#BYAHBook2_InHisArms
EPISODE 4
Nasa loob kami ngayon ng isang mamahaling hotel. Dito kami dinala ng aming mga paa after ng madamdamin naming eksena sa supermarket kanina.
Magkatabi kami ngayong nakahiga sa isang king size bed. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib habang nararamdaman ko naman ang humihigpit na yakap ng kanyang malaman na kanang braso sa aking katawan habang hinihimas rin ng kamay nito ang tagiliran ko. Nababalot sa makapal na puting kumot ang aming mga hubad na katawan. Napangiti ako. Ibang-iba sa mga naranasan ko ang naranasan ko kanina sa mga kamay niya habang ginagawa namin ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, nasa alapaap ako kung saan kasabay ng sarap na kapwa namin nararamdaman ay ang nag-uumapaw na pagmamahal para sa isa’t-isa.
Napatingala ng bahagya ang aking ulo para makita ang mukha ni Kameon. Nangunot ang noo ko at nagkasalubong ang magkabila kong kilay dahil sa pagtataka sa nakita kong expression ng mukha nito habang nakatulala. Parang malungkot na may halong galit at panibugho.
“What’s wrong? May problema ba?” tanong ko sa kanya.
Mukha namang nanumbalik siya sa realidad ng marinig niya ang tanong ko. Kaagad itong napatingin sa akin. Hindi nagbabago ang expression na makikita sa mukha nito.
“Sinasaktan ka ba niya?” tanong nito na lalo kong ikinataka.
“Huh? Anong ibig mong…”
“ ‘Yung mga nakita kong pasa at pamumula sa balat at katawan mo… anong ibig sabihin nun? Binubugbog ka ba ni Howard?” tanong kaagad nito kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nagulat ako sa kanyang sinabi.
Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya. Napabuntong-hininga ako.
“Ano? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?” may diin sa boses na tanong nito.
Napailing-iling ako. “Don’t mind of what you saw… wala lang ito…”
“Anong wala?” sabi kaagad ni Kameon. Narinig kong napabuntong-hininga ito. “Kung sayo wala lang ‘yan… para sa akin, meron… sinasaktan ka niya...” this time, mahinahon na ang boses nito.
Napatingin muli ako kay Kameon. Tipid akong napangiti.
“Wala lang ito ok… Ang mahalaga ay ang sulitin natin ang oras na magkasama tayo ngayon… Saka isa pa… hindi mo naman siya masisisi kung saktan niya ako di ba… May kasalanan ako sa kanya kaya natural na mabuo sa dibdib niya ang galit…”
“Pero wala siyang karapatan na saktan ka… Oo, may kasalanan ka… tayo sa kanya pero it doesn’t mean na may karapatan siya para gawin ang bagay na iyon sayo...” sabi kaagad ni Kameon. “Kahit sinong tao… walang karapatan manakit ng iba kahit na nakasakit rin ito ng iba…” sabi pa nito.
“May karapatan siya Kameon…” sabi ko. Napabuntong-hininga. “Dahil unang-una, asawa ko siya at pangalawa… nasaktan ko ang damdamin niya… Nagagawa lang naman niya ang mga bagay na iyon sa akin kasi dahil sa galit niya sa ginawa ko… mahal niya ako at matinding sakit ang naramdaman niya ng malaman niyang niloko ko siya...” sabi ko.
“Kung mahal ka niya… kahit gaano pa kabigat at katindi ang ginawa mo sa kanya… hindi ka niya magagawang saktan… Dapat nakatanim na sa puso’t-isipan niya na kapag nagmahal ka ng isang tao… maaaring masaktan ka rin ng minamahal mo… Dapat marunong siyang umunawa dahil mahal ka niya pero sa ginagawa niyang ‘yan sayo… Tsk! Tsk! Tsk!” sabi nito at napapailing. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Mas lalong napalambot nito ang puso ko. Kunsabagay, siya kasi, kahit na nasaktan ko ang damdamin niya ng paulit-ulit, never siyang nagtanim ng galit sa akin at never niya akong nagawang saktan. Masasabi kong magkaibang-magkaiba sila ni Howard. Sandaling umiwas ng tingin pero kaagad rin iyong bumalik sa akin. “Bakit hindi ka lumalaban? Siguro naman kaya mo siyang labanan sa mga ginagawa niya sayo di ba? Ipagtanggol mo ang sarili mo sa tuwing sasaktan ka niya hindi iyong parang hinahayaan mo lang siya na ganyanin ka...” sabi pa nito.
Napailing ako sa sinabi ni Kameon. “Kaya ko naman siyang labanan… Kaya ko siyang tapatan… Pero hindi ko magawa dahil bukod sa nakokonsensya ako… lumalabas rin sa akin ang katotohanan na kaya niya ako nagagawang saktan ay dahil ako rin ang dahilan kung bakit niya iyon nagagawa…” sabi ko. Napabuntong-hininga ako. “Kaya nga hangga’t kaya ko… tinatanggap ko na lamang ang lahat… iniisip ko na lamang na kaparusahan para sa akin ang lahat ng ginagawa niyang p*******t sa akin… Kaparusahan dahil nasaktan ko ang damdamin niya… at pati na rin iyong sayo…” sabi ko pa.
Narinig ko na lamang na malalim na napabuntong-hininga si Kameon. Naramdaman ko ang biglaan niyang paghalik sa tuktok ng aking ulo.
“Ok… naiintindihan ko na… Pero Khiro… Sa oras na makita ko lang sa akto na sinasaktan ka niya… Sana mapatawad mo ako sa magagawa ko sa kanya dahil hindi ko kaya na makita na may nananakit sayo…” sabi ni Kameon.
Tipid na napangiti na lamang ako.
“Oo nga pala… matanong ko lang… Ngayong alam na natin na mahal natin ang isa’t-isa… ano na ba tayo?” tanong ni Kameon na bahagya kong ikinagulat.
“Tayo?” pagtatakang tanong ko.
“Oo… Tayo...” sabi ni Kameon.
Kaagad akong napaiwas ng tingin kay Kameon. Napabuntong-hininga.
“Siguro… masasabi kong mutual ang feelings nating dalawa… pero hindi ko masasabi sayo na pwede tayong maging lovers or partners kasi… may asawa akong tao… Kung mapunta man tayo sa mas malalim pang level ng relasyong meron tayo… gusto ko na maayos na ang lahat… iyong tipong walang makakahadlang pa…” sabi ko.
“At para mapunta tayo sa sinasabi mong mas malalim pang level… kailangan mong makipaghiwalay sa kanya… Kasi siya lang naman ang hadlang sa ating dalawa eh…” sabi ni Kameon.
“Hindi ganun kadaling makipaghiwalay Kameon… Kahit naman nagagawa na akong saktan ni Howard ngayon, still, may natitira pa namang pagmamahal sa puso ko para sa kanya… Kaya ko nga siya natitiis eh… Pero hindi ibig sabihin nun ay mas mahal ko pa rin siya kasi gaya nga ng nasabi ko na sayo… mas mahal na kita sa kanya… mas matimbang ka na sa puso ko kaysa sa kanya...” sabi ko. Napabuntong-hininga. “I think… we should just enjoy kung anumang meron tayo ngayon… cherish every moment na magkasama tayong dalawa… maging lihim man sa iba ang lahat ng ito… ang mahalaga, alam nating dalawa kung anong meron sa ating dalawa… sapat nang tayong dalawa ang nakakaalam ng lahat ng meron sa pagitan nating dalawa…” sabi ko pa. “At kung dumating man iyong panahon na hindi na natin makayanan na itago sa lahat ang meron sa ating dalawa… ilalabas na natin ito at paghahandaan ang mga pagsubok at nagbabadyang panganib na kaakibat ng pinasok nating ito…”
Napatingin na ako kay Kameon. Nakita kong napangiti siya.
“I love you…” madamdaming sabi nito. Nakatitig sa aking mga mata.
Napangiti ako. “I love you too…” sabi ko mula sa aking puso. Hindi naputol ang aming titigan.
Kaagad akong napatingin sa bedside table ng marinig ko ang ringtone na iyon. Naputol tuloy ang titigan namin.
Bahagya akong kumilos sa aking kinahihigaan at kinuha mula sa bedside table ang cellphone ko. Nakita kong nag-text si Howard. Bahagya akong nalungkot.
‘Umuwi ka na… Nandito na ako… Bilisan mo!’ sabi ni Howard sa text.
Kaagad akong napatingin kay Kameon. Ang kaninang nakangiti nitong labi at masayang kinang ng mga mata ay biglang naglaho. Mukhang nakakaramdam na ito.
Napabuntong-hininga ako bago magsalita. “I need to go home…” sabi ko.
“Babalik ka pa sa kanya? Hindi ba pwedeng manatili ka na lamang sa tabi ko habambuhay?” tanong nito. Malungkot ang boses.
‘Kung pwede lang sana… Kung pwede lang… Kahit hanggang sa kabilang buhay… Mananatili ako sa tabi mo…’ sabi ko sa aking isipan. Kung pwede nga lang eh kaso hindi. Kailangan ko munang ayusin ang lahat. Ayusin ang buhay ko at si Howard.
“Babalik ako sa kanya… I need to… pero huwag kang mag-alala… babalik rin ako sayo at magsasama tayong muli para sulitin ang mga sandaling magkasama tayo… Pangako...” sabi ko.
Napatango na lamang si Kameon. Malungkot pa rin ito.
Bahagyang inangat ko ang aking katawan, nilapit ang aking mukha sa kanya, pagkatapos ay inilapat ko ang labi ko sa kanyang labi. Nang magkalapat iyon, nagsimula na kaming damhin ang init at sarap ng halik sa isa’t-isa. Mas naging malalim pa ang halikan naming iyon hanggang sa humantong na naman kami muli sa mainit at nag-aalab na pag-iisa.
-END OF EPISODE 4-