#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 11 “Oh? Anong nangyari sayo? Bakit parang galit ka yata?” tanong sa akin ni Gale ng makasalubong ko siya. Papunta na ako ng kwarto habang siya naman ay sa living room bitbit ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain na magkasama naming inihanda kanina. Tipid akong napangiti. Halata pala sa mukha ko na galit ako. “Ah wala lang ito… Saka hindi ako galit… medyo sumama lang kasi ang pakiramdam ko…” palusot kong sabi sa kanya. “Ah ganun ba… Gusto mo ikuha kita ng gamot? Itatanong ko na lang kay Howard kung nasaan…” “No… Huwag ka ng mag-alala pa… I can manage saka kaya ko pa naman ito… Konting pahinga lang siguro ang kailangan...” sabi ko kaagad. “Ok… Pahinga ka na muna para mamaya, ikaw naman ang makipag-bonding kay Yohan...