#BYAHBook2_InHisArms EPISODE 13 “Khiro…” Kaagad akong napatingala ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakita kong nakatayo sa harapan ko ngayon si Gale na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. Tipid akong napangiti. “Oh… Bakit?” tanong ko sa kanya. Hindi ito nagsalita, bagkus, lumapit ito sa akin at umupo sa inuupuan ko na edge ng kama katabi ko. Nasa loob kami ngayon ng kwarto namin ni Howard. Nanatiling nakatingin ito ng seryoso sa akin. “Bakit parang ang seryoso mo naman yata?” tanong ko kay Gale. Nakatingin rin ako sa kanya. Napabuntong-hininga si Gale. Umiwas ng tingin sa akin at tumingin sa kawalan. “Hindi naman ako manhid Khiro kaya naman alam at ramdam ko na may iba sa inyo ni Howard… Na may problema kayong dalawa...” sa