#BYAHBook2_InHisArms
EPISODE 5
“Bakit ang tagal mong umuwi?!” galit na sabi kaagad ni Howard na sumalubong sa aking pagpasok.
Bahagya akong napahinto sa aking paglakad papasok. Tiningnan ko siya. Wala namang pinagbago sa pisikal na itsura nito. Gwapo at matipuno pa rin naman siya. Pero kung sa anyo nito, walang nagbago, sa ugali at pananalita nito, malaki ang pagbabago. Lihim na lamang akong napabuntong hininga.
Hindi ako nagsalita sa halip ay umiwas ako ng tingin sa kanya at muli akong naglakad patungo sa dining area. Nilagpasan ko siya.
Ilalapag ko na sana sa mesa ang mga plastic bag na may nilalaman ng mga pinamili ko sa supermarket ng bigla kong maramdaman ang mahigpit na paghawak ng kanyang kanang kamay sa aking kaliwang braso. Muli akong napatingin sa kanya.
“Tinatanong kita bakit hindi ka sumasagot!” sigaw nito sa harapan ko.
Napakagat-labi ako. Nasasaktan ako sa paghawak niya sa aking braso.
“Ah… err… Kasi namili ako…”
“Alam ko! Kitang-kita ko naman na namili ka di ba?!” sarcastic na sabi nito kaagad. “Ang tinatanong ko… Bakit ang tagal mong umuwi? Ano iyon? Halos kalahating araw ka nasa loob ng supermarket para lang mamili?” sarcastic na sabi pa nito.
Hindi na lamang ako nagsalita. Hindi ko na lamang sinagot ang tanong niya. Bakit pa? Eh baka kapag sumagot pa ako, baka sabihin naman niya sinungaling ako o di kaya ay nagdadahilan. Kunsabagay, kung sasagutin ko naman kasi ang tanong niya, malamang na sasagot talaga ako sa kanya ng kasinungalingan. Alangan namang sabihin ko sa kanya na kasama ko si Kameon kanina at naglampungan kami. Eh di lalo siyang nagalit sa akin.
Bigla na lamang niyang binitawan ang braso ko. Napatingin ako roon. Bumakat roon ang kamay niya at halos namumula ang balat sa braso ko dahil sa paghawak niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Tuluyan ko nang inilapag sa mesa ang mga plastic ng pinamili ko. ‘Tiisin mo pa siya Khiro…’ sabi ko sa aking isipan.
“Ikaw huh… oras lang na may malaman ako… Naku! Patay ka sa akin…” pagbabantang sabi nito. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba siya na may itinatago ako o baka nagbabanta lamang talaga siya. “Anyway… Tumawag sa akin si Gale… Pupunta raw sila rito next week para bisitahin at kumustahin tayo...” sabi pa nito na talagang ikinatuwa ko. Napangiti pa nga ako.
“Talaga?” hindi ko makapaniwalang tanong. Siyempre, kahit papaano’y namiss ko si Gale at pati na rin si Yohan.
“Oo… Kaya ikaw, act normal… Huwag mong ipahalata sa kanila na may problema sa pagsasama nating dalawa… Huwag na huwag kang magpapaawa…” sabi ni Howard.
Nawala ang ngiti ko sa labi. “Hindi ko naman ugali na magpaawa sa iba…” sabi ko.
“Sasagot ka pa eh…” sabi ni Howard. Tinangka pa nitong babatukan ako pero hindi na lamang itinuloy sa halip ay pinandilatan na lamang ako nito ng mata at walang sali-salitang naglakad palayo sa akin at iniwan ako. Narinig ko pa ang malakas na pagsarado nito ng pintuan ng kwarto naming dalawa ng makapasok ito roon.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Napatingin ang aking mga mata sa singsing na nakasuot sa palasingsingan ko. Hinawakan ko iyon.
“Kung hubarin na kaya kita?... Wala ka na rin namang saysay kahit suot pa kita…” bulong ko sa aking sarili. Natulala ako.
Naputol ang pagkatulala ko ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa kanang bulsa ng suot kong cargo short. Kaagad ko iyong kinuha at tiningnan. Napangiti ako ng makita kong nagtext pala sa akin si Kameon. Nagbigayan kasi kami ng contacts bago kami maghiwalay kanina.
“Nakauwi ka ba ng safe? Kung oo… bahagya na akong makakahinga ng maluwag… Bakit bahagya? Kasi alam kong pagdating mo diyan sa inyo… haharapin mo na naman ang galit niya… Sana lang maisip mong lumaban kahit minsan sa kanya… o kung hindi man… maisipan mong hiwalayan na siya… Nandito lang naman ako lagi at handa kang alagaan at protektahan… Sige, ingat ka… ILY!”
Mas lalong sumilay ang ngiti sa aking labi pagkabasa ko ng text niyang iyon. Hindi ko na muna siya nireplayan sa halip ay dinama ko muna ang kilig at saya na nararamdaman ko ngayon.
I admit… Mahal ko na nga siya. Mahal na mahal to the point na itinuturing ko na siyang isang pag-asa… Pag-asa dahil alam kong siya ang pag-asa ko na makakatakas rin ako sa lungkot at pighati na dala ni Howard sa buhay ko. Siya ang pag-asa ko na kahit papaano’y maging masaya habang kapiling ko pa si Howard. Siya ang pag-asa ng puso ko para magtiwala na magmahal muli. Oo, malaki na ang tiwala ng puso ko kay Kameon… Malaki ang tiwala nito dahil nakita at nadama ko naman kung gaano niya ako kamahal kaya alam kong hindi na ako nagkamali… Hindi na ako nagkamali na mahalin siya.
Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita at makasama siyang muli…
-END OF EPISODE 5-