Kabanata 4

2124 Words
“Good game, Captain!” sabi ni coach sa akin matapos ang tune up game practice namin after classes.  “Nice team, nice advice din coach!” sagot ko rito. Ngumiti ako at lumapit na sa bench kung saan nandoon ang ilang mga ka-teammates ko pati na rin si coach. Kinuha ko ang tumbler ng tubig at uminom doon. Nakakapagod at nakakauhaw ang training namin lalo na at papalapit na ng papalapit ang inter-high championship. “Maganda ang performances ninyo as a team. Galingan niyo lang at tiyak na madedepensahan natin ang grand champion title na nasa school na natin simula pa last year.” sabi ni coach. Pinunasan ko ang aking pawis at umupo na sa bench para hubarin ang sapatos na suot ko kanina pa. Nakaramdam ako ng ginhawa ng makapagsuot ng kumportableng tsinelas na lagi kong dala sa aking bag.  Tumingin ako sa oras ng aking cellphone. Pasado alas siyete na ng gabi. Maliwanag pa rin ang school dahil lahat ng varsity ay nag-te-training pa rin. Napatingin ako sa malawak na futsal field at nakita na nandoon pa rin si Paris at tumatawa habang naglalaro.   “Bukas susubukan ko na i-ramble kayo sa tune up game para makita ko kung ganiyan pa rin kayo pag hindi lang first six ang magkakasama. Kailangan ko ng magaling na team dahil mukhang hindi makakapaglaro si Jillian dahil sa injury niya.” sabi pa ni coach.  Tapos na ang training namin. Masiyadong mabigat ang training na hinanda ni coach dahil kailangan naming na mag-adjust sa bagong libero ng team. Hindi makakalaro si Jillian na ngayon ay nakasaklay pa.  May mga payo pa si coach sa amin bago kami ng stretching ulit bago umuwi. Nagpunta ang iba kong mga ka-team sa banyo para ayusin ang mga sarili habang ako ay hindi na nag-abala pa. Sinakbat ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang conversation namin ni Kuya Nial para makapagpasundo na sa kaniya gamit ang motor niya. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom at pagod. Sinuot ko ang headset para kahit papano ay maibsan ang pagiging inip sa paghihintay kay Kuya Nial. Naglakad na ako papunta sa labas pero mukhang napansin ako ni Paris at tumakbo siya papalapit sa akin.   “Naya, wait up!” sigaw niya.  Nilingon ko siya at hinila ang headset na suot ko para mas marinig siya. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.  “Paris, bakit?” tanong ko.  Tumingin ako sa soccer field at nakita ko ang mga player na nasa bench na at nagsisibihisan na rin para sa uwian.  “Uuwi ka na ba?” tanong niya pabalik.  Tumaas ang kilay ko at umirap sa kaniya.  “Obvious ba?” tanong ko at sinubukan na magtaray sa kaniya.  “Sungit mo talaga!” Humalakhak si Paris sa sinabi ko at hinubad ang suot niyang jersey. Nilagay niya iyon sa kaniyang balikat.  “Hintayin mo ako. Kunin ko lang gamit ko.” sabi niya at mabilis na tumakbo sa benches para kunin ang kaniyang gym bag.  Bumalik agad siya sa tapat ko at sabay na kaming naglakad papalabas. Normal lang iyon para sa amin. Simula pagkabata, kilala ko na si Paris. Marami kaming mga kaibigan.  “Nasaan ang sundo mo?” tanong ko kay Paris dahil may driver siya na sumusundo at naghahatid sa kaniya.  Strikto si Madame Andrea sa rules niya. Wala pang eighteen years old si Paris at ngayong taon pa lang siya puwedeng magmaneho kaya hindi gaya nina Alex at Baste, hindi pa siya puwedeng mag-motor o ‘di kaya ay kotse.  Tumingin si Paris sa kaniyang cellphone at nagkibit balikat.  “Wala pang reply si Manong. Pero nag-text na ako. Saka ko na lang siya tatawagan kapag sigurado na nasundo ka na ni Kuya Nial.” sagot ng chill na chill na si Paris.  “Alam mo, baka ikaw ang may gusto sa akin.” sabi ko at ngumisi nang mapang-asar sa kaniya.  Lumaglag ang panga ni Paris sa sinabi ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko. Ilang saglit pa ay tumawa siya at hawak pa ang kaniyang tiyan.  Sobrang OA talaga nito kahit kailan.  “Nakakatawa ka! Joke ba ‘yun, Naya?” halos maiyak na siya katatawa.  Umirap ako at hinampas siya ng bitbit ko na lagayan ng sapatos. Umiwas naman siya na nakangisi. Bumukas ang gate at lumabas doon ang nakasakay sa motor na si Baste.  “Hindi pa kayo umuuwi?” tanong niya sa amin.  “Naghihintay pa ng sundo si Naya, bro.” sagot ni Paris.  “Sus! Mahal na mahal mo talaga si Naya eh! Baka kayo ang magkatuluyan niyan!” biro ni Baste.  “Saka na, bro. Kapag umamin na sa akin si Naya na crush niya ako. Baka sagutin ko na siya. Matagal na ‘tong patay na patay sa akin eh.” he laughed.  Umakbay naman si Paris sa akin kaya tinulak ko siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang mga akbay niya. “Kadiri ka naman Paris! Amoy pawis ka! Lumayo ka nga baka mamatay ako sa suffocate!” reklamo ko.  Mas lalo pang humalakhak si Paris at mas diniin pa ako sa bandang kilikili niya. Nagsisinungaling ako noong sinabi ko na mabaho siya, amoy ko ang pinaghalong pabango at pawis niya talaga namang amoy lalaki.   Tumapat ang isang nakakasilaw na ilaw sa aming banda. Natigil kami ni Paris sa pagkukulitan, pero nanatili ang mga braso ni Paris sa akin. Bumusina ito saglit kaya naman napilitan na umalis si Baste sa daan.  “Ingat bro!” ani Paris at sinaluduhan ito.  Nagkatinginan kaming dalawa. Tumigil sa harapan namin ang pamilyar na SUV nina Paris. Lumapit si Paris sa bintana at kumatok doon. Bumukas iyon at bumungad sa akin ang mga nakakairitang mukha ni Cairo Alessandro. Tamad na tamad siyang tumingin kay Paris. “Manong, hintayin muna na—” naputol ang sasabihin niya nang mapansin na hindi ang kanilang driver iyon, “Cal? Nasaan si Manong? Bakit ikaw ang sumusundo sa akin?” tanong niya sa kapatid.  Sumulyap sa akin si Cal bago binalik ang atensiyon at nagkibit balikat kay Paris. Huminga ako nang malalim at hindi pinahalata ang namumuo ko na inis para kay Cairo. “Wala si Manong. Maraming bisita sina Mama at Papa ngayon papunta sa hotel. Siya ang magiging driver doon kaya ako muna ang susundo sa’yo sa linggo na ito.” tamad na sagot niya.  “Hop in! I do not have all the time in the world, Paris.” utos niya sa seryosong boses.  “Puwede ba na hintayin muna natin na masundo si Naya ng kapatid niya. Delikado na ang oras, baka mapaano pa siya.” sabi ni Paris.  Tumingin sa akin si Cairo at huminga nang malalim na parang naiinip na siya. Tumaas ang kilay niya at ngumisi. “You can have your friend in the car. Ihahatid ko na lang siya pauwi.” sabi ni Cairo. Nagkatinginan silang dalawa ng ilang sandali. Nilingon naman siya ni Paris para sa sagot. Umiling si Naya bilang sagot at nag-iwas ng tingin. Never in her whole life siyang tatanggap ng utang na loob sa lalaking ito. “Fine by me. Hindi ako namimilit.” sabi ni Cairo.   Dumating naman si Kuya Nial. Tumigil ito sa harapan ng SUV nina Paris. “Naya, halika ka na!” tawag ni Kuya Nial sa akin.  Lumapit ako at kinuha ang extra helmet mula sa kaniya at sinuot iyon. Nilagay ni Kuya ang motor sa stand para lumapit sa SUV nina Paris. Natigilan siya nang makita si Cairo sa driver’s seat.  “Cal?” tanong niya.  “Nial,” bati ni Cairo.  “Tama nga si Mama, nakauwi ka na. Kumusta?” tanong niya.  “I am good. Sinusundo mo si Naya?” tanong niya.  Tumango si Kuya at nilingon ako. Umirap naman ako at lumapit sa kaniya.  “Kuya, puwede ba na umuwi na tayo? Pagod na ako. Gusto ko na maligo.” sabat ko.  Malagkit na ako sa pawis at gusto ko nang mahiga sa kama ko. Tumingin sa akin nang seryoso si Cairo at tumaas ang kilay. Kunot noo naman si Kuya Nial sa akin. “Pasensiya ka na sa kapatid ko, Cal. Mataray talaga ‘yan at bossy.” sabi ni Kuya Nial para isalba ang pagiging bastos ko pero wala akong pakialam.  “I know.” simpleng sagot ni Cal.  Sumilip naman sa bintana si Paris kaya medyo umatras si Cairo. Kumaway siya sa akin.  “See you tomorrow, Naya! Ingat kayo sa pagmamaneho, Kuya Nial! Iuwi mo ‘yang best friend ko, ha?” bilin ng makulit na si Paris.  Tumango si Kuya Nial. Umirap si Cairo at tinulak papalayo si Paris sa harapan niya. Bumusina siya ng isang beses at sinara na ang mga bintana ng SUV para magmaneho.  Pareho ang direksyon ng dadaanan namin pauwi. Nasa unahan sina Naya at nakasunod naman sa amin sina Cairo gaya ng dating gawain ng driver nila Paris.  Mabagal lang ang patakbo ni Kuya dahil palagi ko siyang sinusumbong kay Mama sa tuwing mabilis ang patakbo niya. Nag-high beam ang SUV nina Paris bilang senyas at nag-overtake na ito sa kanila. Humarurot ito hanggang sa nawala na ito. Umirap ako nang lumampas ang sasakyan nila. Mabuti na lang at nawala na sa presensiya niya ang mayabang na si Cairo na iyon. Tahimik kami sa biyahe nang biglang may sumabog sa gulong at gumewang ang motor ni Kuya Nial. Napahawak ako ng mahigpit sa baywang ng aking kapatid.  Tumigil si Kuya sa tabihan ng daan. Bumaba ako at siya para tingnan iyon. Na-flat-an kami. Tumingin ako kung nasaan kami. Malayo pa ang vulcanizing shop dito.  “Tatawagan ko lang ang kaibigan ko para matulungan tayo. Ihahatid ka na lang naming muna bago dalhin ito sa vulcanizing shop.” sabi ni Kuya at kinuha ang kaniyang cellphone.  “Okay. Take your time.” sagot ko.  Lumakad si Kuya palayo. Umupo na ako sa tabihan ng kalsada. Kakaunti lang ang mga dumadaan sa parte na ito tuwing gabi. May mga tricycle pero minsanan lang iyon. Nagtagal pa kami doon ng halos sampung minuto. May headlight ng sasakyan na papunta mula sa opposite direction. Tumayo ako para tingnan iyon at nakita na ang hindi pamilyar na pick-up truck iyon. Tumigil iyon sa harapan nila. Bumukas ang bintana at nakita niya na si Cairo ulit iyon. “Need a hand?” tanong ni Cairo kay Kuya Nial.  Napansin ko na wala na si Paris doon sa loob. Nilingon ako ni Cairo at tumaas ang kaniyang kilay sa akin.  “Looking for my brother? I dropped him home.” sabi niya.  Bumalik naman si Kuya Nial sa amin. Tumingin sa kaniya si Cairo.  “Oh, bro? Bakit bumalik ka?” tanong niya.  “I was on my way to the hotel. Nasiraan kayo? Gusto mo ba na i-tow natin ang motor mo?” tanong ni Cairo.  Umiling si Kuya Nial.  “Salamat na lang sa offer pero natawagan ko na ang kaibigan ko. Papunta na siya rito. Si Naya na lang Cal, kung hindi nakakahiya—” “Kuya!” sigaw ko na nagugulat na.  Masiyadong makapal ang mukha ni Kuya Nial para mag-request noon.  “Hindi pa ako sigurado kung ano’ng oras makakarating si Nilo. Galing pa siya sa bahay nila. Sumama ka na kay Cal pauwi. Hindi ba gusto mo na makapagpahinga ka na?” tanong ng inosenteng si Kuya.  Laglag ang panga ko. Ano pa ang silbi ng pagtanggi ko sa paghahatid ng mayabang na si Cairo sa akin kanina kung sasakay din ako sa sasakyan niya? “I can—” “Sumakay ka na, Naya. Do not let this chance to slip away. Iuuwi na kita.” Wala na akong magagawa dahil nakita ko na nilalagay na ni Kuya Nial ang sports bag ko sa likuran ng sasakyan ni Cairo. Ngumisi si Cairo sa akin.  “Sit in the front.” he said while looking at me at the backseat, “I am not your driver.” he added.  Umirap ako. He smirked. Wala na ako’ng choice kung hindi sumakay sa passenger seat niya. Padabog ko na sinara ang pintuan noon.  Bumusina naman siya kay Kuya Nial na tumango at pinanood kami. I waved my phone to him para i-signal na mag-text siya. “You really hate me, do you?” nakangising tanong niya nang magsimula na kaming bumiyahe, “Too bad. So many girls are dying to ride a car with me.” he said.  “Well, maraming babae kang kilala na walang taste kung ganoon.” I smirked back at him.  Lumapad ang ngisi niya at umiling. He did not talk back pero hindi mawala ang ngisi niya. How come did I end up in his car? At bakit siya lagi ang naghahatid sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD