#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 12 Napaupo ako sa edge ng kama. Napahilamos ng mukha habang nag-iisip. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Nanginginig ang aking magkabilang kamay habang nakatakip sa aking mukha. Pamaya-maya ay inalis ko na ang mga kamay ko sa pagkakatakip sa aking mukha. Napatingin sa kawalan. Pilit na inaalis sa aking isipan ang mga sinabi kanina ni Howard pero hindi ako nagtagumpay bagkus, patuloy lamang iyong naglaro at paulit-ulit na sumagi. Aminado naman ako, nakakaramdam na ako ng takot. Ok lang na may mangyari sa akin dahil nasanay na ako sa p*******t sa akin ni Howard pero paano kung isang araw, malaman kong may nangyari nang masama kay Kameon? Makakayanan ko kaya? Hindi ko hahayaang may mangyari kay Ka