EPISODE 7

1554 Words
#BYAHBook2_InHisArms   EPISODE 7       “Mukhang kilig na kilig ka diyan huh…” narinig kong sabi ni Gale sa akin. Napatingin ako sa kanya. Tipid na napangiti.     “Hindi ah…” palusot kong sabi sabay iwas na ng tingin.     “Sus… niloko mo pa ako… dumaraan rin ako madalas sa ganyan noh dahil sa fiancé ko… ano ba kasi ‘yang tinitingnan mo diyan sa cellphone mo? Picture ninyong dalawa ni Howard?” sabi at tanong ni Gale. Kaagad itong lumapit sa akin. “Patingin nga…” sabi pa nito na ikinagulat ko.     Kaagad kong itinago sa bulsa ng suot kong pants ang cp ko.     “Huwag na… Oo picture namin ito ni Howard pero rated spg kaya bawal makita…” natatawa kong sabi sa kanya.     Napanguso naman si Gale.     “Rated SPG? So scandal ninyo pala ‘yang dalawa at kinikilig ka kapag tinitingnan mo ganun ba?” tanong nito.     Napatango ako. “Ganun na nga…” sabi ko na lamang bilang palusot. Hay! Mukhang gumagaling na talaga ako pagdating sa pagpapalusot.       “Oo nga pala, ilang araw kayo mananatili rito ni Yohan sa Pilipinas?” tanong ko sa kanya. Change topic.     “Hanggang bukas lang kami rito… alam mo naman, medyo busy rin kasi ako sa work ko at pinagbigyan ko lang ang hiling ni Yohan na pumunta kami ulit rito…” sabi ni Gale.     “Ganun ba…” sabi ko na lamang.       Muli ko ng tinulungan si Gale sa paghahanda ng pagkain.     “Infairnes sa inyo ni Howard huh… ang galing ninyong pumili ng titirhan… ang ganda nitong condo ninyo…” sabi ni Gale.     Tipid akong napangiti. “Alam mo naman si Howard, may pagka-artist din siya… gusto lagi maganda ang nakikita ng mga mata kaya dapat, pati ang titirhan naming dalawa, maganda…” sabi ko.    “Eh bakit dito ninyo sa Davao napili na manirahan? Marami rin namang mas magagandang real state sa Maynila na pwede ninyong bilhin…” sabi ni Gale.     “Ewan ko kay Howard eh… basta ang sabi niya lang sa akin nun bago namin bilhin itong condo… he want something new raw… new environment… basta new lahat… Saka ok na rin naman dito kasi malayo sa polusyon na meron sa Maynila… saka tahimik rin rito...” sabi ko. Actually, wala namang sinabi sa akin si Howard regarding kung bakit niya rito nagustuhang tumira kami. Palusot ko lamang ang lahat ng sinabi ko.       Tumango-tango si Gale. “Ganun ba… Kunsabagay, tama nga siya…” sabi ni Gale.       Lalagyan ko na sana ng asukal ang tinitimpla kong juice ang kaso, napansin kong wala pa lang asukal. Nakalimutan kong bumili sa supermarket.     “Wait… Nakalimutan ko palang bumili ng asukal nung araw na nag-grocery ako… Pwede bang maiwan na muna kita rito at bibili lang ako sandali…” sabi ko kay Gale.     “Ok… Basta bilisan mo lang…” sabi nito.     Napangiti ako kay Gale saka kaagad na naglakad at umalis sa kusina. Pagkarating ko sa living room, magpapaalam sana ako kay Howard na lalabas sandali para nga bumili ng asukal pero bigla akong nagdalawang-isip. Nakita kong busy itong nakikipaglaro sa anak. Hindi nga ako napapansin ng mga ito kaya nagpasya na lamang ako na huwag ng magpaalam at tumuloy-tuloy sa paglalakad palabas ng condo unit namin.       Palabas na ako ng condominium building ng magulat na lamang ako ng may biglang humawak sa aking kaliwang braso. Napahinto ako sa paglalakad. Nanlalaki ang mga mata ko na tiningnan ang pangahas na humawak sa akin at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ko iyon.     “Anong ginagawa mo rito?” halata ang gulat sa boses ko ng tanungin ko siya.     Napangiti ito. “Gusto kasi kitang makita…” sabi nito.     Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at ako naman ang humawak sa kamay niya. Hinila ko siya palabas ng condo building. Ngayon ay tuluyan na kaming nakalabas.       “Paano mo nalaman na dito kami nakatira? Hindi ko naman sayo…”       Napatigil na lamang ako sa pagsasalita ng bigla nitong idampi ang labi nito sa aking labi. Sandali lamang ang pagdampi ng labi nito sa akin pero talagang ang lakas ng impact nito sa akin. Everytime naman na hahalikan ako nito ay talagang napakalakas ng epekto sa akin. Ang halik niya… tagos hanggang sa kaluluwa ko.     “Ito kasing puso ko… parang compass… laging tinuturo ang kinaroroonan ng taong itinitibok nito… Kaya ito… napuntahan kita…” nakangiti nitong sambit ng humiwalay na ang labi nito sa labi ko. Mabuti na lamang at walang mga taong nakakarinig sa mga sinasabi niya at nakakita sa kanyang ginawa sa akin dahil hindi naman masyadong dinaraanan ng tao ang kinatatayuan naming lugar ngayon.       Napabuntong-hininga na lamang ako at pamaya-maya ay nakangiti na akong tiningnan siya.     “Ewan ko sayo huh Kameon… Alam mo bang ginulat mo ako sa biglaan mong pagsulpot… Paano kung makita tayo ni…”     “Eh di makita niya, hindi ako natatakot…” sagot kaagad ni Kameon sa akin na nagpatigil sa aking pagsasalita. “Kaya naman kitang ipagtanggol eh… dapat nga dati ko pa iyon ginawa… dapat dati pa nga kita ipinaglaban eh kung hindi mo lang ako pinigilan…” sabi pa nito.       Nawala ang ngiti sa aking labi. Napalitan ito ng bahagyang kalungkutan dahil sa naalala ko ang huling eksena naming dalawa bago naghiwalay ang aming landas. Ang malungkot na eksenang ako ang bumuo.     Naramdaman ko na lamang na hinawakan ni Kameon ang kanan kong kamay at bahagya niya iyong pinisil.       “Kung dati… hindi kita naipaglaban dahil sa pinigilan mo ako na gawin iyon… ngayon, kahit pigilan mo pa ako ng paulit-ulit… ipaglalaban na kita… dahil ang minsan na hindi ko nagawa iyon ay sobrang hirap para sa akin… mas lalo na siguro ngayon… kaya ngayong may pangalawang pagkakataon na ako, hinding-hindi ko na ito sasayangin pa… Hinding-hindi ko na hahayaan ang sarili ko na sumunod sa kung anong gusto mo sa halip, mas susundin ko ang sinisigaw ng puso ko… Hinding-hindi na ako magdadalawang-isip na ipaglaban ka…” sabi nito.     Napakagat-labi ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na maluha at mapangiti dahil sa saya.     “Wala naman na akong balak pigilan ka… Kung gusto mo akong ipaglaban… gawin mo...” sabi ko.       Napangiti rin si Kameon.     “Pero sana… kasabay ng pakikipaglaban ko para sayo ay ang pakikipaglaban mo rin para sa akin… Sabay tayong lumaban para sa ating dalawa para tayo’y mas lalong magtagumpay… Ayoko mang isipin kasi ito pero alam mo kasi… kapag isa lang ang lumalaban… mas mataas ang tyansa na matalo hindi gaya kapag dalawa tayo… doon, sure win ang panalo…” sabi ni Kameon.     Mas lalong lumawak ang aking ngiti.     “Hayaan mo… Kung sakali mang dumating na iyong itinakdang araw na kailangan kitang ipaglaban… hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyon… dahil alam kong kasama kita sa laban na pinasok ko… Magkasama tayong lalaban para sa puso nating nag-iibigan…” sabi ko.       Mas lalo rin siyang napangiti.     “Salamat… Salamat dahil sa wakas… hindi na lamang pangarap ngayon ang ibigin ka kundi isa nang pangarap na nagkatotoo… Mahal na mahal kita at wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa pagitan nating dalawa…” sabi ni Kameon.       “Hay!... Ang drama nating dalawa… Sige na umuwi ka na at pupunta pa ako ng grocery…” sabi ko na lamang para matapos na rin ang madrama at nakakakilig naming usapan.     “Samahan na kaya kita… Sulitin na natin ito… Namiss kaya kita…” sabi ni Kameon.     “Na-miss agad? Eh halos wala pang isang araw ang nakalipas nung huli tayong magkita…” sabi ko. Minsan, may pagka-OA siya noh.     “Ganun talaga… Kaya sige na… Samahan na kita…” pamimilit na sabi pa niya.     “Sige na nga…” sabi ko.       At iyon nga, magkasabay na kaming pumunta sa grocery na malapit lang naman sa kinaroroonan namin.     “Ano ba kasing bibilhin mo sa grocery?” tanong sa akin ni Kameon.     Napatingin ako sa kanya habang sabay kaming naglalakad.   “Asukal… Nandyan kasi si Gale saka si Yohan… Di ba kilala mo naman sila?” sabi at tanong ko. Tumango naman si Kameon. Alam ko kasi, kilala na niya sila Gale at Yohan dahil nasabi na rin ito ni Tristan nung mga panahong nagtatrabaho ito roon. “Eh naghahanda kami ni Gale ng makakain namin… Tapos habang nagtitimpla ako ng juice, napansin kong walang asukal kaya ito… bibili ako…” sabi ko pa.       “Ganun ba…” sabi ni Kameon. Pamaya-maya ay nakita kong napangisi ito na ikinataka ko naman.     “Bakit ka ngumingisi diyan?” pagtatakang tanong ko.     “Wala lang…” sabi nito. “Naisip ko lang kasi… paano kung ako na lang ang ilagay mo diyan sa juice na tinitimpla mo tutal sobrang tamis ko naman lalo na pagdating sayo...” sabi pa nito.       Natawa naman ako sa biro niya. Binatukan ko tuloy siya.     “Aray! Bakit ka namamatok? Totoo naman ang sinasabi ko huh… Refined, brown, mascovado at iba pang klase ng asukal, walang mga panama sa akin ‘yan… Ako na nga yata ang pinakamatamis sa lahat...” sabi nito habang hinihimas ang batok na binatukan ko.       “Ang OA mo rin eh noh… Ang hina lang kaya ng batok ko sayo… Kung makaaray ka diyan…” sabi ko. “Saka sige na nga… ikaw na ang pinakamatamis sa lahat...” sabi ko pa. Hindi talaga nagbago si Kameon. Pati ang kayabangan sa katawan, nanatili pa rin.     “Eh di sumuko ka rin...” natatawa nitong sabi. “Oh ano? Sama na ako sayo huh…” sabi pa nito.     “Oo na… Bahala ka…” sabi ko na lamang.       At iyon, habang kami’y naglalakad ng sabay, napuno ng tawanan at kakiligan ang usapan naming dalawa. Pakiramdam ko, walang tao sa paligid kundi kaming dalawa lamang. Pakiramdam ko, wala na kaming pakiealam sa mga nangyayari sa paligid dahil ang mahalaga sa mga oras na iyon, ay ang magkasama kami… masayang magkasama.     -END OF EPISODE 7-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD