#BYAHBook2_InHisArms
EPISODE 3
Nanatiling nakatingin ang mga nanlalaki kong mga mata sa kanya habang patuloy pa na lalong dinadaga sa kaba ang aking dibdib. Ganun rin siya sa akin, nakatingin ang kanyang mga nanlalaking mga mata. Tagos sa buto at kalamnan ko ang klase ng kanyang mga tingin.
Hindi ko inaasahan na after ng ilang mga buwan, muli kaming magkikita. Tunay ngang totoo ang sinasabi nilang maliit ang mundo.
Bigla akong bumalik sa realidad. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at inalis ang kamay kong nakahawak sa bote ng nutella. Isa pa kasi iyon sa nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko dahil habang hawak ko ang boteng iyon, nakahawak rin doon si Kameon at hindi ko alam kung sinasadya pero mas lalo kasing nagkadikit ang aming mga kamay.
Tatalikod na sana ako at lalayo na, sinimulan ko ng itulak ang push cart na dala-dala ko nang marinig ko siyang magsalita.
“Hindi mo na ba ito kukunin?” tanong ni Kameon sa akin. Napatigil ako. “Di ba gustong-gusto mo ito?” sabi pa nito. Nanatili lamang akong nakatalikod sa kanya habang nakatigil rin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. “Kunsabagay… kung dati nga… kahit gustong-gusto mo, nagawa mong pakawalan… ngayon pa kaya?” sabi pa nito. Hindi ko lang alam kung may kahulugan ba para rito ang sinabi nito kasi para sa akin… oo, meron. At sa totoo lang, tinamaan ako.
Bahagya na lamang akong napapiksi sa gulat ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Kaagad akong napatingin kay Kameon na nakalapit na pala sa akin. Hanggang ngayon, wala pa ring ipinagbabago. Mas lalo nga itong gumwapo ngayon sa suot na simpleng plain v-neck shirt, semi-fit black jeans at sneakers. Hubog na hubog sa mga suot nito ang ganda ng katawan na bumagay sa gwapo nitong mukha.
“Sayo na ito… Tanda mo? Sinabi mo sa akin na isa ito sa mga favorite mo…” sabi ni Kameon habang hawak-hawak ang bote ng nutella.
Napailing-iling ako. Hindi ko alam kung nahahalata ba niya ang kaba na nararamdaman ko.
“Hindi… sayo na iyan… ikaw na…”
Hindi ko na lamang naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang niyang ilagay sa push cart ko ang bote ng nutella. Tipid itong napangiti sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
“Sige…Salamat… mauna na ako… Nice meeting you… again…” sabi ko saka umiwas ng tingin. Sinimulan ko na ulit na maglakad habang tulak-tulak ang push cart.
“Wait lang…” sabi kaagad ni Kameon. Hindi ko siya pinansin. Hindi ako tumigil sa paglakad at pagtulak sa push cart. Ewan ko ba, para kasing nakakaramdam na ako ng hiya ngayon kapag kaharap siya. Marahil ay nahihiya ako dahil sa nagawa ko sa kanya na fresh na fresh pa lalo na kay Kameon.
Nararamdaman kong nakasunod lamang sa akin si Kameon. Napatingin ako rito at sumasabay pala ito sa paglalakad sa akin.
“Kumusta ka na?” tanong nito habang nakatingin rin sa akin.
Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya.
“Ok lang… ito kasal na kami ni Howard at masaya ako...” sabi ko. Kasinungalingan. Ako masaya kahit hindi totoo? Tsk! Tsk! Tsk! Alam kong masasaktan ko na naman ang damdamin ni Kameon sa sinabi ko. O baka assuming lang ako na masasaktan siya?
“Sinungaling...” sabi ni Kameon na talagang nagpatingin sa akin sa kanya. Talagang nagulat ako sa sinabi niya.
“Ako? Sinungaling?” tanong ko. Tumango ito.
“At bakit mo naman nasabi na nagsisinungaling ako?” pagtatakang tanong ko. Patuloy pa rin kaming naglalakad sa saan mang sulok ng supermarket.
Tipid na napangiti si Kameon. “Dahil kilalang-kilala kita… Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling… alam ko kung kailan ka masaya, malungkot, galit at iba pa…” sabi nito. Napabuntong-hininga. “Alam mo ba kung bakit ko alam?... Kasi… dahil sa mga mata mo na tanging parte ng katawan mo na hindi kayang magsinungaling… isa sa parte ng katawan mong gustong-gusto ko na laging pagmasdan…” sabi pa nito.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Lihim na napabuntong-hininga.
“At sa nakikita ko sa mga mata mo ngayon… Masasabi kong iba ang sinasabi ng labi mo sa sinasabi ng mga mata mo… Nasasabi mo mang masaya ka pero kitang-kita sa expression ng iyong mga mata ang kalungkutan… Hindi ko man alam kung anong dahilan kung bakit ka malungkot, pero ang malinaw sa akin ngayon, muli tayong pinagtagpo ng tadhana para maibsan ko ang lungkot na iyong dinadala…” sabi nito.
Ramdam na ramdam ko ang tagos sa buto niyang tingin sa akin. Mas lalo akong kinakabahan.
Kinalma ko muna ang sarili ko. Napahinga ng malalim saka muling tumingin sa kanya. Ngumiti. Tumigil muna kami sa paglalakad. Nakahinto na kami sa isang sulok ng supermarket.
“Ikaw na… Ikaw na ang nakakakilala ng lubos sa akin…” medyo sarcastic kong sabi. Iniiba ko na ang usapan. “Ikaw? Kumusta ka na? Saka bakit ka nandito sa Davao?” tanong ko naman sa kanya.
Napangiti si Kameon sa akin. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kanyang ngiti.
“Nandito ako sa Davao to visit my Mom… Actually, inutusan niya nga ako na mag-grocery kaya nandito na rin ako. Naiwan nga si Gabriel sa Manila dahil busy sa pag-aaral… And all I can say is… kahit papaano’y nakakasundo ko na si Mommy at Gabriel, pati na rin iyong bago niyang asawa na si Tito Wilfred… Saka ito… may sarili ng business na kakasimula pa lang… It’s a bar to be exact na matatagpuan sa may Libis QC. And soon, magtatayo na rin ako rito sa Davao…” sabi ni Kameon.Napahinga ng malalim. “Kung sa lovelife naman ang tatanungin mo kung kumusta na ba… masasabi kong zero pa rin… may mga dumadaan ngunit hanggang daan lamang sila at hindi humihinto dahil hindi ko rin naman sila gustong huminto… Palibhasa kasi, napakagwapo ko kaya kahit sawi ang pag-ibig ko… hindi naman ako mauubusan ng ka-flings at kalaro sa kama…” natatawang sabi ni Kameon.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Mukhang ok naman siya ngayon kahit na nagawa ko siyang saktan. Siguro nga, time heals all wounds ika nga nila.
“Alam mo ba Khiro… pinipilit ko pa rin hanggang ngayon na kalimutan ka at ang pagmamahal ko sayo… pinipilit kong ipatindi sa sarili ko na wala ka na sa aking tabi kaya masanay na ako… Nagtagumpay naman akong magawa iyong pangalawa… nasanay na akong wala ka sa tabi ko pero hindi ibig sabihin nun ay nagtagumpay na rin akong magawa ang mga nauna kong sinabi… dahil kahit nasanay man ang ibang bahagi ng katawan ko na wala ka… ito namang isipan ko… hindi ka makalimutan at itong puso ko… pangalan mo pa rin ang lagi at tanging isinisigaw at nilalaman…” madamdaming sabi ni Kameon. Narinig kong bahagya itong natawa. “Pasensya ka na huh… Hindi ko ba kasi alam sa sarili ko kung bakit sa tuwing kaharap kita… hindi ko mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman… Hindi ko mapigilan ang sarili kong sabihin na hanggang ngayon ay mahal pa rin kita… mahal pa rin kita kahit na paulit-ulit mo akong nasaktan… mahal pa rin kita kahit na ngayon ay may… asawa ka na…” sabi pa nito.
Mas lalong dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Mahal pa rin niya ako sa kabila ng lahat ng nangyari at nagawa ko?
Nagulat na lamang ako ng biglang may humawak sa kanan kong kamay na nakahawak sa handle ng push cart. Kaagad akong napatingin sa kanya. Ngayon ay magkatitigan kami. Animo’y ang isa’t-isa lamang ang nakikita ng aming mga mata at kami lamang dalawa ang nasa mundo. Hindi namin pansin ang iba pang tao na naroon rin naman sa lugar na aming kinalulugaran.
“Mahal pa rin kita Khiro at hindi iyon nagbago at nabawasan man lang… Ikaw? Sinabi mo sa akin nung huli na mahal mo rin ako... Hanggang ngayon ba… mahal mo pa rin ako?” tanong nito na talagang gumimbal sa akin. Kaagad kong inilayo sa pagkakahawak niya ang kamay ko at umiwas ng tingin.
“Sagutin mo ako Khiro… Mahal mo pa rin ba ako?...” tanong muli ni Kameon. Ramdam na ramdam ko ang tagos sa buto niyang tingin sa akin.
Napapikit ako ng mga mata. Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng push cart. Hindi ko pwedeng maramdaman ang lahat ng nararamdaman ko ngayon towards kay Kameon dahil may asawa na akong tao pero hindi ko mapigilang maramdaman. Para itong bulkan na bigla na lamang sumasabog.
Napabuntong-hininga ako. Muling iminulat ang aking mga mata. Pilit na iniiwas ang tingin kay Kameon.
“Aaminin ko Kameon… nagsisisi akong hindi kita pinili noon para mahalin… pero kahit magsisi man ako ngayon at sa habambuhay… hindi mababago ang katotohanang may asawa na ako… asawa ko na ngayon ang lalaking mali na pinili ko… Nahihiya ako sayo ngayon kasi sa kabila ng p*******t ko sa damdamin mo… mahal mo pa rin ako…pero alam mo ba na masaya akong malaman na mahal mo pa rin ako? Kasi… Kameon… mahal kita… mahal na mahal na kita higit pa sa kanya… sa paglipas ng panahon, mas naging matimbang ka na sa kanya sa puso ko… Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero ang alam ko lang, iyon ang nararamdaman ko… Kameon, mahal kita kahit na mali itong maramdaman para sayo kasi may asawa na akong tao…” sabi ko. Ngayon, nailabas ko na ang tunay kong mga nararamdaman. Napatingin ako sa kanya.
Napangiti si Kameon. Kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan. Ako rin naman, masaya ako. Masaya akong makita siya, masaya akong malaman na mahal pa rin niya ako, masaya ako na inamin kong mahal ko na rin siya ng higit.
“Sana mapatawad mo ako Kameon sa napakaraming sakit na ibinigay ko sayo… minahal mo ako ngunit puro p*******t ang aking naisukli sayo...” paghingi ko ng paumanhin.
“Hindi kita mapapatawad...” seryosong sabi ni Kameon na ikinagulat ko. Magsasalita na sana ako ng makita kong bigla itong ngumiti. “Dahil wala kang kasalanan sa akin… Oo, nasaktan mo ako… pero dahil sa p*******t mong iyon, doon ko napatunayan na wagas ang pagmamahal ko sayo… na kahit anong p*******t ang gawin mo at ipadama sa damdamin ko… mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sayo…” sabi pa nito. “Saka sulit naman ang lahat ng p*******t mo sa akin eh dahil ngayon… mahal mo na rin ako… mas masarap pala sa pakiramdam na pagkatapos mong masaktan… doon mo maramdaman ang pagmamahal dahil napakasaya nun sa pakiramdam gaya ng nararamdaman ko ngayon...” sabi pa nito. Napangiti na lamang ako ng tipid.
Nagulat na lamang ako ng biglang lumapit pa sa akin ng todo si Kameon. Lumapit ang mukha nito sa aking mukha saka namalayan ko na lamang na nakadampi na ang kanyang labi sa aking labi. Ramdam na ramdam ko ang lambot, init at sarap ng kanyang halik na aking tinugon. Wala kaming pakielam sa mga nakakakita sa amin basta ang mahalaga, naipaparamdam namin ngayon sa aming halik ang matinding pagmamahal.
‘Mali man sa tingin nila ang nararamdaman kong ito para sayo, mali man sa tingin nila na mahalin kita... Hahayaan ko na lang na maging mali ito para sa kanila... dahil ang mahalaga... tama ito para sa ating dalawa...’ sabi ko sa aking isipan habang mahigpit na magkayakap na kami ngayon ni Kameon after naming maghalikan.
At simula sa araw na ito, kami’y makukulong sa isang lihim na pagmamahalan… pagmamahalang sa tingin ng iba’y kasalanan ngunit para sa aming dalawa… ito na ang pinakamasayang kasalanan na aming magagawa sa aming buhay…
-END OF EPISODE 3-