EPISODE 2

1295 Words
#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 2     Tulala ako habang nakaupo rito sa sofa na nasa living room ng nabili naming condo unit ni Howard dito sa Davao. Nakatingin ang mga mata ko sa kawalan at malalim ang iniisip. Lagi na lamang akong ganito mula ng maging impyerno ang buhay ko sa mga kamay ni Howard.   Napabuntong-hininga ako ng malalim. Pamaya-maya ay napatingin ako sa malaking picture namin ni Howard na nasa kaliwang bahagi ng pader, sa taas ng kinapwepwestuhan ng flat screen tv. Tipid akong napangiti. Kung titingnan mo kasi iyong wedding picture naming dalawa na naroon, aakalain mong napakasaya naming dalawa, aminado ako na masaya ako nung mga panahong kinunan ang litratong iyon pero ‘yung kay Howard, napagtanto ko na sa likod ng ngiti niyang iyon sa litrato kung saan kami’y magkatabi, nagtatago ang galit at poot na kanyang nararamdaman pala para sa akin.     Muli akong napabuntong-hininga. Naalala kong wala na pala rito si Howard at nagpunta na sa Maynila para bisitahin ang mga restaurant na pagmamay-ari niya at si Tristan na rin. Pero alam kong hindi lamang iyon ang layunin niya sa pagpunta roon, I’m sure na gagawa na naman iyon ng milagro sa piling ng ibang tao na makakasalamuha niya.     DING-DONG!     Kaagad akong napalingon sa pintuan ng condo unit namin ng marinig ko ang doorbell. Nangunot ang aking noo at nagkasalubong ang magkabila kong kilay dahil sa pagtataka. Wala naman kasi akong inaasahang bisita ngayon. O baka naman si Howard na ang nasa labas ngayon at napaaga ang pag-uwi rito. Bakit kaya?     Kaagad akong nagtungo sa pintuan at nang marating ko iyon ay binuksan ko na ito. Bumungad sa akin ang isang gwapo, moreno at matangkad na lalaki. Sa tantya ko’y nasa 6’ plus ang tangkad nito. Maganda ang pangangatawan na hubog na hubog sa suot nitong fitted navy blue v-neck shirt at semi-fit na pantalon. Maganda rin ang suot nitong sapatos na pawang mamahalin ang tatak. Hindi lang gwapo ito kundi may sense rin pagdating sa fashion. Lalo nga itong gumwapo dahil sa ganda ng ngiti nito kung saan lumabas ang perfect set of white teeth nito at ang biloy na meron sa kaliwang pisngi nito.     “Sino ka?” pagtatakang tanong ko sa lalaki. Hindi ko naman kasi siya kilala at ngayon ko lang rin siya nakita.     Ngumiti ang lalaki sa akin. “I’m David…” pakilala nito. “Gusto ko lang sana tanungin kung dito ba nakatira si Howard?” tanong pa nito.     Diretso kong tiningnan ang lalaki. Mukhang alam ko na kung sino ito.     “Ahm… Yes… Kaso wala siya eh…” sabi ko at napabuntong-hininga. “Ano bang kailangan mo sa kanya?” tanong ko na lamang at pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman sa aking puso.     “ Ganun ba? Saan siya nagpunta?” tanong nito. Pamaya-maya ay bigla itong napailing. “Forget that… Gusto ko lang sanang isoli ito sa kanya… Naiwan niya kasi sa condo ko last night...” sabi niya sabay abot ng isang paper bag na ngayon ko lamang napansin na hawak pala niya.     Napatingin ako sa paper bag. Pamaya-maya ay kinuha ko na lamang ito mula sa kanya. Tiningnan ang laman. Isang itim na sando at isang boxer short. Lihim akong napabuntong-hininga.     Muli kong tiningnan si David. Tipid na napangiti.     “Thanks sa paghatid nito huh...” sabi ko na lamang kay David.     Napangiti rin si David. “No problem…” sabi nito. “Anyway… Sabihin mo na lamang kay Howard pagdating niya na pumunta ako rito huh...” sabi pa nito. Napatango na lamang ako. Bigla namang nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni David. “What’s your name nga pala? Saka bakit ka nandito sa condo unit ni Howard?” pagtatakang tanong nito. Pamaya-maya ay napa-smirk ito. “I guess… your one of his playmate… Knowing Howard…”    “No…” sabi ko kaagad na nagpatigil sa pagsasalita niya. Muli akong napangiti ng tipid. “I’m Khiro and I’m not his playmate… at kung bakit ako nandito sa condo ni Howard? Kasi… asawa niya ako...” sabi ko na nagpanganga sa kanya.     