Kabanata 3

1825 Words
Hindi na ako hinintay pa ng matapobre na si Cairo para maka-hindi sa kaniya. Ang susunod ko na alam, nakaupo na ako sa likod ng big bike niya.  Nakaupo lang talaga ako sa dulo dahil ayaw ko na magkaroon kami ng physical contact lalo na at mukhang maarte ang kapatid na ito ni Paris.  Hindi pa rin ito tumatakbo at nakatingin lang sa akin. Nanonood naman sa amin si Paris.  “Ano?” mataray kong tanong sa kaniya.  Tumaas ang kilay nito sa akin. Ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.  Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko na nakawak sa helmet ko. Umiling siya at nilingon si Paris. “Ihatid mo siya nang maayos, Cal. I will kill you if something happens to her.” banta ni Paris sa kapatid niya.  As if naman na hahayaan ko na may gawing masama sa akin ang mayabang na ‘to! Umirap ako sa hangin nang buhayin niya ang makina ng big bike niya.  “Whatever,” ani Cairo at marahan na pinaandar ang motor.  Sinubukan ko pa rin na humawak sa pinakalikuran ng motor para may gabay ako sa daan. Inaasahan ko na medyo mabilis ang pagpapatakbo niya dahil halata naman na mamahaling big bike ang pag-aari ni Cairo, pero nakakapagtaka na mabagal ang takbo noon.  Napansin ko na panay ang tingin niya sa side mirror at umiiwas ang tingin sa tuwing mahuhuli akong nakatingin sa kaniya.  Ilang beses pa na naulit iyon kaya hindi na ako nakatiis at binuksan ko na ang face shield ng helmet at sumigaw na sa kaniya.  “Ano ba ang problema? Bakit ang bagal mo?” tanong ko, hindi na nakapagpigil.  Tumigil ang big bike niya sa tabi ng daan. Walang kahirap-hirap niyang nilagay sa stand iyon kahit pa nakaupo ako sa likuran at bumaling sa akin.  “Hindi ka ba marunong na mag-motor?” tanong ko pa sa kaniya.  Hinubad ni Cairo ang kaniyang helmet at tumaas ang kilay. Napatitig ako sa mukha niya. Sobrang guwapo niya at nakakadagdag sa karisma niya ang pagiging matangkad at fit.   Guwapo na sana e, kaso masama ang ugali kaya wala rin.  “Are you insulting me?” tanong niya, hindi na makapaniwala sa akin.  Nagkibit balikat ako at tiningnan ang lugar. Halos kalalabas lang namin sa private na daan na tumutumbok sa mansiyon nila.   “Kung ganiyan tayo kabagal, mabuti pa at maglakad na lang ako pauwi. Baka masayang ko pa ang oras mo, Senyorito.” sabi ko.  Hindi ko alam pero una pa lang namin itong pagkikita at hindi ko na gusto ang kagaspangan ng ugali niya. Nararamdaman ko na ganoon din siya sa akin.  Umiling siya at ngumisi na parang nagpipigil ng inis sa akin. Hindi naman ako nagpatinag doon.  Sumakay ulit siya sa big bike at pinaandar iyon. Hindi gaya ng kanina, sobrang bilis noon. Halos mapamura ako sa takot dahil parang doble ng normal na bilis ang patakbo niya.  “Ano ba? Siraulo ka ba?” sigaw ko.   Hindi naman ako sigurado kung naririnig niya ba ako dahil nalulunod na ako sa hampas ng malalakas na hangin. Mahigpit ang hawak ko sa upuan ng kaniyang big bike.  Mas bumilis pa iyon. Pumikit na ako.  “Magpapakamatay ka ba?” tanong ko. Hindi na ako nakapagpigil. Hinayaan ko na mag-slide ako ng kaunti sa aking upuan papalapit sa kaniya at hinampas siya sa likuran. Naramdaman ko na unti-unting bumagal ang takbo ng big bike hanggang sa maging normal ang takbo noon. Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.  Tinaas ko muli ang face shield ng helmet at masama siyang tiningnan sa side mirror. Napansin ko na nakakunot ang noo niya pero may ngisi sa labi.  “Siraulo,” bulong ko pero sadyang pinarinig ko.  Nagulat na lang ako ng hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa gilid ng upuan at nilagay sa kaniyang baywang.  Gulat ko na binawi iyon pero malakas ang grip ng kaliwang kamay niya at hindi ko nabawi ng tuluyan iyon.  “Huwag ka'ng malikot,” sabi niya, hindi inaalis ang tingin sa daan. “Humawak ka at baka mahulog ka pa.” dagdag pa niya.  Hindi na ako nakagalaw. Mayroon na kung ano sa boses niya ang parang mahika na gusto mo na lang maniwala sa sinabi niya.  Lumakas ang kabog ng dibdib ko roon. Ngayon pa lang ako naging ganito kalapit sa isang lalaki. Tanging kay Kuya Nial pa lang ako nakakaangkas kaya hindi ko alam kung mahigpit ba ang yakap ko at baka maisip nitong lalaki na ito na may gusto ako sa kaniya. Hindi naman mangyayari iyon.  Tahimik lang ang takbo nila hanggang sa makarating kami sa village kung saan ako nakatira. Dikit-dikit ang bahay doon dahil isang low class na subdivision iyon.  “Diyan sa dulong bahay ng unang block. Iyong may pulang motor.” sabi ko para gabayan siya kung alin ang aming bahay.  Tumigil ang kaniyang big bike doon. Napansin ko ang ilang mga tambay sa labas na napapatingin sa napakagarang big bike ni Cairo.  “Aba si Naya! Boyfriend mo?” tawa noong isa sa mga kaibigan ni Kuya Nial na halatang lasing na rin.  Umirap ako.  “Kalalaki mo’ng tao, chismoso ka! Matulog na nga kayo, mga lasing na kayo.” saway ko sa mga ito.  "That's your brother's friends?" tanong ni Cairo. "Oo. May problema ka?" tanong niya pabalik. Nakatingin lang si Cairo ng blangko sa nga nag-iinuman. Binuksan ko na ang kahoy na gate para makapagpahinga na. Napansin ko na may gumalaw sa kurtina ng bahay namin,, marahil ay si Mama na naghihintay sa akin.  Bumukas ang pintuan ng bahay namin at lumabas doon si Mama na nagmamadaling pumunta sa gate.  “Magandang gabi, Senyorito. Maraming salamat sa paghatid sa anak ko.” sabi niya.  Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Hinubad ni Cairo ang kaniyang helmet at marahan na tumango kay Mama.  “Nakauwi ka na pala? Bakit ka pinauwi ni Madame Andrea? Dito ka na ba mag-aaral sa Pilipinas?” tanong ni Mama.  Laglag ang panga ni Naya sa tanong na iyon. Ngumiti si Cairo at tumango.  "Actually, hindi ko rin alam kung bakita ako pinauwi ni Mama. Sa mga susunod na araw pa siguro kami magkikita kasi busy sila ni Papa sa—“ “Teka, magkakilala kayo?” tanong ko.  Mukhang magkakilala sila kung mag-usap. At nakakagulat na sobrang galang ni Cairo sa mama ko. Parang hindi siya ang matapobreng kausap niya kanina sa mansiyon ng mga Silvejo.  Tumango si Mama at ngumiti sa akin.  “Hindi ba noon naku-kuwento ko na may inaalagan ako’ng bata sa mga Silvejo? Si Cairo iyon, anak. Noong si Kuya Nial pa lang ang anak namin ni Papa mo.” sagot ni Mama sa akin.  “Ano?” hindi ako makapaniwala.  Tiningnan ko si Cairo na nakangisi lang sa akin. Si Mama naman, naguguluhan sa reaksiyon ko.  “Ito ‘yung anak ni Madame na inaalagan mo noon na sinasabi ni Kuya Nial na kalaro niya?” tanong niya.  Dating namamasukan si Mama sa mga Silvejo bilang katulong. Noong magkamalay siya, si Paris na ang anak ng mga Silvejo na nandoon.  Akala ko ba born and raised sa US itong Cairo Alessandro na ito?  “Akala ko born and raised in US ka?” tanong pa niya.  Umiling si Cairo.  “Umuuwi ako tuwing summer noong bata pa ako hanggang sa makatapos ako ng middle school sa US. Tuwing summer, si Yaya Nancy ang nag-aalaga sa akin kasi busy si Mama at si Papa sa business. Okay na?” mataray niyang sagot.  Tumango si Mama at ngumiti pa.  “So, all this time… kilala ka ni Mama? Kaya ba sabi mo pinahatid niya ako? Ma?” tanong ko. “Oo, anak. Tumawag sa akin si Senyorito Cairo kanina.” sagot niya. "Nakakahiya ka, nasaan ba ang mga gamit mo? Naabala pa tuloy si Senyorito Cairo." Akala ko nagsisinungaling ito kanina para lang sumakay ako sa big bike niya and turns out, totoo pala talaga!  Natahimik ako at nanatili lang nakatingin kay Cairo Alessandro at sinusuri siya. How come na napakabait niya ngayon? Samantalang kanina kulang na lang laitin niya ako dahil mahirap kami at pinagbabawal niya pa akong maging girlfriend ng kapatid niya.  "Kumain ka na ba? Halika muna sa loob, Cairo.” sabi ni Mama.  Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Napansin ni Cairo iyon at tumikhim siya. Umiling siya at marahan na ngumiti kay Mama.  “No thanks, Yaya Nancy. Uuwi na rin ako at may mga gagawin pa ako. Hinatid ko lang si Naya rito.” sabi niya.  “Oh, siya. Hindi na kita pipilitin. Mag-ingat ka at gabi na. Mag text ka na lang sa akin o hindi kaya ay kay Naya para malaman ko kung nakauwi ka ba ng maayos.” bilin ni Mama.  Tumaas na ang kilay ko. Tingin ni Mama super friends kami para ibigay ko ang number ko sa kaniya?  No freaking way! Over my dead body! “Naya,” tawag ni Mama sa akin kaya nilingon ko siya.  “Papasok na ako. Hintayin mo si Cairo na makaalis bago ka pumasok.” sabi pa ni Mama at walang sabing umalis doon.  Tumaas ang kilay ko habang pinapanood na pumunta si Cairo sa kaniyang big bike. Lumapit naman ako at binigay ang helmet na sinuot niya kanina. Kumuha pa ako ng alcohol para mag-spray doon.  “Oh, para sure na walang germs. Baka mandiri ka.” sabi niya. Nakatingin lang siya sa akin habang sinusuot ang kaniyang itim na helmet. Binuksan ng lalaki ang big bike box at sinilid doon ang extra helmet na pinahiram niya kay Naya. “You really took what I said earlier the bad way…” sabi niya. “You really made sure that by the way you said it.” sagot ko at ngumuso.  Tumawa si Cairo nang mahina. Nanatili namang seryoso ako at nakuha pang ipag-krus ang mga kamay ko.  Sumakay na siya sa kaniyang big bike at inalis ang standa noon.  “Pasabi kay Paris, salamat.” sabi ko.  Umiling si Cairo.  “For what?” tanong niya pa sa akin.  “Para sa pagtuturo ng Calculus. Para sa pagpapahatid.” sagot ko.  Tumaas na ang kilay ni Cairo doon. Halata ang inis sa mukha niya.  “How about saying thanks to me? Ako ang naghatid sa’yo, Just Naya.” he said, halatang nainsulto.  Ngumisi ako. Alam ko naman na masama iyon pero iyon talaga ang goal ko. Gusto ko na maasar din siya sa akin.  “Saka na ako mag-thank you kapag sincere ka na. Sige na. Umalis ka na at baka gabihin ka pa mahal na Senyorito.” pagtataboy ko rito.  “Unbelievable,” bulong nito pero sapat na para marinig ko.  Ngumisi ako. Nag-umpisa na siyang magmaneho pauwi. Napailing na lang ako nang makita na nakalabas na siya sa subdivision.  Mababait ang mga Silvejo. Sina Paris, Madame at Senyor… pero iyong si Cairo Alessandro? Hindi ko gusto ang ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD