#BYAHBook2_InHisArms
EPISODE 10
Halos mapalundag ako sa sobrang gulat ng biglang ihagis ni Howard sa tiled floor ang hawak-hawak nitong cellphone ko. Napatingin ako roon at halos magkadurog-durog ito sa sobrang pwersa ng pagkakahagis.
Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang sobrang galit sa kanya habang nakatingin rin sa akin.
“Ano? Kakausapin mo pa ba siya?” maangas at may halong galit na tanong nito.
“Ba-Bakit mo ginawa iyon?” tanong ko.
“Dahil gusto ko… Bakit may magagawa ka ba?” maangas na sabi at tanong pa nito.
Nanatiling nakatingin sa kanya ang mga nanlalaki ko pa ring mga mata. Napakuyom ang magkabila kong kamao. Alam niyang nakita niya iyon pero wala na akong pakiealam. Pakiramdam ko ngayon, parang sasabog na ako sa sobrang galit, inis at sama ng loob. Pakiramdam ko, gusto ko na siyang sumbatan at mura-murahin.
Bahagya na lamang akong nagulat ng makalapit na sa akin ng todo si Howard. Bigla nitong hinawakan ng mahigpit ang kanang braso ko. Galit pa rin ang tingin nito sa akin.
“Kailan pa kayo muli nagkita at nag-uusap huh? Kailan mo pa ulit ako nagagawang lokohin?” may diin na bulong na sabi nito sa akin. Nakakatakot ang tono ng boses nito.
Hindi ako sumagot. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Hindi ka pa ba nakuntento sa panggagago mo sa akin noon? Hindi ka pa ba nakuntento sa panloloko at p*******t mo sa akin?” may himig ng pagdaramdam pero may halo pa ring galit na mga tanong nito. Mas lalong humihigpit ang paghawak nito sa akin.
Kaagad akong napatingin sa kanya. Alam kong nakikita niya sa mga mata ko ang sakit, galit at sama ng loob na naiipon araw-araw sa dibdib ko.
With all my might, Buong lakas akong pumiglas sa pagkakahawak niya kaya nabitawan niya rin ako.
Tinitigan ko siya sa mga mata.
“Ikaw? Hindi ka pa rin ba nakukuntento sa araw-araw mong p*******t sa akin hindi lamang sa katawan ko kundi pati na rin sa damdamin ko?” tanong ko. Ngayon, masasabi ko ng handa na akong lumaban at ilabas ang lahat ng kinikimkim ko.
Hindi nakasagot si Howard, nakatitig lang rin ito sa akin.
“I know… I’m the one who made mistakes… I’m the one who cheated on you… And I’m sorry for that… But do you think, I deserve to be treated like what you’re doing to me everyday? I know…”
“You deserve that…” sabi kaagad sa akin ni Howard. Galit. “You deserve my anger… you deserve my revenge… Niloko mo ako… ginago at sa tingin ko, pinaglaruan… Pero alam mo, sa lahat ng ginawa mo, ang pinaka-nangibabaw sa lahat ay ang sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko sa tuwing makikita kita! Sa tuwing makikita kita, lagi kong naaalala ang lahat! And everytime na makikita kita, mas lalong lumalalim ang sugat na nilikha mo hindi lang sa puso ko kundi pati na rin sa buong pagkatao ko kaya… para kahit papaano’y maibsan ang sakit na nararamdaman ko, sinasaktan kita para maramdaman mo rin kung gaano kasakit ang ipinaranas mo sa akin! Mahal na mahal kita… Masasabi kong kahit na sinasaktan kita ay mahal na mahal pa rin kita pero hindi ko makakalimutan ang ginawa mo kaya ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo, pinangingibabawan lagi ng galit, sakit at poot…” madamdamin at galit na sambit ni Howard. Puno man ng galit ang mga mata nitong nakatitig sa akin, nakikita ko sa gilid ng mga ito ang nangingilid niyang mga luha na gusto nang umalpas pero hindi niya hinahayaang tumulo. “At ngayon… ginagawa mo na naman… Nagagawa mo na naman akong lokohin, paglaruan, at saktan… Wala kang konsensya!” sabi pa nito.
Bahagya akong napalayo ng distansya sa kanya. Kahit papaano’y nahabag ako sa sinabi niya. Hindi naman ako manhid at kahit papaano’y nasaktan ako sa mga sinabi niya. Somehow, naiintindihan ko ang hinanakit niya pero hindi ibig sabihin nun ay may karapatan na siya para saktan ako ng paulit-ulit.
“Ano? Masaya ka na ba na malamang hindi lang ikaw ang nasasaktan araw-araw sa ating dalawa? Masaya ka na ba?!” tanong pa nito.
Hindi ako nakasagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
“Ngayon… I have a proposal for you… Sa ikalawang pagkakataon, sasabihin ko sayong muli na layuan mo na ang lalaki mo kundi…” sabi nito at bahagyang lumapit sa akin. Itinapat ang bibig sa aking tenga. “Hindi mo magugustuhan ang mga kaya kong gawin…” nakakatakot ang boses na bulong nito saka lumayo sa akin.
“Paano kung ayoko…” matapang kong pahayag.
Napangisi si Howard. “You better watch out…” pang-asar nitong sabi. “Alalahanin mo… asawa pa rin kita kaya kontrolado kita… at siguro naman kilala mo na ako dahil ilang taon rin naman ang pagsasama nating dalawa… Pero kung hindi mo pa talaga ako lubusang kilala… sige, wag mo akong sundin at mas makikilala mo pa ang Howard na hindi mo inaakalang nage-exist pala sa mundo...” nakakatakot ang boses na sabi pa nito.
Somehow, nakaramdam ako ng takot. Kung makikita mo kasi si Howard ngayon, masasabi kong para siyang sugo ng isang demonyo, sa pananalita, sa pagtingin nito sa akin. Pero kahit papaano’y nawawala na ang takot sa akin… hindi totally nawala dahil meron pa naman pero masasabi kong kahit papaano’y nagiging matapang na ako at dahil iyon sa isang taong minamahal ko… ‘yun ay si Kameon.
Napangisi rin ako at tiningnan si Howard. “Siguro nga kasal tayo… Asawa kita… Asawa lang kita at legal iyon… sa Amerika… Pero Howard, nasa Pilipinas tayo at tandaan mo, hindi tinitingnan ng batas ng Pilipinas ang marriage certificate natin… Ibig sabihin, hindi legal ang pagiging asawa mo sa akin… Katulad na lang rin ng hindi mo pagiging legal sa puso ko dahil simula ng saktan mo ako at gawin ang lahat ng kahayupang ginawa mo sa akin, nawala na rin ang pagmamahal na natitira para sayo… Simula ng araw na maging asawa kita, nakatatak sa puso ko na hindi kita asawa at wala akong asawang kagaya mo…” matapang kong pahayag. “Alam kong kasalanan ko ang lahat at pinagsisisihan ko iyon, pero hindi ibig sabihin na porke’t ikaw ang may kasalanan, you deserve to be treated like what you did… tao rin naman ako, nagkakamali, nasasaktan… pero tao rin akong natututong bumangon at lumaban…” sabi ko pa at nagsimula na akong naglakad palayo sa kanya. Iniwan ko siyang natulala dahil sa sinabi ko.
Oo, alam kong hindi magiging madali pero simula sa araw na ito, kung anumang gawin niya, kailangan kong tapatan, kailangan ko ng lumaban hindi lang para sa akin kundi para na rin sa taong nagmamahal sa akin.
-END OF EPISODE 10-