Bago pa siya makapagsalita ay kaagad ko nang sinara ang pintuan. Pagkasara nun ay napasandal ang likod ko sa pintuan at malalim na napabuntong-hininga. Tiningnan ko ang hawak ko ngayong paper bag na naglalaman ng mga damit ni Howard.     “Ang kapal ng mukha…” ang nasabi ko na lamang sa sarili. Hindi ba nito alam na may asawa na ang lalaking kinakalantari niya? Mukhang wala nga itong alam kasi hindi man lamang ako kilala saka kung kilala man niya ako, ang lakas naman ng loob niya para magpakita at makipag-usap pa sa akin di ba?. Hindi siguro ako nabanggit ni Howard sa kanya kaya wala itong alam tungkol sa akin. May namumuong galit sa dibdib ko. Actually, matagal ng may galit ang puso ko para kay Howard. Nagsimula ito nung pagkatapos ng kasal naming dalawa at magbago na ito. Hindi naman kasi ako impokrito para sabihing hindi ako nagagalit sa pinaggagagawa niya sa akin. Hindi rin naman ako manhid. Magkahalong sakit at galit ngayon ang nasa dibdib ko na hindi ko naman mailabas.     Bakit ba kasi hindi ko magawang iwanan na lamang si Howard? Bakit ba kasi hindi ako lumalaban sa kanya? Kung tutuusin, kayang-kaya kong ng makipaghiwalay sa kanya on the spot… mag-file ako ng divorce. Kaya ko ring lumaban para maipagtanggol ang sarili ko. Pero kasi.. pakiramdam ko, hindi ko kaya. Hindi sa hindi ko kayang wala si Howard sa buhay ko at hindi rin sa hindi ko siya kayang labanan kundi dahil sa nauunahan ako ng konsensya ko. Ako ang may kasalanan ng lahat, ako ang dahilan para magbago siya at maging masama sa akin, ako ang may kasalanan kung bakit nagkagulo-gulo ang relasyon naming dalawa tapos ako pa ngayon ang may ganang tapusin ang lahat sa amin? Para ano? Para takasan na siya at hindi na ako lalong masaktan pa.     Napabuntong-hininga na lamang ako. Maybe, kailangan ko pa siyang tiisin. Magtitiis ako sa kanya bilang kabayaran na rin sa mga nagawa kong kasalanan. Pero oras na mapuno na ako at hindi ko na talaga kaya ang mga pinaggagagawa niya sa akin… that’s the right time para lumaban na ako. Hindi ko alam kung paano pero alam kong darating rin iyong panahon na magkakaroon na ako ng lakas ng loob para lumaban.   - - - - - - - - - - - - - - -     Narito ako ngayon sa loob ng supermarket at namimili. Wala na kasi kaming supplies ni Howard kaya kailangan ng mamili ng mga kailangan namin mula sa personal things hanggang sa pagkain at kung ano-ano pa.     Tulak-tulak ko ang push cart habang patingin-tingin ang aking mga mata sa mga estante kung saan nakalagay ang mga paninda. Konti pa lang ang mga napipili ko kaya kailangan ko pang tumingin-tingin ng iba at baka may makita pa ako na kailangan namin.     Napangiti ako ng makita ng mga mata ko ang isang malaking jar ng nutella. Isa iyon sa mga favorite kong tsokolate at palaman na rin sa tinapay. Nakakainis lang dahil nag-iisa na lamang iyon na nasa istante. Bibili pa naman sana ako ng mga limang jar.     Kaagad ko na lamang iyong nilapitan. Kukunin ko na sana iyon dahil hawak-hawak ko na ng biglang may isang kamay rin na humawak sa jar na iyon. Dumampi pa nga ang mga daliri nito sa kamay ko at ewan ko pero nakaramdam ako na parang may kuryente na galing rito.     Kaagad akong napatingin sa taong nagmamay-ari ng kamay na may hawak rin sa hawak ko at sasabihan ko sana na ako ang nauna pero halos manlaki ang mga mata ko sa gulat ng mapagsino ang nakikipag-agawan sa akin. Pati ito ay nanlalaki rin ang mga mata na nakatingin sa akin at kitang-kita ang gulat sa expression ng mukha nito. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nagsimulang dagain sa kaba ang dibdib ko.     “K-Khiro?...” sambit ni… Kameon sa aking pangalan. Hindi ako nakapagsalita.   -END OF EPISODE 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD