtataka dahil nakita ko siyang huminto sa paglalakad at kaagad na nilingon ako. Sa bilis ng mga pangyayari, namalayan ko na lamang na nakalapit na siya sa akin at idinampi ang labi nito sa aking labi.       “Nakalimutan ko…” pilyong ngiti nito ng humiwalay siya sa paghalik sa akin. Ako naman, nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanya.       Kaagad na itong tumakbo at tuluyan ng lumayo sa akin. Ako naman, parang estatwa na hindi pa rin gumagalaw sa aking kinatatayuan. Magkahalong kilig at kaba ang nararamdaman ko.     Hindi ko namalayan na nakadampi na sa aking labi ang mga daliri ko sa kanang kamay. Dama ko pa rin hanggang ngayon ang lambot at tamis ng kanyang labi. Sa tingin ko nga, para na akong tanga rito na pinagtitinginan ng mga tao pero wala akong pakiealam.     Bumalik kaagad ako sa realidad at nagulat ng may biglang humawak ng mahigpit sa kanang braso ko. Natanggal tuloy sa pagkakadampi sa aking labi ang mga daliri sa kamay ko. Kaagad akong napatingin sa taong may gawa nun at mas lalo pa akong nagulat ng makita ko ang may galit na mukha ni Howard. Nagsimulang dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Nakita kaya niya kami?       “Bibili ka lang ng asukal tatanga ka pa dito sa daan?” galit na sambit nito sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata na nakatingin sa akin.     -END OF EPISODE 8-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD